Clark
Nandito na ako ngayon sa airport upang bumalik sa America at puntahan ang aking pamilya na naroon. Kanina pa ako nagpaalam kay Lucinda at natutuwa ako dahil halos ayaw na niya akong paalisin kanina. Tinanong ko nga siya kung gusto niya bang sumama sa akin dito sa airport para ihatid niya ako ay humindi siya.
Baka raw kasi lalo lang siyang mangulila at baka hindi na niya ako pasakayin ng airport na nagpangiti sa akin. Naiiling na lang ako tuwing naaalala ko kung paano siya umiyak kanina na para bang batang iiwan ng kanyang mga magulang. She’s just so cute and beautiful at the same time.
Nang maitawag na ang flight ko ay agad ko nang binitbit ang aking bag papunta sa eroplanong sasakyan namin. Pagsakay ko sa loob ng eroplano ay mabilis kong hinanap ang aking upuan at sinigurado ko ring nakasuot ang aking sombrero at nang walang makakilala sa akin. Pagkaupo ko ay linabas ko ang aking cellphone at nakita ko ang text sa akin ni Lucinda na nami-miss niya na ako.
Napangiti na lang ako at mabilis siyang rineplyan saka ko itinago ang aking cellphone sa bulsa ng aking jacket. Nang mapuno na ang eroplano ay agad na itong umandar at lumipad sa himpapawid. Itinulog ko na muna total ay kulang-kulang mga walong oras bago ako makarating ng New York.
Nang malapit nang mag-landing ang eroplano ay nagising na ako at agad na gumising. Kinuha ko ang aking mga gamit at lumabas na ako ng airport at mabilis na kumuha ng taxi pauwi sa bahay ng aking pamilya. Wala pang trenta minuto ay nakarating na ako sa aming bahay at agad akong nag-doorbell. Pagbukas ng gate ay bumungad sa akin ang kapatid kong babae at mabilis akong yinakap sabay ginulo ko naman ang kanyang buhok.
“Mama! Nandito na po si kuya!” sigaw niya habang papasok kami ng aming bahay.
Lumabas si Mama mula sa kusina at nang makita niya ako ay ngumiti siya at mabilis akong hinagkan sa magkabilaan kong pisngi.
“Glad you are here, iho. Akala ko ay hindi ka na darating kaya naman sobra na ang pag-aalala ko,” sabi niya.
“Kuya!” Napatingin naman ako sa bunso naming lalaki na tumatakbo na pababa ng hagdan at nang makalapit sa akin ay mabilis ko itong binuhat. “I miss you so much, kuya. Ate and Mama won’t let me go outside the house because they said it’s dangerous.”
“It’s for your own safety kiddo.” Binaba ko siya at mabilis na tumakbo palapit sa kanyang ate.
Napatingin naman ako kay mama at agad kong nahalata ang pag-aalala sa maganda niyang mukha. Ang tatay ko ay may lahing amerikano kaya naman dito sila nagkakilala noon ni Mama noong naging isang waiter si mama sa isang coffee shop. Dito na sila bumuo ng pamilya kung saan ay nagkaroon sila ng tatlong anak.
Ako ang panganay at ang aking kapatid na babae na si Charlotte na edad dalawampu’t apat ay ang pangalawa. Si Noah naman ang aming bunso na lalaki ay nasa edad na sampu. Malayo na ang agwat ni Charlotte at Noah dahil walang balak na magkaroon noon nila mama ng anak.
Pero sa hindi inaasahan ay naging menopausal baby si Noah kaya super layo ng agwat niya sa amin. Ang aking ama naman ay namatay na dahil sa isang aksidente noon sa kanyang trabaho. Kaya naman ang tanging tumaguyod sa aming pamilya ay ang aking ina at ang mga kapatid ni Papa.
Nandito rin sila dahil halos magkaka-kapit bahay kaming lahat dito. Simula nang sundan ko ang yapak ng aking ama ay nahiwalay ako sa aking pamilya dahil kung saan-saan nila ako tinatapon. Pero nitong mga nakaraang buwan ay kinailangan kong makiusap sa aking boss na kung maaari ay magtrabaho ako pero kasabay nito ay magtago rin ako.
Pumayag naman siya kaya ito kahit papaano nagpakalayo-layo ako para hindi ako mahanap ng naghahanap sa amin. Pero nakatanggap ako ng tawag mula sa aking ina noong isang araw na may nangyari raw na aksidente kaya mabilis akong pumunta rito. At ito na nga at nakarating na ako at kahit na masaya sila na makita ako ay alam kong panandalian lamang ito.
“Ano ho ba ang nangyari mama?” tanong ko sa kanya.
Hinila naman niya ako paalis sa salas para hindi ito marinig ng aking mga kapatid sabay dumiretso kami sa kusina at sinara ang pinto roon.
“I’m so happy that you are safe, child. Pero kaya kita pinatawag dito ay muntik na nila tayong mahanap. Naitaon kasi na ang Uncle Simon mo ay naisipang uminom sa bar at may nakaaway siya roon.” Napakunot naman ang aking noo.
“What? Ayos lang ho ba siya?” Tumango ng mabilis ang aking ina.
“Oo. Nasa hospital siya ngayon pero agad din namin siyang linabas dahil alam mo naman at mahirap na. Ayon sa Uncle Simon mo ay isa sa kanila ang nakaaway nito pero buti na lamang at mabilis na nakatakas ang Uncle Simon mo.” Huminga ako ng malalim.
“Anak, sinasabi namin sa iyo ito dahil may alam na hide out na pwedeng pagtaguan pansamantala ang Tita Alice mo. Tinawag kita rito dahil gusto kitang isama para hindi malagay sa panganib ang buhay mo lalo na at maaaring malaman na nila kung nasaan tayo.” Kunot noo akong napatingin sa aking ina at agad kong naalala si Lucinda.
“I can’t come with you, mom.” Nakita ko ang pag-alala sa mukha ng aking ina.
“Bakit anak?” Nagbuga ako ng hangin.
“There is someone waiting for me, and I just can’t leave her like that. Kayo na lang ho muna ang magtago at aayusin ko ho ang gusot na ito sa lalong madaling panahon. Ayaw ko na hong magtago tayo parati lalo na at lumalaki na rin ang aking mga kapatid,” paliwanag ko.
“Pero paano mo aayusin ang gusot na iniwan ng iyong ama lalo na at hindi gano’n kadali ang mga humahabol sa atin. Alam mo kung ano ang kaya nilang gawin lalo na ngayon na wala na ang iyong ama.” Tumayo ako ng tuwid sabay hinaplos ang pisngi ng aking ina.
“Trust me, mom, okay?” Alanganin siyang tumango at muli ko siyang yinakap.
Ayon sa kanila ay ngayon na nila balak umalis habang wala pa raw nakaaalam kung nasaan sila. Simula nang mawala si Papa at iniwan sa amin ang problemang ito ay palagi na lang kaming nagtatago at tumatakbo. Ipinangako ko noon na aayusin ko ito pero ilang taon na ang lumipas at heto at nagtatago pa rin kami.
Pero iba na ngayon ang sitwasyon lalo na at hindi na lang sarili ko at pamilya ko ang inaaalala ko. There is a special someone who is already waiting for me to come home, and I will not let them stop me from coming home to her. Tinulungan ko na si mama na mag-impake ng kanilang mga gamit at ihahatid ko na lamang sila sa sinasabi ni Tita Alice.
Napakalaking gusot kasi ang iniwan ng papa simula nang mamatay siya. Ayos lang sana kung namatay na siya ay wala na siyang iniwang gulo pero ang problema ay damay ang buong angkan niya. Kami na pamilya niya at pati na rin ang kanyang mga kapatid at ang mga pamilya nila.
Nang maimpake namin ang lahat ay hinintay na lang namin na sumapit ang gabi para makalabas na kami. Naaawa ako sa aming bunso dahil hindi man lang niya naranasan ang makipaglaro sa labas dahil sa panganib na mangyayari. Pero natutuwa ako dahil wala akong narinig na kahit na anong reklamo mula sa kanya.
Paglabas namin ng aming bahay ay sumakay na kami sa van nila Tita Alice kung saan ay nakita ko roon si Uncle Simon at ang kanilang mga anak. Nandoon na rin ang dalawa pang kapatid ni Papa kasama ang kanilang mga pamilya. Ako na ang nagmaneho at tinuro na lang sa akin ni Tita Alice ang daan papunta sa isang hideout.
Ang hideout na ito ay matagal nang ginawa ni Papa para raw sa mga emergency na ganito at ang alam ko ay underground na lugar ito. Hindi makikita ito sa mapa at hindi basta-basta makikita ang mga signal dito. Mahaba-haba ang byahe namin kaya naman nakataulog na silang lahat habang napapaisip ako kung ano ang aking gagawin.
Napahilot na lamang ako sa aking sintido tuwing maaalala ko ang kalagayan namin at ang problemang binigay sa amin ng aking yumaong ama. Makalipas ang ilang oras na byahe ay nakarating na kami sa wakas na walang nangyari sa amin at ligtas kaming lahat. Isa nga itong underground house at medyo malayo sa kabihasnan.
Kumpleto naman ang mga kagamitan dito at may tubig at kuryente rito kaya wala na silang magiging problema. Kailangan ko lang siguraduhin na maging ligtas na muna sila at walang nakasunod sa amin para wala akong problema oras na bumalik na ako ng Paris. Hindi pwede na magtago kami habang buhay sa takot dahil kailangan din naming mamuhay ng normal.
Habang inaayos nila ang kanilang mga gamit ay tinulungna ko namang buhatin si Tito Simon na ipunta ito sa kanyang kwarto. Kinuha ko na rin ang ilan sa mga gamit at pinasok ito sa loob ng bahay. May mga pagkain din pala rito at puno ang malaking ref nito na kasya hanggang sa anim na buwan.
“Kuya! Look oh, there’s an XBOX here.” Kita ko na excited siya kaya naman ginulo ko ang kanyang buhok.
“Yup! But don’t play too much because your eyes will hurt. Do you understand?”
“Okay.”
Tumakbo na siya papasok ng kanyang kwarto at sinimulan nang laruin ang XBOX na nahanap niya. Hinanap ko naman ang aking ina at nakita ko siyang binubuhat ang kanyang bag kaya ako na mismo ang nagpasok nito sa kanyang kwarto.
“Maraming salamat, iho.”
Pagkatapos ay nakita ko na lang siyang lumuluha kaya mabilis ko siyang yinakap at sinabing magiging maayos din ang lahat.
“Pasensya ka na, anak. Minsan iniisip ko kasalanan ko ito.” Umiling ako.
“Hindi niyo ho ginusto na mangyari ito kaya wala ho dapat kayong ihingi ng tawad. Sadyang may mga tao lang na talagang hindi titigil hanggat hindi nila nakukuha ang kanilang gusto. Ang mabuti pa ho ay magpahinga na lang kayo at ako na ang bahala sa mga ilang kagamitan.” Tumango siya at hinatid ko na siya sa kanyang kama.
“Salamat anak at nandito ka.”
“Go to sleep, mom.”
Pagkatapos ay tinulungan ko na lang ang aking mga tiyuhin at mga pinsan hanggang sa maisaayos na namin ang lahat ng aming mga kailangan. Ipinasok ko na rin ang van na ginamit namin sa nakalaan na parking lot dito sa hideout para just in case ay may magamit sila. Nakita ko sa paligid na puro kakahuyan ang nandito kaya walang makakakita sa amin agad dito.
Habang lumalalim ang gabi ay nakahiga lang ako sa kama habang nakatingin sa kisame. Bumangon na muna ako at lumabas ng aking kwarto dahil hindi pa naman ako inaantok. Dumiretso ako sa mini bar ng bahay na ito at agad na kumuha ng aking inumin. Habang umiinom ay napatingin ako sa isa kong tiyuhin na kapatid ni Papa na halos siyang kamukha nito kaya napagkakamalan silang kambal noon.
“Hindi ka pa ba inaantok?” Umiling ako.
“Kayo ho?” Umiling din siya.
“Pasensya ka na kung pati kayo mismo ng pamliya mo ay napapahamak dahil sa amin.” Umiling ako.
“Tito, katulad ng sinabi ko sa aking ina ay hindi niyo ho kailangang humingi ng tawad dahil hindi niyo naman ho ito ginusto. Huwag ho kayong mag-alala dahil ako ho mismo ang tatapos nito at makakaasa ho kayo riyan.” Ngumiti lang siya at hindi na siya muling nagsalita pa.
Sana nga ay magawan ko pa ito ng paraan para hindi na ito mas lalong lumala pa lalo na at maraming buhay ang madadamay oras na mangyari ito. Nang gabi rin lang na iyon ay nanatili ako roon at sa mga susunod pang mga araw. Mukhang hindi ako agad makababalik mahal ko kaya sana ay hintayin mo pa rin ako at huwag mo akong subukan na ipagpalit.