Chapter 9

2077 Words
Lucinda Habang naglalakad ako papasok ng mall ay hindi masupil ang ngiti sa aking mga labi dahil sa aking ginawa kanina. Hindi ko naman talaga balak na halikan siya sa pisngi pero tuwing magkasama kasi kami ay wala na siyang ginawa kung hindi ang halikan ako. Natuwa lang ako sa reaksyon niya kanina dahil kapansin-pansin nga naman talaga ang pagkagulat niya at natutuwa ako. Pagpasok ko sa nasabing mall ay pumunta ako sa sinabi ni Paris na pagkikitaan namin. Kaya naman agad na akong sumakay ng escalator habang palinga-linga ako sa aking paligid upang tignan kung nasaan na siya. Sakto ay nakita ko siyang nakatayo habang hawak ang kanyang cellphone. Napangiti ako at tinakbo ko ang distansya namin bago ko siya sinunggaban ng yakap na nagpagulat sa kanya. “Aray! Grabe ka makayakap ha? Muntik ko pang mabitawan iyong cellphone ko.” Sumimangot siya na akin ding ginaya. “Ikaw naman. E sa na-miss nga kita kasi ilang araw na rin tayong hindi nagb-bonding noh. Ano tara na ba?” yaya ko pero napangiti lang siya ng makahulugan sa akin. “Alam mo napapansin ko lang na ang blooming mo ngayon. Nadiligan ka na bata ulit kaya ang ganda ng kutis mo?” Pinalo ko naman siya sa kanyang braso na kanyang ikinatawa. “Hindi ah! E ano naman kung blooming ako ngayon? Bawal na bang maging maganda?” tanong habang naglalakad na kami sa kung saan. “Hmmm. Ang totoo niyan ay nakabili na ako ng regalo para kay Blade.” Napakunot noo naman akong napatingin sa kanya. “Ha? E bakit tayo nandito kung gano’n?” Ngumiti siya ng makahulugan muli bago isinukbit ang kanyang isang braso sa aking kamay. “Ang totoo niyan ay gusto kitang ipakilala sa isang kaibigan ko at sigurado ako na magugustuhan mo siya. Naisip ko naman kasi na total ay wala ka rin lang namang boyfriend ay bakit hindi kita i-set up sa isang blind date.” Halos lumaki ang aking mga mata at hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. “What? P-Pero—” “Speaking of, he’s here.” Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil nakita kong may kinakawayan na si Paris at nakita ko ang isang matangkad at gwapong lalaki na papalapit sa amin. May kasama ito pero kapansin-pansin na iyong matangkad ang balak i-blind date sa akin ni Paris. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil ipinangako ko kay Clark na hindi ako makikipag-usap sa ibang lalaki. Nang tuluyan na silang lumapit sa amin ay nakipagbeso-beso si Paris sa kanilang dalawa. Pagkatapos ay napatingin sa akin ang matangkad na lalaki at agad akong nginitian na akin ding sinagot ng tipid na ngiti. Kung sakaling walang Clark sana ay baka sakaling pumayag ako sa blind date na ito lalo na at gwapo rin talaga itong matangkad na lalaki. “Buti naman at nakapunta kayo. Akala ko kasi ay hindi mo na kami sisiputin. Big turn off pa man din iyon dito sa kaibigan ko,” sabi ni Paris. “Tss. Nonsense. Kailan ba ako umurong sa kahit ano’ng blind date na sinet up mo sa akin. Hindi naman ako tumatanggi sa grasya,” sabi ng matangkad na lalaki sabay napatingin sa akin pero agad akong umiwas. “Siya nga pala. Gusto kong ipakilala sa inyo iyong best friend ko. Lucinda si Kenneth at Jerome, Jerome at Kenneth si Lucinda,” pakilala sa amin ni Paris sa isa’t isa. “Hi. Ikinagagalak kitang makilala, Ms. Lucinda.” Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya at nagulat pa ako na hinalikan niya ang aking kamay. Kinilig si Paris pero naalibadbaran ako kaya agad kong binawi ang aking kamay sa kanyang hawak. Hindi ko alam kung napansin ito ni Kenneth para napansin ko ang pagtataka sa mga mata ni Paris. “H-Hi,” mailkling sabi ko sa kanila. “Mukhang mahiyain pala iyong kaibigan mo Paris. Don’t worry. I’m harmless.” Gusto kong iikot ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi. Halos lahat ng lalaki ay alam ko harmless sila sa simula pero oras na nakuha na nila ang kanilang gusto ay nagiging masamang kemikal na sila at nagiging harmful. “Uhm, excuse me. May sasabihin lang ako saglit sa kaibigan ko.” Hila sa akin ni Paris sa malayo. “Friend, wrong timing ba iyong blind date ko? Kasi parang hindi ka komportable sa kanila. Pero promise mababait sila at hindi ka nila babastusin dahil kahit ganyan sila ay gentlemen ang mga iyan.” “Hindi sa gano’n friend. Okay lang sana sa akin na makipag-blind date kung wala akong manliligaw. Pero kasi balak ko na siyang sagutin at mukhang hindi makakabuti kung makikipag-blind date pa ako. Naaalala mo ba si Clark? Iyong nakilala natin sa bar?,” paliwanag ko sa kanya at napangiwi naman siya. “Hala. Paano iyan? Sorry, friend. Kung alam ko lang sana ay hindi ko na lang sana sila tinawag. Paano na iyan?” tanong niya. Napasulyap naman ako sa kanila Kenneth at abala silang nag-uusap na dalawa at nang mapansin yata nila na nakatingin ako ay napatingin si Kenneth sa akin. Kumindat siya sa akin at agad naman akong umiwas dahil parang hindi maganda ang pakiramdam ko sa lalaking ito. Napahinga ako ng malalim habang nakatingin ako kay Paris. “Samahan mo na lang ako para hindi ako mag-isa lalo na at dalawa sila.” Napaiwas siya ng tingin sa aking suhestiyon. “Paris?” “Ah, eh, magkikita kasi sana kami ni Blade pagkatapos kitang ihabilin sa kanila e. Sa totoo lang ay si Kenneth lang sana ang makakasama mo dahil kasama kong aalis si Jerome.” Napalunok ako at medyo napahilot ako sa aking sintido dahil sa kanyang sinabi. “Lucinda, sorry.” Umiling ako. “It’s okay. Sige. Payag na ako pero ito na ang huli at please lang huwag mo na ako ulit i-set up sa isang blind date.” “Promise.” Huminga ako ng malalim at sabay na kaming lumapit sa kanila. Tinanong nila kung may problema ba pero sabay na lang kaming umiling ni Paris. Sa totoo niya ay malaking problema ito lalo na kung malaman ito ni Clark. Hindi naman sa ayaw kong sumunod sa kanya pero natatakot lang kasi ako sa pwede niyang gawin. Hindi ko ba alam pero malakas kasi ang pakiramdam ko na oras na sinuway ko si Clark ay baka maghalo ang balat sa tinalupan kung sakali. Isa pa, totoo iyong sinabi ko kanina na balak ko na siyang sagutin kahit sa maikling panahon na panliligaw niya. Gusto ko na rin kasing pumasok sa isang relasyon sa wakas lalo na at alam ko na sa pagkakataong ito ay hindi siya lumayo sa akin. Hindi siya lumayo kahit nalaman niyang mayaman ako at saka malambing at super caring din niya. Oo, may pagka-manyak siya kung minsan, well, kadalasan naman pero normal naman na yata iyon para sa isang lalaki. “Uhm, Kenneth, ikaw na ang bahala sa kaibigan ko ha? Huwag na huwag mo siyang babastusin dahil sinasabi ko sa iyo kalimutan mo nang magkaibigan tayo oras na ginawa mo iyon.” Pagbabanta ni Paris sa kanya na kanya namang ikinatawa. “Geez. Kilala mo ako Paris at hindi naman ako gano’n,” sabi ni Kenneth pero wala pa rin akong tiwala sa kanya. Napatingin naman ako kay Paris at tumango na lang ako sa kanya sabay nagpaalam na silang dalawa ni Jerome sa amin. Nang wala na sila ay napatingin ako kay Kenneth nang magsalita siya. “Sorry, kung sa tingin mo ay hindi ka safe sa akin. Promise wala naman akong balak na kahit na ano. I just want to meet someone. Nakakabagot na kasi sa bahay lalo na kung mag-isa mo lang sa isang condo. If you know what I mean?” Napangiti naman ako sabay napatango. “Sorry din. Sanay naman ako sa blind date pero sa pagkakataon lang na ito medyo ako nailang.” “Bakit naman? Oh no, wait. Are you dating someone else already?” tanong niya at napatango ako ng isang beses. “Damn! I’m so sorry. Maybe I should keep my distance then. Nandito ba siya? Baka mamaya ay bigla na lang may mambugbog sa akin ng wala sa oras.” Natawa na ako sa kanya at umiling na siyang ikinatawa niya na rin. “It’s okay. Mamayang hapon pa naman