Chapter 26

2033 Words
Lucinda Pagsapit ng hapon ay nakapag-isip-isip ako na sasama ako kay Paris tutal ay halos wala naman akong pupuntahan at dito lang ako sa bahay ng buong gabi kung sakali. Mabilis kong inilabas ang aking cellphone at dinial ang numero ni Paris upang sabihin sa kanya na sasama ako sa kanya. Makailang ring lamang ay sinagot niya ito at sinabi ko sa kanya ang aking pakay. Naging masaya siya sa naging desisyon ko kaya naman pagbaba ko ng aking cellphone ay agad na lamang akong naghanda para sa paglabas ko mamaya. Pagdating ng gabi ay lumabas na ako ng aking condo upang pumunta sa baba at sakto namang nakita ko mula sa malayo ang kotse ni Paris. Pagtigil niya sa aking harapan ay napansin ko na hindi lang siya mag-isa sa loob ng kanyang kotse at nang tignan ko kung sino ang nasa back seat ay napangiti ako na makita si Kenneth. Kumaway siya sa akin sabay sumakay na ako sa loob ng kotse ni Paris at kinamusta si Kenneth. Ilang minuto lang naman ay nakarating na kami sa nasabing Elite bar at agad na pumasok dito. Masaya kaming nagkwekwentuhan at nagtatawan dahil na-miss ko ang lumalabas sa gabi. Simula kasi noong naging kami ni Clark noon ay palagi lang akong nasa bahay dahil palagi lang nakatambay si Clark sa aking condo. Pagdating namin sa bar counter ay agad kaming umorder ng aming inumin habang nagpaalam si Paris na pupunta siya ng banyo. “So? How are you? It’s been months since I saw you,” sabi ni Kenneth sabay inom ng alak. “Grabe ka naman sa months. Siguro may isang buwan o dalawa lang naman pero para sagutin ko ang tanong mo ay ayos lang naman ako. Ikaw?” tanong ko sabay abot ng binibigay ng waiter sa akin. Pinakita niya sa akin ang kanyang daliri at noong una ay hindi ko pa ito napansin pero napamaang ako nang makita ko ang wedding ring sa kanyang daliri. Napatalon ako sa tuwa at agad na yinakap siya sabay binati siya. “Are you engaged? With whom?” masayang tanong ko sa kanya. “Well, since I am bisexual like I told you before, I met this guy in a bar. Alam mo ba na magkaaway pa kami noong una kaming nagkita pero noong tumagal ay nagustuhan ko siya.” Masaya akong tumango sa kanya. “I’m happy for you, really. May I ask a question?” “Sure.” “How do you do it?” Medyo naguluhan pa siya sa sinabi ko pero nang tumagal ay mukhang nakuha niya at magtawanan pa kaming dalawa. “Oh…we’re versatile, so it means it’s either me or him on the top.” Muli kaming nagtawanan. “Okay, what did I miss?” Napatingin kaming dalawa kay Paris na galing sa banyo. Nagtinginan lang kaming dalawa ni Kenneth at nagtawanan na lang habang pinipilit kami ni Paris na sabihin sa kanya kung ano ang na-miss niya. Umiling na lang kami at nagsimula na kaming uminom at mag-enjoy. Makalipas lamang ang isang oras ay lahat kami ay medyo tamado na at si Paris ay lasing na habang kami ni Kenneth ay medyo nasa tamang huwisyo pa. “Let’s dance!” sigaw ni Paris at nagsimula na siyang sumayaw sa gitnan habang pinapanuod at full support pa kami ni Kenneth sa kanya. Maya-maya ay biglang nagpaalam si Kenneth sa akin na pupunta lamang siya sa banyo kaya naiwan tuloy akong mag-isa sa bar counter habang pinapanuod si Paris na sumayaw. Naiiling at natatawa na lang ako sa kabaliwan niya. Inikot ko ang aking paningin sa kabuuan ng buong bar at sa hindi malamang dahilan ay dumako ang aking mga mata sa second-floor ng bar. Kung hindi ako nagkakamali ay dito ang mga VIP lalo na kung gusto mo lang uminom pero kung gusto mong sumayaw ay dito ka sa baba. Natulala ako nang parang may nakita akong pamilyar na mukha sa ikalawang palapag na nakatingin sa akin. Pero dahil sa may tama na ako ay hindi ko alam kung nananaginip lamang ako pero parang nakita ko roon si Clark. Nakita ko siyang parang bumaba ng hagdan at lumabas ng nasabing bar kaya naman agad akong napatayo at mabilis siyang sinundan. At dahil marami na ang mga tao ay hindi ako masyadong makasingit pero nagpapasalamat ako na nakalabas naman ako sa nasabing bar. Paglabas ko ay tumingin ako sa aking kanan at kaliwa at hindi ko na muli pang nakita si Clark kung si Clark ba talaga ang aking nakita o hindi. Naglakad ako sa daan kung saan ay sa tingin ko pumunta si Clark hanggang sa mapunta ako sa isang masikip na pasilyo na daan. Medyo madilim sa lugar na ito at may isang ilaw lang ang tanging nagbibigay liwanag sa daan. Pumasok ako rito at tumitingin sa aking kanan at kaliwa, harapan at likuran dahil parang may multo na sumusunod sa akin. Pero nang malapit na akong lumabas sa nasabing pasilyo ay may biglang lumabas na isang lalaki na may nakaipit na sigarilyo sa kanyang tenga. Napatingin siya sa akin at ngumiti lang ako ng tipid sabay naglakad patalikod dahil mukhang nakapasok yata ako sa lugar na pagmamay-ari ng mga drug users. Pagtalikod ko ay nagulat na lang ako na may dalawang lalaki rin ang nasa aking likuran at may ngisi sa kanilang mga labi habang nakatingin sa akin. “Where are you going, miss?” tanong nito sa salitang French. “You look a little lost, don’t you think?” “Uhm, I-I was looking for someone, and I meant no harm,” sagot ko rin sa salitang French. “But I think he’s not here, so I guess I need to go back already.” Akmang iiwas ako sa dalawang lalaki ay hinarangan ako ng isa sabay napalakad ako ng patalikod hanggang sa bumangga ako sa isang lalaki. Agad akong lumayo pero hinawakan niya ako sa aking isang braso kung saan ay bigla akong kinabahan. Nagsimula silang nagtawanan ng nakakaloko hanggang sa itulak ako ng lalaki dahilan para bumangga ako sa isa pang lalaki. “She looks so sweet, boss. Maybe she’ll taste sweeter,” sabi ng isa at nagtawanan ulit sila. “She smells so good as well.” “L-Let me go…” kinakabahang sabi ko. “Shh. Don’t worry, you’ll safe with us. Why don’t we go upstairs, and I’ll show you a good time, hmm?” Hinaplos ng lalaki ang aking mukha sabay napatingin siya sa dalawang kasama niya at bigla akong hinila sa kung saan. Nagpumiglas ako pero masyadong malakas iyong lalaki na halos buhatin na niya ako na parang sako. Tinakpan niya ang aking bibig para hindi ako makasigaw hanggang sa narinig kong ipasok nila ako sa gusali kung saan ay halos walang ilaw. Pagkatapos ay ibinaba na lang nila ako na parang bigas sa ibabaw ng isang kama at may humawak sa aking mga kamay habang ang isa naman ay pilit na hinuhuli ang aking mga paa. “Hold her down,” utos ng boss nila. “I want to fu*k her already.” Umiling ako at nagsimula akong sumigaw sabay sinipa ang lalaking pilit na hinahawakan ang aking mga paa. Pero tinakpan nila ng tape ang aking bibig at halos impit na akong sumigaw nang bigla na lang nila akong sampalin at hinuli ang aking mga paa. Narinig ko ang pagpunit nila sa aking damit hanggang sa makita na ang aking underwear at kita ko ang mala-demonyong pagnanasa sa akin ng boss nila. “So smooth, so soft, so fragrant,” sabi niya habang linalandas niya ang madumi niyang kamay sa aking binti. Umiling ako habang umiiyak at impit na sumisigaw hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya na palapit na sa aking p********e. Mariin akong nagpumiglas kahit alam kong hindi ako makawawala habang tumatawa lang sila na para bang natutuwa pa sila. Ipinagdasal ko na sana ay may nakakita sa akin na pumasok sa pasilyong ito. Malapit na ang mga kamay niya at halos tumigil na ako sa pagpiglas habang hinihintay na lang na maramdaman ko ang paghawak niya sa aking kaselanan nang bigla na lang kaming napatingin lahat sa pinto. Halos lumaki ang aking mga mata nang bumungad sa amin ang isang bulto ng lalaki na kilalang-kilala ko. Masama siyang nakatingin sa mga lalaking nakahawak sa akin at nang makita niya ang ayos ko ay halos manilim ang kanyang mukha na para bang napatawan ng kamatayan ang tatlong lalaki. “Who the hell are you?!” sigaw ng isa at inutusan ang mga kasama niya na saktan siya. Hindi ko na namalayan kung ano’ng nangyari basta nakita ko na lamang silang tatlo na bumulagta sa sahig at walang malay. Halos maestatwa ako sa aking kinauupuan at mabilis na sinuot ang aking damit na sira na matakpan lamang ang aking mga binti. Maya-maya ay naramdaman kong inalis niya ang tape sa aking bibig. Halos maiyak ako hindi dahil sa niligtas niya ako sa mga nagtangka sa akin pero naiyak ako dahil hindi ko alam kung totoo ba ang aking mga nakikita o panaginip lamang ito. Hinaplos niya ang aking mukha at halos mapapikit ako sa init na nanggagaling sa kanyang mga palad. Umiyak ako ng tahimik nang maramdaman ko ang kanyang halik sa aking noo at napayakap na lang ako sa kanya. “Shh, I’m here chérie.” Mas lalo akong umiyak nang marinig ko ang boses niya. “You’re here. You’re really here.” Tumango siya. Agad niya ang tinulungan na tumayo at bago kami lumabas ay hinubad niya ang mahaba niyang coat at ipinulupot ito sa akin. Malaki ito sa akin pero agad na sumalubong sa akin ang kanyang pamilya na amoy na ang tagal kong hindi naamoy. Pagkatapos ay lumabas na kami sa nasabing gusali at habang naglalakad kami palayo ay rinig ko na ang paparating na mga sasakyan ng pulis. Napalingon ako at nakita kong tumigil sila sa pasilyo kung saan ako pumasok sabay napatingin kay Clark. Hindi ko na kailangang tanungin na siya ang nagtawag ng mga pulis upang mahuli sila sa kanilang ginawa. Pagkatapos ay isinakay niya ako sa kanyang kotse at umikot siya upang paandarin ito. Habang nasa daan kami ay ilang beses akong napapasulyap sa kanya dahil hindi ko alam kung nananaginip ba ako o hindi. Ngayon na nakita ko siya ay kahit isang buwan pa lang ang nakalilipas ay ang dami niyang pinagbago sa pisikal. Nagkaroon na siya kunti ng balbas na maliliit at ang magulo niyang buhok ay mas lalo pang gumulo pero mas lalo naman itong nagpa-gwapo sa kanya. “Baka mabangga tayo kakatingin mo sa akin chérie.” Napangiti naman ako at hindi ko tinanggi na pinagmamasdan ko siya. “I just can’t believe that you’re here. Kailangan pa pa lang malagay ako sa panganib para lang magpakita ka sa akin. Kung palagi kaya akong pumunta sa mga lugar na gano’n ay sigurado akong palagi ka ring darating.” Bigla siyang napa-preno at inis na napatingin sa akin. Na-miss ko iyong pagiging strikto at possessive niya kaya naman kahit naiinis siya sa akin ngayon ay para sa akin ay natutuwa ako sa ekspresyon na nakikita ko ngayon. “Don’t ever do that again, chérie. Paano kung hindi ako dumating sa oras at may ginawa na sila sa iyo? Hindi sa lahat ng oras ay nandyan ako para iligtas ka,” sabi niya. “But you still came, and I will always think that you will always come on time whenever I’m in danger.” Ngumiti ako at gano’n din siya. “Masyadong malaki ang tiwala mo sa akin chérie at hindi ko alam kung kaya ko bang i-meet ang expectations mo.” Nagsimula na siyang magmaneho ulit at nanatili na akong tahimik hanggang sa makarating kami sa aking condo. Pagkaparada niya ng kanyang sasakyan ay pinagbuksan niya ako ng pinto na ngayon lang niya ginawa dahil noon ay halos pabayaan niya ako. Ngayon ay alagang-alaga siya kaya naman natutuwa ako. Hinihiling ko lang na sana ay palagi siyang nandyan para sa akin at kahit malagay ako sa panganib kung kinakailan makita ko lang siya ay ayos lang sa akin. Ang importante ay nandito siya sa tabi at sapat na iyon para sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD