Chapter 7

2086 Words
Lucinda Pagdating ng hapon ay hindi ko namalayan na nakatulog na ako dahil naramdaman ko na lang na nasisikipan ako sa aking higaan. Sinubukan kong gumalaw pero agad kong naramdaman ang isang braso na nakapulupot sa aking baywang. Nang imulat ko ang aking mga mata ay halos lumaki ito nang makita kong nakahiga kami ng magkatabi ni Clark dito sa aking sofa. Ang lapit ng mga mukha namin sa isa’t isa at kunting galaw pa ay baka mahalikan ko na siya. Sa laki niya ay buti at nagkasya kaming dalawa rito sa sofa. Naramdaman kong gumalaw pababa ang kanyang braso na nakayakap sa akin at bigla naman akong mapasinghap nang malapit na ito sa aking p********e. Napalunok ako ng paulit-ulit dahil mukhang hindi niya alam kung saang parte ng aking katawan ang kanyang kinakapa. Maya-maya ay halos tumigil ang aking paghinga nang maramdaman na nasa ibabaw na ng aking p********e ang kanyang kamay na ang tanging pagitan lang ay ang aking suot na shorts. Aalisin ko na sana ito nang bigla akong mapaupo dahil sa tunog ng aking cellphone kaya naitulak ko tuloy siya at nahulog siya sa sofa. “What the—” sabi niya habang sapo ang kanyang likuran na mukhang mali ang bagsak sa pagkakahulog niya sa sofa. Hindi ako agad nakahingi ng tawad dahil patuloy lang sa pag-ring ang aking cellphone kaya mabilis akong tumayo at agad itong sinagot. Nakita kong tumatawag si Paris sa akin kaya naman agad ko na lang itong sinagot at nagkulong sa aking kwarto. Ang bilis kasi sobra ng t***k ng aking puso na para bang lalabas na ito anumang oras sa aking dibdib. “H-Hello?” garalgal kong sagot. “Hello? Lucinda? Ayos ka lang ba? Bakit para kang kinakabahan?” tanong niya. “H-Ha? W-Wala ito. Kagigising ko lang kasi kaya gano’n.” Magsinungaling ka pa. “Bakit ka nga pala napatawag?” “Magpapasama sana sa iyo ako bukas na mamili ng regalo para kay Blade. Kaarawan niya bukas at gusto ko sana siyang surpresahin. At dahil kababata mo kasi siya ay gusto kong magpatulong kung ano ang gusto niya. Please?” Oo nga pala at kaarawan na bukas ni Blade at muntik ko nang makalimutan ito. Simula kasi ng malaman namin na linuluko lang ni Tristan si Paris para lang sa pera ay si Blade ang siyang sumalo kay Paris. Sakto naman ang dating niya dahil mukhang nahulog agad ang loob ni Paris sa kanya. “O sige. Tawagan mo na lang ako kung saan tayo magkikita bukas.” Nagpaalam na siya at napapikit ako ng mariin. Naalala ko na nasa labas pa pala si Clark at hindi ko man lang siya kinumusta kung ayos lang ba ang lagay niya. Agad ko namang binuksan ang pinto at nakita ko na masama ang timpla ng kanyang mukha kaya agad akong napangiwi. Lumapit ako sa kanya para sana humingi ng tawad nang bigla siyang mapatayo at seryosong napatingin sa akin. “A-Ayos ka lang ba? Kumusta ang likod mo?” tanong ko. “Sino’ng kikitain mo bukas?” tanong niya na nagpakurap sa akin. “Ha? Ah iyon ba? Si Paris iyon at nagpapasama lang siya na bumili ng regalo para sa nobyo niya.” Natahimik siya at nakita ko na lumambot ang kanyang ekspresyon kaya naman nagtaka ako sa kinikilos niya. ‘Ano’ng problema ng taong ito?’ tanong ko sa aking sarili nang makita kong hindi na siya nakatingin ng seryoso sa akin. Pagkatapos ay tinanong ko siya kung tuloy pa ba kami sa date namin na ikinatango niya kaya naman naghanda na ako. Sinabi niya na uuwi lang daw siya saglit para magpalit ng damit at sinabing hintayin ako. Tumango ako at halos makahinga pa ako ng maluwag nang mawala na siya sa aking condo. Nang makapagpalit na ako ay naisipan kong pumanhik na lang sa baba para roon na lang ako maghihintay sa kanya. Sa pagkakataong ito ay simpleng pants at blouse lang ang sinuot ko dahil sigurado ako na hindi rin lang pormal ang isusuot niya. Aasa pa ba ako na magsusuot siya ng suit? Habang naghihintay ako sa mismong labas ng gusali ay