kami magkikita.” “Really? Kung gano’n ay pwede pa naman tayong mag-bonding ‘di ba? I mean as friends.” Tumango ako. Madaldal si Kenneth at nakatutuwa siyang kasama dahil bukod sa madaldal ito ay joker din siya kaya wala akong ginawa kung hindi ang tumawa ng tumawa. Marami akong nalaman sa kanya dahil sa sobrang kadaldalan niya na para bang isa siyang newscaster dahil sinummarize na niya ang kanyang talambuhay. Nandito kami ngayon sa isang restaurant habang kumakain at napatingin ako sa aking orasan dahil alas singko na pala ng hapon. Halos hindi ko ito namalayan dahil nawili akong kasama si Kenneth at aaminin ko na nakapalagayan ko na siya ng loob. Siguro kung wala lang si Clark na nauna ay magpapaligaw din ako kay Kenneth. Nang matapos kaming kumain ay sinabi ko na didiretso ako ng grocery store at inalok niyang samahan na lang ako. “Huwag na. Isa pa parating na rin naman ang bo— I mean siya.” Tumango siya. “Gano’n ba? Sayang naman dahil gusto ko pa naman siyang makilala. Alam mo iyon. Gusto ko lang makita kung sino ang mas gwapo sa amin at kung bakit siya ang pinatulan mo at hindi ako. Sayang talaga.” Natawa naman ako. “Ano ang sayang bro?” Halos sabay kaming napalingon sa nagsalita at gano’n na lang ang gulat ko nang makita ko si Clark na masama nang nakatingin kay Kenneth. “C-Clark…” sabi ko. “Oh, hi. You must be, Clarence. Maraming naikwento si Lucinda tungkol sa iyo. I’m Kenneth.” Nakipagkamay ito pero masama lang itong nakatingin kay Kenneth. “Okay. I think that means no, then.” “Gaano kayo katagal na magkasama at mukhang hindi lang ako ang napagusapan ninyo?” tanong niya at napalunok naman ako. “Kani-kanina lang naman,” sagot ni Kenneth na mukhang naramdaman niya ang aking kaba. “Don’t worry dahil kaibigan lang ang turing ko kay Lucinda.” “Yeah, right.” “U-Uhm…K-Kenneth salamat sa pagsama sa akin. Mauuna na kaming mag-grocery,” paalam ko dahil kung nakamamatay lang ang tingin ay matagal nang wala sa mundong ito si Kenneth. “Sure. Kita na lang tayo ulit at kung gusto mo ay isama mo na rin si Clark para naman hindi na siya magselos.” Nakita kong gumalaw ang panga ni Clark sa inis kaya napatango na lang ako. Nagpaalam na si Kenneth sa amin at tuluyan na siyang umalis kaya naiwan kaming dalawa ni Clark. “T-Tara na,” yaya ko kay Clark pero hindi ko kayang tumingin sa kanya. Hindi ko ba alam pero kinakabahan talaga ako dahil sa nakita niya. Hindi naman ako natatakot na galit siya ngayon pero alam ko kasi na sinuway ko ang sinabi niya sa akin. Pagpasok namin sa mismong store ay kumuha na ako ng malaking trolly at ako na ang nagtulak habang nakasunod naman sa akin si Clark. Hindi siya nagsasalita at nananatiling tahimik pero ramdam ko ang mga tingin niya sa aking likuran. Humarap ako sa kanya at wala na ang galit niya kanina pero seryoso lang ito na nakatingin sa akin. Nginitian ko na lang siya at kinausap siya na parang wala akong ginawang masama. “Ano’ng mas gusto mo? Pork o beef? Balak ko kasi ang magluto ng steak pero hindi ko alam kung ano ang gusto mo,” tanong ko sa kanya. “Pork,” maikling sagot niya. Tumango naman ako sabay kumuha ako ng isang kilong baboy pero kumuha na lang din ako ng beef dahil baka maisipan kong magluto nito. Nagtuloy kami sa pag-grocery na hindi naman siya nagagalit na ipinagpapasalamat ko. Naging maayos nga ang pamimili namin at saka lang siya sasagot tuwing tatanungin ko siya kung ano ang mga gusto niya. Hanggang sa natapos kami at nakapagbayad ay hindi siya nagsalita ni minsan. Ipinagpapasalamat ko na rin na hindi niya binuksan iyong topic tungkol sa nakita niya kanina pero hindi rin ako pwedeng pasigurado. Nang matapos ay sumakay na kami sa kanyang sasakyan at mabilis na umuwi kami sa aking condo kung saan ay hinandi ko na lamang ang aking sarili sa pwedeng mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD