Lucinda
Mabilis lang na lumipas ang dalawang linggo hanggang sa lumipas pa ang isang buwan. Ang akala ko ay dalawang linggo lang na mananatili roon si Clark pero isang buwan na ang nakalipas ay hindi pa siya bumabalik. Ang nakakainis ay wala man lang siyang sinasabi sa akin kung kailan niya balak bumalik o kung babalik pa ba siya.
Hindi ko rin ma-contact ang cellphone niya dahil palaging out of coverage area ito kaya hindi ko tuloy maiwasan ang mag-alala. Alam ko na sinabi niya na may problema ang kanyang pamilya pero hindi ko rin alam kung ano ito kaya kung ano-ano na ang pumapasok sa aking utak ngayon. Nagkaayos nga kami pero parang hindi naman kami dahil halos wala na siyang paramdam sa akin.
“Hoy!” Napakurap ako nang ipitik ni Paris ang kanyang daliri sa aking harapan. “Kanina ko pa tinatawag ang pangalan mo pero parang iyong utak mo nasa outer space na. Sino nanaman ba ang iniisip mo? Si Clark nanaman ba iyan? Iyan na nga ba ang sinasabi ko e. Kung si Kenneth lang sana ang pinatulan mo e di sana wala kang problema ngayon.”
Napasimangot naman ako sa kanyang sinabi. “Kahit naman wala akong Clark ngayon ay baka hindi ko rin patulan si Kenneth. Don’t get me wrong, he’s handsome. No doubt about that. Pero hindi kasi siya iyong type ko talaga e.”
Napairap naman siya sa akin sabay napailing. “Ewan ko sa iyo. Kung hindi siya nagpaparamdam which is pangalawang beses na niyang ginawa ito, aba dapat lang na hiwalayan mo na siya noh. Okay pa sana iyong isang araw o kahit dalawa gano’n. Pero iyong isang buwan na halos wala ka man lang balita sa kanya? Naku, iba na iyan. Baka naman may iba na siya sa New York?”
“Tsk! Huwag mo ngang sabihin iyan. Nag-promise siya na wala na siyang iba at panghahawakan ko iyon.” Napailing ulit siya.
“Lucinda, alam mo kung paano tumakbo ang utak ng mga lalaki noh. Mabulaklak ang mga bunganga nila habang nakaharap sa iyo. Pero oras na malingat ka lang ay kung saan-saang kweba na sila pumapasok. Lalo na at mukhang malaki pa naman ang batuta niya at sigurado akong heaven ang kung sinumang papasukin nito,” pang-aasar niya sa akin.
“Malaki ang batuta nino? At ano’ng heaven ang sinasabi mo, honey, ha?” Napalingon kaming dalawa sa nagsalita.
Kita ko ang gulat sa mga mukha ni Paris nang makita niya si Blade na mukhang masama na ang timpla ng mukha dahil sa sinabi niya kanina. Ayan kasi ang hilig mang-bash e di nahuli ka tuloy.
“H-Ha? Tinutukoy ko lang naman iyong boyfriend ni Lucinda dahil isang buwan nang hindi nagpaparamdam.” Kinakabahang tawa niya pa.
Napatingin naman sa akin si Blade upang klaruhin kong tama ba ang sinasabi ng nobya niya peo nagkibit balikat naman ako. Pinanlakihan naman ako ni Paris ng kanyang mga mata at agad na tumingin kay Blade na masama nang nakatingin sa kanya.
“At paano mo naman nasabi na malaki ang kanya? Bakit nakita mo na ba?” inis na tanong ni Blade sa kanya.
“Syempre h-hindi noh. Isa pa mas malaki ka para sa akin.” Napairap na lang ako sa kanilang dalawa at napatayo dahil ayaw kong pakinggan ang mga lumalabas sa mga bunganga nila.
Naglakad-lakad ako palayo sa kanila dahil ayaw kong makarinig ng kabastusan sa mga bunganga nila. Pero bakit kaya kapag si Clark naman ang gano’n ay hindi naman nakaririnding pakinggan? Mas kinikilig pa nga ako kaya kung minsan ay ang diretso tuloy naming dalawa ay sa kama palagi.
Nang makalayo na ako sa kanila ay umupo ako sa isang bench na nandito at dito nagmuni-muni habang pilit na iniisip kung ano ang mga posibleng dahilan kung bakit hindi pa bumabalik si Clark. Nasa gano’n akong pag-iisip nang mapaangat ang aking tingin sa lalaking nagsalita sa aking tabi. Doon ko lang napagtanto na si Ian pala ito at hindi ko alam kung bakit palagi na lang kaming nagkikita sa mall.
“This is becoming a habit, don’t you think?” tanong niya na akin namang ikinatawa.
“Oo nga e. Palagi na lang tayong nagkikita sa mall. Teka nga. Ano ba ang ginagawa mo sa mall na parang halos araw-araw ay nandito ka?” tanong ko sa kanya.
“May I sit first?” Umusog naman ako para makaupo siya. “Hindi naman sa araw-araw dahil alam mo naman na may trabaho ako. Siguro ay talagang nagkakataon lang talaga na palagi tayong nagkikita. Alam mo iyong pinagtagpo pero di tinadhana?”
Tinaasan ko siya ng aking kilay. “At humuhugot ka na ngayon sa kanta?” Natawa naman siya.
“Maiba tayo. Nasaan iyong nobyo mo at parang wala yatang lumalapit sa akin para tignan ako ng nakamamatay niyang mga tingin?” Nginitian ko siya. “Pwera biro dahil para na talaga niya akong papatayin sa paraan ng pagtitig niya. Kulang na nga lang ay magkaroon siya ng super powers at talagang mapapatay na niya ako.”
“Hehe…Hindi naman sa gano’n. Hmm, sabihin na natin na masyado lang siyang protective sa akin at possessive.” Napatango naman siya
“Kung sabagay ay baka maging gano’n din ako oras na magkaroon ako ng kasingganda mong nobya. Mag-iiba talaga ang ugali ng isang tao oras na umibig na ito ng tapat. Pero balik tayo sa tanong ko at nasaan ang nobya mo?” Napatungo ako at biglang nawala ang aking ngiti.
“Nagpaalam kasi siya na pupunta siya sa pamilya niya sa New York dahil may problema raw. Sabi niya ay dalawang linggo lang siyang mawawala pero mag-iisang buwan na ay wala pa rin siya. Hindi na nga rin niya ako kinokontak kaya nag-aalala na ako kung ano ang nangyari sa kanya,” paliwanag ko sa kanya.
“Pamilya? New York? Teka humingi ka man lang ba ng patunay na pamilya niya talaga ang pupuntahan niya? Paano kung kasal na pala siya at may pamilya siyang iniwan doon kaya hindi na siya nagpapakita?” Napatingin ako sa kanya at bigla akong kinabahan dahil hindi ko naisip ang bagay na iyon.
Mukhang napansin ni Ian ang kaba at takot ko at para na akong maiiyak kaya naman sinubukan niyang mulin pagaanin ang aking pakiramdam pero hindi na ito umobra.
“Huwag ka na lang mag-isip ng iba. Minsan kasi kapag pamilya talaga ay araw ang bibilangin mo para matulungan sila. Think positive ka na lang,” sabi niya sa akin pero hindi na maalis sa aking isipan ang kanyang sinabi.
Paano kung totoo ang sinabi ni Ian na may pamilya na nga siya sa ibang bansa? Iyon kaya ang dahilan kaya ayaw niya akong isama dahil ayaw niyang magharap kami ng legal niyang asawa? Umiling ako at pilit na isinawalang bahala ang aking mga iniisip pero mas lalo lang itong nagsusumiksik sa aking utak.
Nagpaalam na sa akin si Ian dahil sinabi niya na may gagawin pa siya. Yinaya niya ako para sabay na kaming umuwi pero umiling na lang ako dahil mas lalo lang akong mababaliw kaiisip kay Clark kapag nanatili ako sa aking condo. Tumayo ako at agad na pumunta sa cr ng mga babae dahil nakaramdam ako ng pagkaihi.
Nang matapos akong mag-cr ay naisipan ko na lang na pumunta muna ng bar dahil ayaw ko pa talaga ang umuwi. Gusto ko lang makalimutan ang mga naiisip kong masasama dahil ayaw kong paghinalaan na lang palagi si Clark. May tiwala ako sa kanya at alam ko na hindi niya sisirain ang tiwala kong iyon sa kanya.
Pagdating ko sa bar ay agad akong umorder ng hard na liquor dahil gusto kong makalimot agad at malimutan ang mga masasamang iniisip ko tungkol kay Clark. Habang lumalalim na ang gabi ay napaparami na rin ang aking mga naiinom at nagsisimula na akong mahilo. Tumayo ako para sana maghilamos at nang mawala ang aking pagkalasing nang bigla akong mawalan ng balanse.
“Whoops. Easy there, beauty,” rinig kong sabi sa akin ng isang lalaki.
“Hmm. S-Sorry,” hinging paumanhin ko sa kanya.
“It’s okay. Maybe you can pay me upstairs or in my condo?” Halos tumayo ang aking balahibo nang ibulong niya ito sa akin.
Pilit ko siyang itinulak dahil ayaw kong may ibang gumagalaw sa akin kung hindi si Clark lang. Hindi na ako nakikipag-one night stand sa kung sino-sino na lang. Hindi niya ako binitawan at dahil sa nahihilo na ako at nanghihina ay hindi ko siya mailayo sa akin.
“Come on. Just one round, hmmm. I promise you I will let you have the best orgasm of your life, baby.” Naramdaman ko na hinahalikan na niya ang aking leeg.
“No! L-Let me go! Please…” Tinulak ko siya ulit pero mas lalo lang humigpit ang kanyang hawak sa akin.
“Come on. Don’t be so uptight! You are here inside the bar to get f**k, right?” Umiling ako at naiiyak na ako dahil halos ikiskis na niya ang p*********i niya sa akin.
“You better let go of her, sir. You are forcing her to have s*x with you, and that’s a violation.” Pareho pa kaming napatingin sa lalaking nagsalita.
Kahit lasing ako ay alam kong hindi si Clark ito dahil iba ang boses niya at ang tindig niya.
“Who the hell are you? Mind your own business,” sabi ng lalaki at akmang hihilain na niya ako palabas pero umiling ako.
Nagulat ako nang bigla na lang akong agawin ng lalaki sa kanya ng gano’n kadali sabay pinunta sa likod niya. Nagtago na ako dahil siya na lang ang tanging makatutulong sa akin. Naiinis na napatingin sa kanya iyong lalaki pero agad na sinuntok niya ito sa panga nito na naging dahilan ng pagkahilo nito.
“Sir, are you alright?” tanong ng isang guard sa lalaki.
“I’m fine. Will you ban that person in every bar? I don’t want him molesting women again.” Utos niya at agad namang tumalima ang mga inutusan niya sabay binuhat palabas ang walang malay na lalaki.
Humarap na siya sa akin at nahihilo pa rin ako pero kitang kita ko ang itsura niya.
“Are you okay, miss? Sabihin mo sa akin kung saan ang address mo at ihahatid na lang kita,” sabi niya pero umiling ako. “No? What do you want to do then?”
“I want to talk to Clark.” Umiyak na ako at nagpagewang-gewang na.
“Clark? You mean Clarence Jr.?” tanong niya at tumango naman ako.
Pero magsasalita pa lang ako ay nagsisimula nang manilim ang aking paningin. “Hmmm. Clark…”
Pagkatapos nun ay hindi ko na alam kung ano ang nangyari dahil dumilim na ang kapaligiran at nawalan na lang ako ng malay. Nang magising ako kinabukasan ay sobrang bigat ng aking ulo na halos mapadaing ako sa sobrang sakit nito. Pinilit kong imulat ang aking mga mata at nakita ko na may nakalagay na advil at tubig sa may study table.
Agad ko itong ininom dahil super sakit na talaga ng aking ulo at halos hindi ko maimulat ng mabuti ang aking mga mata. Lumipas siguro ng ilang oras na gano’n ako at unti-unting nawala ang sakit ng aking ulo dahil sa gamot. Maya-maya ay nakaramdam na ako ng pagsusuka kaya naman mabilis akong tumakbo sa banyo at doon ko linabas lahat ng laman ng aking tyan.
Nang matapos akong sumuka ay flinush ko ito at nagmumog ng aking bunganga. Pero habang ginagawa ko iyon ay doon ko unti-unting napansin na nasa ibang bahay ako. Napalabas ako ng banyo sabay napatingin sa aking damit pero iyon pa rin naman ang suot ko.
“Oh my god, oh my god…” mahinang sambit ko dahil natatakot ako na baka may naka-one night stand nanaman akong iba.
Napatingin na lang ako sa may pinto nang bumukas ito at isang gwapong lalaki ang pumasok kaya naman napasinghap ako at tuluyan nang umiyak.
“Sh*t! What the hell? May masakit ba sa iyo? Sh*t. Mananagot ako kay Clark nito oras na malaman niya talaga ito.” Napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi at tinanong kung tama ba ang aking dinig.
“You know Clark?” tanong ko.
“Hays. Yes. And I’m guessing you are Lucinda, right? My name is Luke, and I’m Clarence’s friend. Nice to meet you.” Nakipagkamay siya sa akin. Kung gano’n ay kilala niya si Clark.