agad kong nakita ang isa sa mga tenants na lalaki na bagong lipat lang yata niya. Ka-edad ko siya at sa tingin ko ay isa siyang accountant sa isang kompanya. Mukhang katatapos lamang ng kanyang trabaho at nang makita niya ako ay agad siyang kumaway sa akin. Kinawayan ko rin siya pabalik at nag-usap kami ng kung anu-ano. “May pupuntahan ka yata ngayon? Lucinda, right?” tanong niya. “Oo. Paano mo nalaman ang pangalan ko? At hindi ko alam na pinoy ka rin pala?” Natawa naman siya sabay nakipagkamay sa akin. “Ian nga pala. Oo. Lumipat na rito ang mga parents ko at kararating ko lang noong huling buwan. Naghanap ako agad ng trabaho at pinalad naman na natanggap ako sa Nirvana Enterprises.” Natahimik ako dahil iyon ang pangalan ng kompanya ni Papa. “W-Wow. Mataas na kompanya iyon ah.” “Oo nga. Buti nga at pinalad ako na makapasok doon dahil mataas silang magpasahod kaya hindi ko na kailangang umasa pa sa mga magulang ko.” Napangiti naman ako sa kanya. “Uhm, sa eight floor ang kwarto mo ‘di ba?” “Oo. Ikaw ba?” “Sakto dahil magkapitbahay lang pala tayo. Pwede naman siguro kitang dalawin minsan doon ‘di ba?” sabi niya. Akmang sasagot ako nang mapalingon kami sa nagsalita at nakita ko si Clark na masama ang timpla ng mukha habang nakatingin sa amin. Nakalimuta na hanggang ngayon ay hawak pa ni Ian ang aking kamay at hindi niya pa ito binibitawan. “I will cut off your hand this instant.” Pananakot niya kay Ian kaya agad namang binitawan ni Ian ito. “Who are you?” tanong ni Ian sa kanya. “Ako lang naman ang boyfriend ng linalandi mo, ga*o.” Halos mapasinghap ako nang marinig ko siyang murahin si Ian. Napatayo na lang ako para matigil na ito agad dahil mukhang masama na ang timpla ni Clark. Agad naman akong nagpaalam kay Ian at sinabing mag-usap na lamang kami sa susunod na siyang ikinatango niya. Hinila ko na si Clark at sabay na kaming pumasok sa kanyang sasakyan. Habang nagmamaneho siya ay napapasulyap ako dahil sobrang tahimik ni Clark at kitang-kita ko ang ugat niya sa leeg dahil sa pagpipigil niya ng galit kanina. Ano ba ang problema niya at bigla-bigla na lamang siyang nagagalit? At saka boyfriend? Nangliligaw pa lang naman siya at hindi ko pa naman siya sinasagot noh. Napasimangot na lang ako sa inaasta niya at talagang wala man lang siyang balak na kausapin ako. Kung ayaw niya e di huwag niya. Bahala siyang magtampo riyan ng mag-isa. Mapanis sana iyang laway niya sa pagiging tahimik niya. Nang makarating kami sa aming pupuntahan ay akmang lalabas na ako nang linock niya ang pinto ng kotse niya kaya agad akong napatingin sa kanya. “I don’t like you talking to that assh*le.” Napakunot ako sa kung sino ang tinutukoy niya. Doon ko lang napagtanto na ang tinutukoy niya ay iyong kausap ko kanina na si Ian. “Ano’ng asshole? May pangalan iyong tao noh. At saka ano ba’ng pinagpuputok ng butsi mo e nakikipagkaibigan lang naman iyong tao sa akin,” sagot ko. “Pero may nakikipagkaibigan ba na halos hindi na niya bitawan iyang kamay mo? Here. Mag-alcohol ka nang maalis iyong germs sa kamay mo.” Maang akong nakatingin sa inaabot niyang alcohol sa akin. “What the… Ayoko nga! Malinis naman iyong kamay ni Ian—” “Stop saying his name!” sigaw niya na nagpatigil sa akin. “Don’t mention any name asides from my name, do you understand? Iwasan mo ang lalaking iyong kung ayaw mong makita siyang lumulutang sa ilog.” Napasinghap ako. “Hoy! Huwag ka ngang nagbibiro ng ganyan.” “I don’t joke especially if they want what’s mine.” Kita ko na seryoso siya at agad akong nakaramdam ng takot. “Mag-alcohol ka ngayon din.” Umiling ako. “Mag-aalcohol ka o gagahasain kita rito sa loob ng kotse?” Naiinis kong inagaw sa kanya iyong alcohol at talagang dinamihan ko para hindi na siya magreklamo. Nang matapos ay mabilis ko itong binalik sa kanya at binuksan na niya ang pinto ng kotse niya. Lumabas ako at naiinis akong napatingin sa kanya dahil hindi ko alam kung bakit siya nagagalit. Walang salita na hinawakan niya iyong kamay ko sabay hinila ako kung saan. Nagpahila na lang ako habang pareho kaming naglalakad ng tahimik sa kung saan. Hindi ko naman alam kung nasaan kami dahil puro lang naman damo ang aking nakikita. Maya-maya ay nakarating na lang kami sa isang amusement park at hindi ko alam kung paanong iyong walang katao-tao kanina na linakaran namin ay bigla na lang kaming napadpad dito. Namangha ako dahil ang daming rides lalo na at mahilig pa man din akong sumakay sa isang roller coaster. May mga nakikita rin akong mga cotton candy na iba’t iba ang hugis at mga French fries na super haba. May mga ice cream na iba’t iba ang kulay at meron ding mga iba’t ibang klase ng laro. Iyong inis ko kanina ay bigla na lang naglaho nang makita ko ang lahat ng mga ito. Palibhasa ay buong kabataan ko ay hindi ko naranasan ang ganito dahil masyadong istrikto noon si Papa sa akin kaya hindi ako nakaka-sakay sa mga ganito. “What do you want to ride first, chérie?” tanong niya sa akin. Nag-isip naman ako at agad kong tinuro iyong roller coaster na may mga nagsisigawang mga taon. Tinuro ko iyon at mabilis kaming nakipila ng ticket na akin namang ikinatuwa. Habang nakikipila kami ay ramdam ko ang pagbabakod sa akin ni Clark na hindi ko na lang pinansin dahil super excited na akong sumakay sa roller coaster. Nang makabili kami ng ticket ay pinili kong pwesto iyong pinaka-harapan dahil makikita ko mismo iyong tracks. Sumakay na kami nang kami na iyong susunod na batch at masaya akong umupo habang katabi ko naman si Clark. Nagsimula nang umandar iyong roller coaster at puro hiyawan at sigawan ang tanging maririnig sa amin hanggang sa matapos kami. Pagbaba namin ay para akong bata na nasisiyahan dahil sa wakas ay nakasakay na ako ng roller coaster. Hinila ko si Clark sa Vikings dahil hindi ko pa nasusubukan iyon at marami pang mga rides na hindi ko pa nasusubukan. Nang magutom kami ay hinila ko naman siya sa mga nagtitinga ng cotton candy at ice cream. “You look like you are enjoying yourself?” tanong ni Clark. “Oo. Hindi pa kasi ako nakasasakay sa ganyan dahil noong bata ako ay bantay sarado ako noon kay Papa. Buti na lang at sinama mo ako rito kung hindi ay hindi ko sana nasubukan ang sumakay sa mga rides.” Sabay subo ko sa cotton candy. “Uhm, pasensya ka na pala sa nangyari kanina. Bawi na ba ako sa ginawa ko kanina?” Napatingin ako sa kanya at saka ko lang naalala na dapat pala ay galit ako sa kanya. “Wala na iyon pero huwag mo na lang uulitin. At saka ano’ng boyfriend iyong sinasabi mo e hindi pa nga kita sinasagot.” Sumimangot ako. “Ayaw ko lang kasi na may ibang kumukuha sa atensyon mo. Gusto ko sa akin lang dahil ako naman iyong nangliligaw sa iyo. Ayaw ko na magbago ang isip mo at may magustuhan ka na lang na iba.” Napatungo siya. “Ang possessive mo rin e noh.” Natawa na lang siya ng mahina. “At saka isa pa wala ka naman dapat ipag-alala sa akin dahil hindi naman ako basta-basta na lang nagkakagusto sa kung sinu-sino noh. Kung sakaling gusto ko man iyong Ian na iyon e di sana hindi sana ako pumayag na magpaligaw sa iyo.” Napatingin naman siya sa akin at agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya. Tatayo na sana ako nang pigilan niya ako. “I-Ibig sabihin ba niyan ay may gusto ka sa akin kasi nagpapaligaw ka? You like me?” Inirapan ko na lang siya at hindi siya sinagot at naglakad na lang palayo. Halos mapangiti na lang ako dahil sumunod lang siya sa akin habang tinatanong kung may gusto nga ako sa kanya pero hindi ko pa rin siya sinasagot. Bahala na siyang umintindi ng sinabi ko dahil kapag sinabi ko na ay wala nang paulit-ulit pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD