Lucinda
Makalipas ang isang linggo matapos naming magkaroon ng date ni Clark at basta na lang niya akong inangkin sa isang abandonadong gusali ay hindi na muna ako nagparamdam sa kanya. Hanggang ngayon kasi ay naiinis ako sa ginawa niya na para bang ang turing niya sa akin ay kaladkaring babae. Oo, aaminin ko naman na nakikipag-one night stand ako kung kani-kanino lang at ilang sandata na yata ang dumaan sa aking lagusan.
Pero hindi naman yata tama na pagmukhain niya akong pokpok porke binigay ko na sa kanya ang aking hiyas noh. Isa pa iyong mga naka-one night stand ko naman noon ay binalak ko naman talagang magkaroon ng mas malalim pang pagtitinginan pero iyon lang ay sila ang unang umaatras. Habang nag-e-edit ako ng aking mga videos ay nag-ring na lang ang aking doorbell kaya agad ko namang sinilip muna kung sino ito.
Nakita ko naman agad si Paris na kumakaway sa labas kaya agad ko siyang pinagbuksan. Akmang yayakapin ko na sana siya ay nakita ko na lang sa kanyang tabi si Clark na aking ikinagulat. Napatingin ako kay Paris kung bakit niya kasama ang hinayupak na ito pero agad siyang umiwas ng kanyang tingin. Pumasok na si Paris kasunod naman niya si Clark na hindi ko na sana papapasukin pero mabilis siyang humakbang at hinarang ang kanyang paa.
“Ano’ng ginagawa mo rito at bakit kailangan mo pa talagang idamay ang kaibigan ko sa mga kalukuhan mo?” nakahalukipkip na pagtatanong ko sa kanya.
“Gusto lang naman sana kitang bisitahin at wala nang iba. Masama ba iyon? Isa pa ay baka nakakalimutan mo na umaakyat ako ng ligaw?” Akmang sasagot ako ay napatingin kami kay Paris.
“Friend, dumaan lang ako para ibigay itong brownies na binake ni mama. Uhm, yayayain sana kitang lumabas pero mukhang busy ka.” Napatingin pa siya kay Clark. “Anyway, alis na muna ako at babalikan na lang kita. Ba-bye.”
Nagmamadali siyang lumabas ng aking condo at nang maiwan kaming dalawa ni Clark ay inirapan ko siya sabay mabilis akong pumasok sa aking kwarto. Nang isasara ko na ito ay napigilan ito ni Clark gamit ang kanyang kamay at pumasok na rin siya sa aking kwarto.
“Trespassing ang ginagawa mo.” Ngumisi lang siya at agad ko naman siyang inirapan ulit. “Pwede ba lumayas ka na lang dahil hindi ka welcome dito at mas lalong hindi ka invited.”
Linagpasan ko siya sabay nagtungo sa pinto at binuksan ito sabay sinabi na lumabas na siya. Napatingin naman siya sa akin at isinuksok sa kanyang bulsa ang kanyang dalawang kamay. Naglakad siya patungo sa pinto kaya akala ko ay lalabas na siya pero nagulat ako nang itulak niya na lang ito sabay kinulong ako na nakaharang ang kanyang kamay sa aking gilid.
Bigla naman akong mapalunok nang magtama ang aming mga mata at mataman siyang nakatitig sa akin. Pero kahit na medyo kinakabahan ako ay hindi ako nagpatinag at sinubukang maging matatag kahit nangangatog na ang aking tuhod.
“Why are you not returning any of my calls or text?” tanong niya sa mababang boses.
“Bakit ko naman gagawin iyon? Boyfriend ba kita? Tatay ko nga hindi ko tinatawagan, ikaw pa kaya na ilang araw ko pa lang nakikilala? Isa pa lumayo ka nga sa akin.” Tulak ko sa kanya at agad ko namang naramdaman ang matigas niyang dibdib.
Pumunta ako sa kusina kung saan ay ramdam kong nakasunod lang siya sa akin. Kumuha ako ng maiinom na tubig at saka tinungga ito habang ramdam ko ang mga titig niya sa akin. Nang matapos akong uminom ay nagulat ako pagharap ko dahil nasa harapan ko lang siya.
Matagal niya akong tinitigan at hindi ko alam kung bakit hindi ko mabawi ang tingin ko sa kanya. Akmang hahaplosin niya ang aking pisngi ay napatigil sa ere ang kanyang kamay at napabuntong hininga na lang siya sabay napaupo sa isang upuan na aking ipinagtaka. Napakunot naman ang aking noo sa mga wirdong kinikilos niya.
“Pwede bang umalis—”
“I’m sorry,” sabi niya na nagpatigil sa akin. “Pasensya ka na sa nangyari kagabi at ipinapangako kong hindi na iyon mauulit. Nadala lang ako ng selos ko kagabi kaya may nangyari ulit sa atin.”
Napaiwas naman ako ng tingin at napakurap nang maalala ang sinabi niya.
“Teka. Ulitin mo nga iyong sinabi mo? Sinabi mo bang nagselos ka?” tanong ko sa kanya. “Bakit ka naman magseselos e wala nga akong nobyo ‘di ba? Magpapaligaw ba ako kung may nobyo ako? O kaya naikama mo ba ako kung may nobyo ako?”
“You were smiling while texting someone last night. Naiinis ako kasi ako ang kasama mo pero nasa iba ang atensyon mo.” Tinaasan ko siya ng aking kilay at natawa na lang ako ng mahina.
“Wow. Paanong hindi ko gagawin iyon e para kang tuod na nakaupo lang? You were acting like an asshole the whole time. Magtataka ka ba kung bakit ibabaling ko sa iba iyong atensyon ko?” Inirapan ko siya.
“Sorry, again. Hindi lang kasi ako sanay na manligaw at nasanay akong nasa akin palagi ang atensyon. Can I please make it up to you?” Maya-maya ay tumayo siya at may linabas siyang chocolate sa kanyang bulsa na halos patunaw na at nakusot na ito sa loob ng kanyang pantalon.
Napailing na lang ako at kahit naiinis pa rin ako sa kanya ay tinanggap ko ang hawak niyang chocolate.
“Sorry. Kanina ko pa dapat ibibigay iyan sa iyo ang kaso ay hindi ko alam kung paano ito ibibigay kaya natunaw na iyan sa loob ng pantalon ko. Babawi na lang ako sa iyo sa susunod.” Pinipigilan ko ang mapangiti pero hindi ko rin ito nagawa.
Imbes na magalit ako sa kanya ay natutuwa na lang ako sa kabaliwan niya. May manliligaw ba na nagbibigay ng chocolate na tunaw na at halos mainit na ito sa loob ng pantalon niya. Kulang na lang ay maging hot chocolate ito sa sobrang init nito.
“You are smiling. Ibig sabihin ba niya bibigyan mo ako ulit ng isa pang chance?” tanong niya.
Tumango ako habang kagat ko ang ibaba kong labi na nagpipigil na napapangiti. Bigla na lang siyang dumukwang at binigyan ako ng halik sa aking mga labi. Aangal pa sana ako pero saglit lang naman iyon at muli siyang humingi sa akin ng tawad.
“You are a temptation chérie, you know that?” tanong niya.
Pagkatapos nun ay nagpaalam na siya sa akin at sinabi niyang aayusin niya na raw ang panliligaw niya bukas. May nanliligaw ba na nakahalik na o kaya naikama na iyong liligawan niya? Parang baliktad nga kasi mas nauna pa iyong honeymoon kaysa sa getting to know each other stage.
Pero kahit na gano’n ay may kung anong nagtutulak sa akin na payagan siya sa kakaiba niyang panliligaw. May mga nanligaw na rin naman sa akin nun at nagbibigay sila ng isang bouquet ng bulaklak at sangkaterbang chocolate. Pero tuwing malalaman nila kung gaano na ako kayaman ay umaatras na lang sila bigla at hindi ko na sila nakita pang muli.
Pero kakaiba kay Clark dahil may nangyari na sa amin ng dalawang beses pero nandito pa rin siya at patuloy na nanliligaw sa akin kahit na tunaw na chocolate na ang ibigay niya. Napatingin na lang akong muli sa kawawang bar ng Hershey’s at napailing sabay linagay ito sa loob ng ref para naman tumigas ito kahit papaano.
Pagdating ng gabi ay abala akong nanunuod ng sine sa Netflix at kumakain pa ako ng popcorn nang makarinig ako ng katok sa aking pinto. Pinause ko naman ang aking pinapanuod at saka tinungo ang aking pinto. Nang silipin ko ito ay imbes na mukha ang nakita ko ay isang bouquet ng bulaklak ang nakita ko.
Nagtataka naman ako kung sino naman ang taong bibisita sa akin ngayong dis-oras ng gabi? Binuksan ko ang pinto pero kunti lang at sakto lang na masilip kung sino ito dahil baka mamaya ay kung sinong pontio pilato ito.
“Good evening, chérie,” ngiting bati sa akin ni Clark.
Pinasadahan ko pa ang kanyang itsura dahil hindi na siya nakasuot ng maong pants na parang nadapa siya dahil sa butas nito. Wala na rin iyong simpleng shirt niya na para siyang magsasaka sa palayan. Maayos din ang kanyang buhok at aaminin ko na medyo ngayon ko lang nakita kung gaano pala siya ka-gwapo. Napatayo ako ng tuwid sabay pinapasok siya at nakaramdam ako bigla ng pagkailang sa kanya.
“Flowers for you.” Abot niya sa akin at agad ko naman itong tinanggap.
Inamoy ko ito sabay pinaupo siya sa sofa at inalokan siya ng kinakain kong popcorn pero tumanggi siya.
“Uhm, a-ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko. “Gabing-gabi na ah.”
“Wala naman yatang oras ang panliligaw di ba?” tanong niya na nagpangiti sa akin. “Isa pa sabi ko naman sa iyo ay babawi ako. Pwede bang magsimula tayong muli?” Tumango naman ako. “Okay. My name is Clarence King Whitlock Jr. Nice to meet you, beautiful.”
“Thanks. Lucinda Salazar.” Sabay nagkamay pa kaming dalawa at napangiti ako nang halikan niya ang aking kamay dahilan para mapatungo ako at ngumisi. “Well, I must say that you really don’t have any experience in courting?”
“Hmmm. Hindi ko alam kung matatawag ba na courting kapag sinama mo sa isang joyride ang babae na kare-rebond lang sabay top down pa ang kotse ko noon.” Natawa naman ako sa kanyang sinabi. “Yeah. Maybe I don’t have any experience with courting someone.”
“Bakit? Imposible naman na wala ka pang naging girlfriend ni isa buong buhay mo?” Ngumiti siya.
“Hindi naman sa gano’n. Nakasanayan ko lang kasi na oras na may nangyari na sa amin ay kami na agad. Kaya siguro hindi ako nasanay na makitungo sa iyo lalo na noong malaman ko na ayos lang sa iyo na kahit walang tayo at may nangyari naman na sa atin.” Napatungo ako at tipid na napangiti sabay natahimik na lang ako.
Pero hindi ko alam na nakatitig pala siya sa akin at parang hinihintay niya akong magkwento.
“What’s your story?” tanong na niya sa wakas. “Pero kung ayaw mong sabihin ay ayos lang naman sa akin.”
“It’s okay. You want to get to know me, right? Wala namang mawawala sa akin kung ikwekwento ko sa iyo. There’s nothing special about me to be really honest. Pero hindi ko kasi alam kung bakit lahat ng mga manliligaw ko ay palagi akong iniiwan.
“Noong una ay okay lang sa akin pero habang tumatagal ay nawawalan na ako ng kumpyansa sa aking sarili. Hanggang sa naglakas loob akong tanungin iyong isang lalaki kung bakit bigla na lang siyang tumigil na manligaw. Ang sagot niya, ‘Hindi kasi kita kayang ma-reach dahil mas mayaman ka kaysa sa akin at nakakababa iyon sa akin bilang lalaki.’
“Nakatatawa nga kasi hindi ko naman pinili ang maging mayaman dahil naipanganak naman ako na naibibigay sa akin ang lahat. Ang buong akala ko ay mahirap lang noon ang may problema sa pag-ibig pero roon ko napagtanto na minsan ay nasa estado rin ng buhay ang problema. Kaya ayon isang araw ay namalayan ko na lang na naghahabol na lang ako ng pagmamahal sa lalaki na halos sarili kong katawan ay binigay ko na.
“Pagkatapos ay nasanay na lang ako na kahit one night stand lang ay okay na sa akin dahil alam ko naman na hindi rin sila magtatagal oras na malaman nila kung anong meron ako. Kaya naman noong may nangyari sa akin ay akala ko rin gano’n ulit ang mangyayari,” mahabang paliwanag ko sa kanya.
Napatitig lang siya sa akin sabay tumayo ako para ilagay sa vase ang binigay niyang mga bulaklak. Habang linalagay ko ito rito ay napapangiti ako kasi sa totoo lang ay ngayon lang ako nakatanggap ng bulaklak at super sweet nito para sa akin. Nang matapos ko itong ayusin ay napalingon ako nang makita kong sumunod pala siya sa akin.
“Kung gano’n ay ako pala ang unang manliligaw mo?” Tumango ako. “Kung gano’n ay ipinapangako ko na hindi ko gagawin ang ginawa nila na iwan ka.”
Pagkatapos nun ay bumalik kami sa panunuod ng telebisyon at halos magkatabi pa kami. Nagkwentuhan na rin kami at super dami kong nalaman tungkol sa kanya na halos hindi na rin namin namalayan ang oras. Sobra kasi akong nawiwili sa mga kwento niya na ang dami ko pang gustong malaman sa kanya. Pero pagtingin ko sa oras ay nagulat ako na umabot kami hanggang sa madaling araw at hindi man lang ako nakararamdam ng antok o pagod.
“Late na pala. Inaantok ka na ba?” tanong niya.
“Hindi pa kasi na-enjoy ko ang makipagkwentuhan sa iyo. Pero syempre kailangan din nating magpahinga lalo na at ayaw ko rin naman na mapuyat ka at baka may trabaho ka pa,” sabi ko pa sa kanya.
Pagkatapos ay sabay na kaming tumayo at inihatid ko na siya hanggang sa pinto lang. Gusto ko pa nga sanang ihatid siya hanggang sa baba pero hindi na siya pumayag dahil sabi niya ay masyado na raw gabi at baka may mangyari pa raw sa akin. Tumayo ako sa may pinto habang nagpapaalam sa kanya at napatitig siya sa akin.
“Good night,” sabi ko.
“Good night din, chérie.”
Pagkatapos ay binigyan niya ako ng halik sa aking noo na nagpakilig sa akin. Nakikita ko kasi itong ginagawa noon ni kuya kay Angel at ayon sa kanya ay pagmamahal daw na tapat ang ibig sabihin nun. Umalis na siya at naiwan akong kinikilig at halos mapangiti ako ng sobra.