Chapter 8

2067 Words
Clark Nang matapos ang date namin ni Lucinda ay hinatid ko na siya sa kanyang condo at bago pa man din siya makalabas ng kotse ko ay muli ko siyang hinila. Nagtataka naman siya pero agad akong dumukwang upang halikan siya sa kanyang mga labi. Saglit lang dahil ayokong tumagal ito at baka maangkin ko siya ng wala sa oras. Napangiti ako nang makita kong halos namumula nanaman ang kanyang mga pisngi tuwing hahalikan ko siya. Gustong-gusto ko tuwing nagbabago ang ekspresyon niya lalo na kapag namumula siya dahil alam kong ako ang dahilan ng pamumula niya. Hinayaan ko na siyang makalabas ng kotse ko dahil oras na nagtagal pa siya rito ay baka hindi na ako makapagpigil pa. Nang mawala na siya sa aking paningin ay mabilis akong nagmaneho pauwi sa condo ng kaibigan ko. Hindi na ako kumuha ng sarili kong condo dahil masyado itong hassle lalo na at alam kung hindi naman ako magtatagal dito sa Paris. Pumunta lang ako rito para makapag-isip-isip dahil may pinagtataguan akong tao at ayaw kong makita niya ako. Ilang taon ko na siyang pinagtataguan at nagpapasalamat naman ako na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako nakikita. Wala sana sa aking plano na manligaw ng kahit sino simula nang tumuntong ako rito dahil ayaw kong malaman nila kung nasaan ako. Pero noong gabing nakilala ko si Lucinda ay nagbago lahat ang aking pananaw at may kung ano’ng nagtutulak sa akin na ligawan siya. Napapangiti na lang ako lalo na noong unang beses ko siyang makita at nang mahawakan ko ang katawan niya. Nang may mangyari sa amin ay hindi niya alam na ginalaw ko siyang muli kahit tulog pa siya dahil init na init noon ang aking katawan. Nang makapasok ako sa condo ng aking kaibigan ay naabutan ko siyang tumatawa sa pinanunuod niyang comedy. “Oh dude. Napapansin ko na palagi kang lumalabas nitong mga nakaraang araw ah?” tanong niya pero dumiretso lang ako sa aking kwarto. Habang nagpapalit ay hindi ko kasi ugali ang magsara ng pinto kaya naman narinig kong muli ang boses ni Luke habang nakahilig siya sa hamba ng aking pintuan. “Hmm. Tell me. Are you seeing someone?” tanong niya. “Something like that,” sagot ko sabay suot ng aking damit pambahay sabay linagay sa basket ang aking damit. Lumabas akong muli sa aking kwarto upang dumiretso sa kusina dahil gusto kong maglasing ngayon. Maglasing hindi dahil sa nasasaktan ako pero gusto kong maglasing para makapag-celebrate ako. Habang naglalagay ako ng alak sa aking baso ay humarap ako kay Luke na mukahng hinihintay ang aking paliwanag. “I swear I will be discreet this time.” Tinaasan niya ako ng kanyang kilay. “Sigurado ka? Paano kung bigla ka nilang mahanap dito? Alalahanin mo na kaya kita pinayagan na tumira rito ay para magtago ka. Hindi iyong palagi kang naglalakwatsa. Isa pa paano kung bigla na lang may nakakita sa iyo e di pati iyong liniligawan mo napahamak.” Bigla akong napatingin sa kanya ng masama. “I won’t let that happen. Dadaan muna sila sa akin bago nila masaktan si Lucinda.” “Wow!” sigaw niya. “Lucinda? Really? So? Are you serious with this woman?” Tumango ako at napailing naman siya sa akin. “Geez. Alam ko naman na kahit ano’ng sabi ko sa iyo ay hindi ka rin naman makikinig sa akin. Basta ingatan mo na lang ang sarili mo dahil ayaw ko rin na pati ako ay mapahamak.” Umalis na siya at iniwan naman niya akong umiinom pa rin ng alak dito. Napapangiti na lamang ako tuwing naaalala ko siya palagi lalo na kapag naiinis o namumula siya. Bigla akong natawa ng mahina nang maalala ko iyong ginawa niya na halos titigan na niya ako at nagkunwari akong natutulog kahit alam kong nakatitig lang siya sa akin. Nang sumapit ang gabi ay nagpahinga na ako dahil kailangan ko siya ulit bisitahin lalo na at nalaman kong may gusto na rin siya sa akin. Kinabukasan ay muli kong inakyat ang condo niya at sa pagkakataong ito ay napansin kong parang tulog pa siya dahil nakahiga pa siya sa kanyang kama. Balak ko sana ang maghintay hanggang sa magising siya pero napansin ko na nakabukas ang kanyang bintana at hindi ito nakasara. Napakunot ako hindi dahil sa nakapasok ako agad pero paano na lang kung ibang tao ang umakyat at napasok siya rito. Nang makapasok ako sa kanyang kwarto ay nagdahan-dahan akong naglakad hanggang sa umupo ako sa gilid ng kanyang kama at pinagmasdan siya. She looks so innocent and so beautiful. Hinaplos ko ang kanyang mukha hanggang sa mapatingin ako sa kanyang dibdib na sumisilip na ang kanyang cleavage. Gusto kong magalit sa kanya dahil paano na lang kung iba ang nakapasok dito at makita siya sa ganitong lagay. Kung ako nga mismo ay halos hindi ko na mapigilan ang aking sarili ay sila pa kaya? Naiinis na lang ako bigla sa binubuo kong imahinasyon sa aking utak at napapailing na lang ako sa aking sarili. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako possessive na boyfriend dahil nagkaroon din naman ako ng mga kasintahan noon. Pero hindi ko alam kung bakit sa kanya ay gusto kong ako lang ang nakakahawak at naaalala niya. Gusto ko ako lang ang gustuhin at kailanganin niya at wala nang iba. Maya-maya ay gumalaw siya at nahulog ang kanyang kumot dahilan para makita ko ang kanyang legs. Nakasuot lang siyang ng nighties at halos sumilip na ang kanyang panty dahil sa likot niyang matulog. Pigil na pigil ang aking kamay na gustong haplusin ang makinis niyang balat at halos manikip na rin ang aking pantalon. Isa rin ito dahil hindi naman ako mahilig talaga sa pakikipagtalik. Maka-isang round lang ako noon sa aking mga nobya ay ayos na sa akin pero kay Lucinda ay iba ang nararamdaman ko. Mahawakan ko lang siya o maidampi lang ng kunti ang aking mga labi sa kanya ay para na akong inaapoy ng lagnat. Nagsimula na siyang gumalaw at halos iiwas ko ang aking tingin nang umangat na nga ng kunti ang kanyang suot. Tumayo ako para pulutin ang kumot na nahulog at itakip ito sa kanyang legs dahil oras na tumitig pa ako ay baka hindi ko na kayang pigilan pa. Nang makumotan ko siya ay lumabas na ako ng kanyang kwarto habang nasa tamang pag-iisip pa ako. Alas-nueve na at kadalasan ay gising na siya ng ganito kaaga pero mukhang napuyat siya kaya late na siyang gumising. Halos memoryado ko na nga ang pasikot-sikot dito sa kanyang condo kaya naman naisipan ko na magluto na lang ng almusal bago siya magising. Habang nagluluto ako ay nakarinig na ako ng mga galaw mula sa kanyang kwarto tanda na gising na siya. Sakto namang patapos na akong magluto dahil kunti na lamang ang laman ng kanyang ref. “What the f*ck!” rinig kong sigaw niya habang may hawak siyang baseball bat at nakatingin sa akin. “Clark, what the hell? Ano’ng ginagawa mo rito ng ganito kaaga? Akala ko pa naman ay kung sino na iyong nakapasok dito.” Nakahinga naman siya ng maluwag at agad ko siyang linapitan. “Good morning too, chérie.” Binigyan ko siya ng dampi sa kanyang mga labi at napangiti ako nang muli ko nanamang makita na namumula ang kanyang mga pisngi. Medyo natulala siya kaya bumalik na lamang ako sa pag-aayos ng hapag kainan niya. “If you’re wondering how I got in, I came here through the window. Dapat ay hindi mo hinahayaang nakabukas ang bintana mo. Paano kung hindi ako ang nakapasok sa kwarto mo? I don’t like them seeing you so sexy in the morning.” Napangisi ako at iniwas niya ang tingin niya sa akin, “A-Ano’ng nakita mo?” tanong niya pero imbes na sagutin ko siya ay nginitian ko lang siya. “Let’s eat before the food gets cold. Sasamahan na rin kitang mag-grocery dahil mukhang wala na tayong stock.” Umupo ako sa harapan ng hapag kainan. “Tayo? Ano’ng tayo? Bakit dito ka na ba nakatira?” masungit niyang tanong. “Hindi naman. Pero kung gusto mo ay pwede rin naman para may kasama ka palagi sa gabi.” Inirapan niya na lang ako kahit na alam ko naman na naaapektuhan siya sa mga pang-aasar ko sa kanya. Nagsimula na kaming kumain ng tahimik at walang nagsasalita ni isa sa amin. Akmang susubo ako ng pagkain ay napaangat ang aking tingin sa kanya nang magsalita siya na parang may binubulong. Hindi ko siya marinig kaya naman pinaulit ko ito sa kanya. “Ang sabi ko sinadya kong hindi isara iyong bintana. K-Kasi alam kong darating ka.” Napamaang ako sa kanya at napatitig na lang ako sa kanya nang sabihin niya iyon sa akin. Hindi ako agad makapag-react sa sinabi niya hanggang sa namalayan ko na mag-isa ko na lang sa hapag kainan. Mukhang pumasok na siya sa kanyang kwarto at napapailing na lang ako sa kanya. Geez. Balak mo ba akong patayin sa sobrang kasiyahan chérie? Nang matapos kaming kumain at mahugasan ko ang mga plato ay sinabi niyang may pupuntahan daw sila ngayon ni Paris. Sinabi niya rin na siya na lang daw ang bibili ng mga grocery pero hindi naman ako pumayag. Kaya pinilit ko siya na sasama na lang ako sa lakad nila hanggang sa matapos sila sa kung ano ang kanilang gagawin. “E paano kung matagalan kami sa pagpipili? At saka isa pa gawain ng babae iyon kaya hindi mo na kailangang sumama pa,” sabi niya. “E di susunod na lang ako sa inyo kahit nasa malayo ako para hindi kayo mailang.” Kumunot naman agad iyong noo niya. “Ano? Para kang stalker. Huwag na lang. Tatawagan na lang kita kapag tapos na kami ni Paris mamili ng regalo.” Napasimangot naman ako. “Bakit ba ayaw mo akong isama? May iba pa ba kayong kasama bukod sa kaibigan mo?” tanong ko at hindi siya makapaniwalang napatingin sa akin. “Hoy Clarence!” Napamulagat ako sa pagtawag niya sa buo kong pangalan. “Umiiral nanaman iyang pagiging praning mo. Kaming dalawa lang ni Paris nga.” Lumapit ako sa kanya at hindi ko mapigilan na halikan siya sa kanyang mga labi. Nang maghiwalay kami ay humuhugot din siya ng hangin na tulad ko. “Say my name again, chérie.” Napalunok siya. “A-Ayoko nga. Ano ako uto-uto?” Napangisi naman ako sa kanya sabay dinama ang kanyang mga labi. “You are making it hard for me to control myself, chérie. You say my name like you want me so bad.” Nakita ko siyang natigilan dahil ang gandang pakinggan sa mga labi niya na banggitin ang aking pangalan. Binitawan ko na siya at nakita kong para siyang nanghina nang hindi na ako malapit sa kanya. Ganyan nga, chérie. I want you to feel my presence. I want you to be more aware of me. Dahil oras na nangyari iyon ay sigurado ako na ako na lang ang hahanap-hanapin mo at wala nang iba. Mapapasagot din kita at makukuha ko rin ang matamis mong oo. Oras na mangyari iyon ay wala ka nang kawala sa akin at aangkinin kita ng paulit-ulit. Nang makapaghanda na siya ay inalok ko na lang siya na ihahatid ko na lang siya kung saan sila magkikita. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya pero baka mamaya ay biglang nagtawag ng ibang kasama iyong kaibigan niya. Mabuti na ang sigurado at nag-iingat dahil ayaw kong makawala pa siya sa akin. Nang makarating na kami sa mall kung saan sila magkikita ay nagulat ako nang bigla siyang dumukwang para halikan ako sa pisngi. “Alam ko rin naman na hahalikan mo nanaman ako kaya inunahan na kita,” sabi niya. Napabuga na lang ako ng hangin sabay napailing sa kanyang ginawa. “You are going to be the death of me, Lucinda. Sige na pumasok ka na at baka hindi pa kita papuntahin sa loob ng mall.” “O-Okay.” Binuksan na niya ang pinto ng aking kotse at bago niya ito isara ay yumuko pa siya. “Tatawagan na lang kita kapag bibili tayo ng mga grocery.” “Sure, chérie. Don’t talk with any guys,” bilin ko sa kanya. “Oo na.” Umalis na siya at napangiti na lang ako sabay nagmaneho paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD