Lucinda
Abala ako ngayon na nag-iisip ng bago kong vlog dahil paubos na ang mga naiisip kong ideas sabay tapos ko na ring na-edit ang lahat ng mga pending na videos ko. Nakatutuwa lang dahil dumadami na ang aking followers at kahit sabihin mong nasa one hundred pa lang sila ay super thankful na ako. Hindi pa naman kasi gano’n kasikat at kaganda ang mga videos ko pero nagpapasalamat ako sa mga followers ko.
Habang nagmumuni-muni ako ay muntik pa akong matumba sa aking kinauupuan nang bigla na lang may kumatok sa aking bintana. Napatingin ako at halos gano’n na lang ang gulat ko nang makita kong kumakaway doon si Clark. Maang akong napatingin sa kanya habang may hawak siyang mga bulaklak at chocolates.
Magugustuhan ko na sana ang kaso ay bigla akong natakot para sa kaligtasan niya dahil hindi biro ang taas ng gusali ng aking tinitirhang condo. Agad akong napatayo at dali-dali kong binuksan ang aking bintana at pinapasok siya na kinakabahan. Nang mapapasok ko siya ay agad akong humarap sa kanya.
“What the hell are you thinking? Hindi mo ba alam kung gaano kataas iyong inakyat mo? Paano kung wala ako rito sa loob ng kwarto ko at hindi kita napagbuksan? Paano kung nahulog ka at hindi ka agad nakakapit? At saka paano ka nakaakyat ng gano’ng kataas ha? Ano’ng akala mo ikaw si Spiderman?” sunod-sunod na tanong ko na halos nakalimutan ko na yatang huminga.
“Relax,” sabi niya pero pinagpapalo ko siya.
“Ano’ng relax ha? Papatayin mo ako sa sobrang kaba. Nakakainis ka!” sigaw ko sa kanya at agad na lumabas ng aking kwarto habang nakasunod siya.
“Chérie, sorry na please? Hindi na iyon mauulit promise. Isu-surprise sana kita pero hindi ko naman alam na magugulat kita. Sorry na, please. Ito o nagdala pa man din ako ng mga bulaklak para sa iyo.” Bigay niya sa akin at sa pagkakataong ito ay hindi ito bouquet kung hindi parang pinitas lang niya ito kung saan.
“Tse! At saka saan mo nanaman ninakaw itong bulaklak ha?” tanong ko sa kanya na nagpangisi sa kanya.
Napaikot na lang ang aking mga mata dahil paano na lang kung nahuli siya sa pagnanakaw niya ng mga bulaklak.
“Hindi ako tumatanggap ng nakaw,” sabi ko sabay linagpasan siya.
“Nakaw? Chérie, hindi ko ito ninakaw dahil kung tutuusin ay papalitan ko naman iyon. Matagal nga lang tumubo.” Napailing na lang ako sa kanya.
“Baliw ka na.”
“Oo. Baliw na baliw na talaga ako para sa iyo na nagagawa kong magnakaw. Kaya tanggapin mo na please bago pa ako mapunta sa mental. Sige ka. Hindi mo na ako makikita kapag naikulong ako roon.” Inikotan ko siya ng aking mga mata.
“E di mabuti.” Sumimangot ako sabay pasok muli sa aking kwarto. “At sino’ng nagsabi sa iyo na papasok ka rin? Diyan ka lang sa salas at hintayin mo ako kung gusto mong tanggapin ko iyang mga bulaklak mo.”
Para siyang maamong tupa na sumunod sa akin at agad ko naman sinara ang aking kwarto ng pabagsak. Linock ko na rin ito dahil mahirap na at baka bigla niya akong pasukin. Kinuha ko ang aking tuwalya at mabilis na pumasok sa aking banyo kung saan ay nagsimula na akong maligo.
Sinadya kong tagalan dahil gusto ko siyang mainip kahihintay sa akin at para na rin makita ko kung gaano kahab ang pasensya niya. Siguro ay halos isang oras ang tinagal ko sa loob ng banyo bago ako lumabas ng banyo at nagpalit ng damit. Nakaramdam naman ako ng gutom kaya naisipan kong magluto ng almusal.
Pero paglabas ko ng aking kwarto ay napatigil ako nang makita ko siyang nakapikit nang nakaupo habang hawak-hawak pa rin niya iyong mga bulaklak at chocolate. Nagdahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya at saka tinitigan ko ng matagal ang kanyang mukha at napangiti ako dahil ang tahimik niyang natutulog. He looks so tired, but he looks handsome at the same time.
Kahit na nakasuot nanaman siya ngayon ng simpleng maong pants at shirt ay aaminin kong gwapo na siya sa itsura niyang ito. Napansin ko rin na mahaba rin pala ang kanyang mga pilik mata at sobrang tangos ng kanyang ilong. Mapula rin ang kanyang mga labi na medyo nakabuka pa habang tahimik siyang humihinga. Maya-maya ay nabitawan na lang niya ang hawak niyang bulaklak dahilan para bigla siyang magising.
Napatayo naman ako ng tuwid at nagkunwari na kararating ko lang at hindi ko siya tinitigan ng sobrang tagal. Nang magising siya ay kinusot niya ang kanyang mga mata sabay pinulot ang mga bulaklak at agad na napatingin sa akin. Tumayo siyang muli at medyo naawa naman ako sa kanya dahil parang pagod na pagod siya at wala pa siyang kain.
“Kung inaantok ka ay pwede ka namang matulog muna riyan habang nagluluto ako ng almusal natin,” utos ko sa kanya.
Inabot niya sa akin ang mga bulaklak at chocolate kaya kinuha ko na ito at ngumiti siya na nanghihingi ng paumanhin sa akin.
“Pasensya ka na. I’m just so tired,” sabi niya.
“E bakit kasi pumunta ka pa rito? Nagpahinga ka na lang sana para hindi ka inaantok.”
Ngumisi siya na aking ipinagtaka kaya tinaasan ko siya ng aking kaliwang kilay kung bakit gano’n siya makangiti sa akin.
“Are you worried about me?” nang-aasar niyang tanong.
“Tss.” Inikotan ko siya ng aking mga mata. “Isipin mo na ang gusto mong isipin pero ayaw kong bigla kang mahinatay dito noh. Nakaka-hassle kaya.”
Pumunta na ako ng kusina at mabilis ko ulit na linagay sa isa pang vase iyong mga bulaklak na hiniram niya raw sa kung saan. Habang linalagay ko ito ay hindi ko mapigilang mapangiti dahil kahit alam kong nakaw ito ay nagawa niya pa rin akong bigyan ng bulaklak at mga chocolate. Kung iyong una niyang bigay na chocolate ay tunaw na, ito naman ay medyo tunaw pa lang kaya bago pa ito matunaw ng tuluyan ay linagay ko na ito sa ref.
Pagkatapos ay mabilis ko nang inilabas ang mga gagamitin ko sa pagluluto. Naisipan kong magluto na lamang ng itlog at nagpainit ng tinapay. Nagtimpla na rin ako ng hot cocoa para kahit papaano ay magising ang kanyang diwa. Simple lang naman ang aking iluluto at sinamahan ko na rin ng ilang prutas para healthy kami.
Habang nagpriprito ako ay sinilip ko si Clark at nakita ko ngang tahimik na siyang natutulog sa aking sofa. Nakahiga siya habang ang kanang braso niya ay nakatakip sa kanyang mga mata. Binalik ko na lamang ang aking pansin sa aking ginagawa at nang maluto ko na ang lahat ay pinuntahan ko na siya upang gisingin na sana.
Huminga ako ng malalim dahil hindi ako sanay na manggising ng natutulog lalo na kung lalaki ito. Nakagat ko ang aking ibabang labi nang makita ko na sumisilip ang kanyang tyan at kitang-kita ko ang abs niya. Gusto ko siyang gisingin pero may parte rin sa aking utak na gustong hawakan ang kanyang abs.
Lumuhod ako ng dahan-dahan upang pumantay sa kanya sabay dahan-dahan kong inangat ang aking kamay papunta sa kanyang tyan. Linapat ko ang aking kamay doon at naramdaman ko na matigas ito kasabay ng pagbaba at pagtaas nito dahil sa mahimbing niyang pagtulog. Dumako na lang bigla ang aking mga mata sa alaga niyang nakaumbok sa kanyang pantalon.
Kahit na hindi pa ito matigas ay kapansin-pansin na ang pagiging malaki nito. Umiling na lamang ako dahil ang aga-aga ay nagiging green minded na lamang ako. Kaya naman inalog ko na lang siya para gumising siya bago pa kung saan mapunta ang aking mga kamay.
“Clark, gising na. Luto na iyong pagkain.”
“Hmmm.” Gumalaw siya pero hindi naman siya gumising.
“Clark…” mahina kong sabi pero hindi pa rin siya nagigising. “Hoy! Gigising ka ba o pauuwiin na lang kita!” sigaw ko na nagpagising sa kanya.
Agad naman siyang nagmulat ng kanyan mga mata at napaupo nang marinig niya ang aking sigaw. Bigla naman akong nakonsensya sa aking ginawa.
“S-Sorry. Ayaw mo kasing gumising e. Lalamig na iyong mga pagkain at sayang lang iyong effort ko kapag hindi mo iyon kakainin.” Tumayo na ako at napatingin siya sa akin.
Akmang papasok na ako sa kusina nang maramdaman ko ang kamay niya na humawak sa aking kaliwang braso. Iwawaksi ko na sana ito pero nagulat na lang ako nang bigla niya akong hilain at nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Hinalikan ba naman niya ako at halos lumaki ang aking mga mata na nakalapat sa kanyang mga labi. Nang maghiwalay ang aming mga labi ay isang ngisi lang ang binigay niya sa akin.
“Good morning, chérie. I like your lips. They taste sweet.”
Natuod ako sa aking kinatatayuan at agad naman siyang naglakad papunta sa kusina. Bumalik na lamang ako sa katinuan nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin. Naiinis akong umupo dahil ninawakan nanaman niya ako ng halik.
Tahimik lang kaming kumain pero hindi ko naman siya magawang tignan sa mga mata dahil naaalala ko lang iyong ginawa niya sa akin. Namumula lang ako lalo dahil ramdam ko pa ang paglapat ng kanyang mga labi sa akin. Kagigising niya pero lasang mint ang mga labi niya at naiinis ako sa aking sarili na hinayaan ko nanaman siyang nakawan ako ulit ng halik. Nangliligaw pa lang siya pero nakailang halik na siya sa akin.
“Free ka ba ngayong hapon?” tanong niya sa akin na siyang nagpaangat ng tingin ko sa kanya.
“Bakit?”
“Date tayo.” Yaya niya.
“Paano kung ayoko? Busy ako.” Sabay subo ko sa isang piraso ng tinapay.
“Okay. Dito na lang tayo at magkulong na lang tayo sa kwarto mo hanggang sa makabuo na lang tayo ng baby.” Halos maubo ako sa sinabi niya at masama akong napatingin sa kanya.
“Ano’ng baby iyang pinagsasabi mo ha? Gusto mong putulan kita ng kaligayahan nang hindi ka na makagawa ng baby?” singhal ko sa kanya at tinawanan lang niya ako.
“Ikaw naman. Hindi ka na mabiro. Ayaw mo ba talagang mag-date tayo? This time ay hindi na kita dadalhin sa isang restaurant. Babawi ako sa iyo ‘di ba? Please?” Gwapo siyang ngumiti sa akin at agad kong iniwas ang aking tingin sa kanya.
“Sige. Pero oras na may gawin ka nanamang masama sa akin hindi na talaga ako makikipag-date sa iyo.” Banta ko sa kanya.
“Sure. ‘Di bale kapag inabutan naman ako ng kalibugan ay magpapaalam naman ako sa iyon.” Nagtaas baba pa ang kilay niya habang hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya.
Hindi ko na lang siya pinansin at inirapan dahil ang landi ng lalaking ito. Nang matapos kaming kumain ay siya na ang nag-alok na maghugas ng mga pinggan kaya hindi na ako nagpapilit pa. Hinayaan ko na lang siya na maghugas ng mga pinggan habang pumunta naman ako sa sala upang buksan ang tv at manuod ng kahit ano na lang.
Wala rin lang naman kasi akong gagawin ngayong umaga kaya kadalasan ay nanunuod lamang ako ng telebisyon. Nang matapos siyang maghugas ng pinggan ay umupo siya sa aking tabi at napakunot pa ang aking noo nang akbayan niya ako.
“Tsk. Lumayo ka nga.”
“Ayaw.” Para siyang bata at mas lalo lang niyang isiniksik sa akin ang katawan niya. “Dito ka na lang sa tabi ko. Hayaan mo na akong akbayan ka.”
“Paano kong ayaw ko?”
“E di hahalikan na lang kita.” Seryoso siyang nakatingin sa akin at wala man lang bahid ng pagbibiro kaya hinayaan ko na lang siya.
Amoy na amoy ko ang pabango niya at gusto ko siyang tignan pero oras na ginawa ko iyon ay magsisimula lang siya ulit na lumandi. Sinubukan kong ituon ang aking atensyon sa tv pero hindi ko magawa lalo na at ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya sa akin. Maya-maya ay nagulat na lang ako nang iyakap niya ang isa niyang kamay sa akin sabay siniksik ang mukha niya sa may buhok ko.
“Let me sleep like this, chérie.” Gusto ko man sana siyang itulak pero mukhang nakatulog na siya. Hays. Bakit ba ang sweet mo? Kunti pa ay baka mahulog na ako sa iyo ng tuluyan.