Clark
Kanina paglapag ko rito sa Paris ay tinawagan ko na agad ang cellphone ni Lucinda pero hindi ko ito matawagan. Matagal akong nawala at mahigit isang buwan bago ako payagan ni mama na umalis muna. Buti nga at napapayag ko siya kung hindi ay baka matagalan pa ako sa New York kung sakali.
Marahil ay tulog pa siya lalo na at ano’ng oras pa lang naman ngayon. Didiretso na muna ako sa bahay ni Luke bago ko siya puntahan para naman ma-surpresa ko siya. Pagsakay ko ng cab ay agad kong sinabi ang address ni Luke. Pagdating ko ay binayaran ko na ang cab sabay umakyat na papunta sa kanyang condo.
At dahil may susi naman ako ay binuksan ko na ang pinto ni Luke at agad siyang hinanap. Nakarinig naman ako ng mga boses sa aking kwarto na aking ipinagtaka kaya naman naisip ko na baka nandoon siya at inuutusan ang mga maid na linisan ang aking kwarto. Umakyat ako at agad kong binuksan ang aking pinto.
“Hey, bro! I’m b—”
Agad akong napatigil nang makita kung sino ang nasa aking kwarto. Pero unti-unting kumunot ang aking noo nang makita kung ano ang kanilang ayos na dalawa. Nabitawan ko ang aking bag habang maang na nakatingin sa kanilang dalawa.
Sa aking harapan ay si Lucinda na umiiyak habang nakasalampak sa sahig habang inaalo naman siya ni Luke. Nang makita ko ang kanilang ayos ay halos maikuyom ko ang aking kamay at nagsisimula nang makakita ako ng pula. Nakita kong tumayo si Luke ng dahan-dahan at kinakabahang napatingin sa akin.
“C-Clarence, bro, look I can explain. This is not what you think it is. I swear,” sabi niya pero ramdam ko ang nginig ng aking katawan dahil sa galit.
“Tarantado ka. What is the meaning of all of this, huh?” sigaw ko pero sinubukang magsalita ni Luke.
“C-Clark…”
“And why the hell are you here, Lucinda? Nawala lang ako ng isang buwan ay ito ang maaabutan ko?” Kinuha ko ang isang batuta na nakakalat sa kwarto ko at mabilis na lumapit kay Luke.
“Bro, maghunosdili ka dahil mali ang akala mo. Wala kaming ginawa ni Lucinda. Pangako.” Hindi ko siya pinakinggan at patuloy lang ako sa paglapit sa kanya.
Akmang ipapalo ko sa kanya ang batuta ay naramdaman ko na pinigilan ako ni Lucinda kaya naman naiinis akong napatingin sa kanya. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin pero mas lalo akong nagagalit sa ayos niya ngayon na para ba siyang ginahasa sa itsura niya. At ano iyong naaamoy ko na amoy alak sa kanya? Did she go drinking with Luke, and they ended up doing it here?
“C-Clark, it’s all true. I-I can explain so please calm down,” sabi niya.
“Ta*gina! Ano ang ipapaliwanag ninyo sa akin? Na pinagkaisahan ninyo akong dalawa at wala na kayong ibang magawa ay nagtikiman kayong dalawa?!” sigaw ko na halos maputol na yata ang mga ugat sa aking leeg.
Nakaramdam ako ng isang malakas na sampal mula sa kanya. “E g*go ka pala e! Kung hindi mo ako iniwan hindi sana ako iinom sa bar. Hindi sana ako mapagtatangkaan na magahasa pero linigtas ako ni Luke. Sabi mo dalawang linggo lang Clark pero halos nawala ka ng isang buwan.” Nagsimula na siyang maluha.
“Ni hindi mo man lang ako tinawagan na, ‘Hoy, isang buwan pala akong mawawala’ para hindi ako nag-iisip ng kung ano-ano! Para hindi sana ako pumunta sa bar na muntik na akong maikama ng kung sino at hindi ko maipagtanggol iyong sarili ko. Tapos kami pa ang pagbibintangan mo na may maling ginawa? E bakit ikaw? Paano kami nakasisiguro na wala kang iba roon? Ha? Bwisit ka!” sigaw niya na siyang nagpatigil sa akin.
Tumakbo na siya palabas ng kwarto ko at halos maestatwa ako sa aking kinatatayuan. Napapikit ako ng mariin sabay masamang napatingin sa aking kaibigan na nagkibit balikat.
“You are going to tell me what happened last night after I get her back,” mariin kong utos sabay hinabol siya.
Hindi pa siya nakalalayo kaya naman binilisan ko ang aking takbo. Nakita ko siyang tumatakbo na palabas ng gusali kaya naman agad kong sinabi sa guard na harangan iyong babae na palabas ng gusali. Nang makababa ako ay narinig ko siyang nakikipag-away sa guard dahil ayaw siyang palabasin nito.
“Lucinda, chérie,” tawag ko sa kanya.
Lumingon siya at nakita kong umiiyak siya. “Ayaw kitang makita! Lumayo ka!”
Hindi ko siya pinakinggan at mabilis na hinila siya sabay yinakap ng sobrang higpit. Kahit na tinutulak niya ako palayo at sinisipa ang aking mga paa at pinagsusuntok ay tinanggap ko lahat dahil mali nga naman ang aking ginawa. Hays. I hurt her again, and I am hating myself more and more.
Ilang beses na siyang umiyak dahil sa mga katarantaduhan at katangahan ko. Maya-maya ay unti-unti nang humina ang mga suntok at sipa niya sa akin at humihikbi na lang siya. Hindi ko pa rin siya binitawan hanggang sa kumalma siya.
Naririnig ko pa rin ang mga mahinang paghikbi niya kaya naman inalo ko siya hanggang sa mawala kahit papaano ang galit niya sa akin. Nakatingin sa amin ang guard kaya naman pinanlakihan ko siya ng aking mga mata at tumalikod siya sa amin. Nang sigurado kong kalmado na siya ay mabilis ko siyang tinignan sa kanyang mga mata at pinahid ang kanyang luha.
“I’m so sorry. I’m very sorry, chérie.” Patuloy lang siyang lumuluha kaya naman hinayaan ko siya at inakbayan ko siya habang palakad kami papasok sa condo ni Luke.
Pagpasok namin ay inutusan ko si Luke na kumuha ng tubig para makainom kahit papaano si Lucinda ng tubig. Marami siyang iniluha kaya kailangan niyang mag-dehydrate kahit papaano. Nang makainom siya ng tubig ay nagulat na lang ako nang biglang ibuhos ni Lucinda ang isang baso ng tubig sa aking pagmumukha at narinig ko pang tumawa si Luke. Pinahid ko ang aking mukha sabay masamang tumingin kay Luke at tinaas lang niya ang dalawa niyang kamay.
“I guess I deserve that chérie. Kung gusto mo ay kahit ilang beses mo pa akong tapunan ng tubig ay ayos lang. Basta ang importante ay mailabas mo ang galit mo sa akin,” sabi ko sa kanya.
Sumimangot siya pero pagkatapos nito ay bigla siyang ngumiti na aking ipinagtaka. Nababaliw na kaya ang nobya ko at ngumingiti siya pagkatapos niyang sumimangot?
“I guess you really deserve that. Nakakainis ka kasi. Hindi ka man lang nagparamdam sa akin. Buti pa ang mga multo ay nagpapakita at nagpapagalaw ng gamit para lang malaman na nandyan sila. Pero ikaw ay mas malala ka pa kaysa sa multo.” Nakita ko namang napailing si Luke at napansin ko na kanina pa siya rito.
“What are you still doing here, ass*ole? Leave, now!” utos ko sa kanya.
“What? But this is my condo, bro.”
“No. He stays.” Napatingin ako kay Lucinda at bineletan lang ako ni Luke na siyang ikinasingkit ng aking mga mata sa kanya. “Clark, hindi pa ako nagpapasalamat sa kanya dahil sa pangliligtas niya sa akin. Kung wala siya ay baka kung ano na ang ginawa ng lalaking iyon sa akin kagabi.”
Napatingin naman ako kay Luke. “Did you give that guy some punishment?”
“I banned him from all of the bars here,” sagot nito na aking ikinanunot ng noo.
“Just ban? You should have beat him and throw him to some jail or zoo or something.” Napatingin naman ako kay Lucinda nang hawakan niya ang aking kamay.
“It’s okay. Ang importante naman ay walang nangyari sa akin.”
“But—” Umiling siya kaya napabuntong hininga na lamang ako. “Sorry again, chérie. Hindi sana mangyayari iyon kung tinupad ko lang ang sinabi ko sa iyo. Pasensya na rin kung natagalan ako sa pag-uwi at kung hindi rin ako nakapagsabi sa iyo agad na matatagalan ako.
“Masyado kasing malaki ang problema ng aking pamilya kaya kinailangan nila ako roon at hindi ko sila pwedeng iwan na lang ng basta. Hindi ako nakapag-text o tawag sa iyo dahil isang underground house ang pinuntahan namin at walang signal doon ng cellphone. Hindi rin ako pinayagan muna ng aking ina na bumalik dito kaya hindi ko rin siya maiwan,” paliwanag ko.
Napatingin ako sa kanya sabay kinuha ang kaliwang kamay niya at hinalikan ang likod nito sabay inilapat ko ito sa aking pisngi.
“I really didn’t mean to hurt you, chérie. Will you please forgive me?” tanong ko at nakita kong napangiti siya.
“I understand now. Pasensya ka na rin kung hindi kita pinagkatiwalaan at pinaghinalaan din kita. I should have trusted you.” Umiling ako.
“No. It was my mistake, chérie. Pero ito lang ang maipapangako ko sa iyo, hinding-hindi kita ipagpapalit kahit kailan. You are the only one I love and no one else. I promise.” Malapad na siyang napangiti.
“Corny! Ehem…” napatingin kami kay Luke nang marinig namin siyang umubo ang may sinasabi na kung ano.
Kinunotan ko siya ng noo at natawa lang sa kanya si Lucinda at umalis na lamang siya ng kusina at hindi ko na alam kung saan siya pumunta. Napatingin akong muli kay Lucinda at napangiti siya kaya naman hinalikan ko siya sa kanyang noo. Pagkatapos ay yinaya ko na siyang kumain sa labas dahil alam ko na wala pa siyang kinakain lalo na at may hang over pa siya.
Pumunta lang kami sa isang fast food para kumain at magkwentuhan saglit pagkatapos ay bumalik na kami sa kanyang condo. Kahit na amoy alak siya ay ayos lang dahil para sa akin ay maganda pa rin siya sa aking paningin. Habang hinihintay ko na rin siya sa pagligo ay sinabi ko na matutulog na muna ako dahil pagod pa ako galing byahe.
Tumango naman siya at pagkahiga ko sa kama niya ay agad na akong hinila ng antok at nakatulog. Nang magisng ako ay napansin ko na madilim na sa labas at mukhang nakapatay na rin ang ilaw sa buong condo ni Lucinda. Pagtingin ko sa aking orasan na nasa aking bisig ay alas-unse na ng gabi.
Hindi ko alam na ang tagal ko na rin pa lang nakatulog. Babangon sana ako para uminom dahil tuyo na ang aking lalamunan nang bigla akong mapatigil. Pagtingin ko sa aking tabi ay nakita kong nakahiga ang ulo ni Lucinda sa aking ulo habang nakapatong ang isang binti niya sa aking paa.
Napangiti ako sabay hinalikan siya sa tuktok ng kanyang ulo at dahan-dahan na inalis ang kanyang paa at ang kanyang ulo. Gumalaw siya kunti at inayos ko ang kumot sa kanya sabay lumabas sa kanyang kwarto upang kumuha ng maiinom sa kanyang kusina. Habang umiinom ako ay naramdaman ko na nag-vibrate ang aking cellphone.
Pagtingin ko ay naka-ilang missed calls sa akin si Luke na aking ipinagtaka dahil hindi naman tumatawag ito sa akin kahit na magabihan pa akong lumabas. Kaya naman agad ko siyang tinawagan at agad na sinagot niya ang tawag ko sa unang ring pa lang.
“Where the hell are you?” sigaw niya na aking ipinagtaka.
“I’m in Lucinda’s condo. Bakit? At bakit parang kinakabahan ka na ewan? May nangyari ba?” tanong ko sa kanya.
“Geez. Wala naman.” Napakunot ako sa kanyang sinabi sabay napatingin sa aking cellphone.
“Nakainom ka ba? Ang dami mong tawag sa akin tapos wala lang ang isasagot mo sa akin? Gusto mo bang bigyan kita ng black eye oras na bumalik ako riyan?” pagbabanta ko sa kanya na ikinatawa lang niya.
“Bro, akala ko kasi ay babalik ka pa ng condo at naisip ko lang na baka may nangyari na sa iyo. Hays. Idiot. Kailan mo ba sasabihin kay Lucinda ang tungkol sa kanila? Alam mo na dapat ay hindi ka pa lumalabas dahil delikado pa.”
“I can’t hide forever, Luke, and you know that. Hindi pwedeng habang buhay na magtago ako dahil ayaw kong itago si Lucinda sa mundo. Anyway, my decision is final, and once they find me, I will face them.” Binaba ko na ang tawag sabay napahilamos sa aking mukha.
Napatingin ako sa saradong pinto ni Lucinda at buo na ang desisyon ko na oras na makita nila ako ay hindi na ako magtatago at lalaban na ako sa pagkakataong ito.