Chapter 27

2108 Words
Lucinda Pagmulat ko ng aking mga mata kinabukasan ay ang agad na bumungad sa akin ang mahimbing na mukha ni Clark habang natutulog. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na siya sa aking tabi na para bang bumalik ang lahat sa normal. Hindi ko alam pero nagmukha siyang mature para sa akin o talagang hindi ko lang siya nakita ng matagal kaya gano’n. Pinadaan ko ang aking mga daliri sa kanyang noo pababa sa kanyang pisngi at bibig at halos tabigin niya ang aking kamay dahil siguro sa nakikiliti siya. Natawa ako ng mahina sabay muli siyang tinitigan hanggang sa magsimula siyang gumalaw at unti-unting bumukas ang kanyang mga mata. Napalunok ako nang makitang titig na titig siya sa aking mga mata na para bang ako lang ang nakikita niya. “You look so beautiful, chérie. I wouldn’t mind waking up in the morning if the first thing I see in the morning is you.” Napangiti ako dahil sa pagiging bolero niya. Bumangon na ako at agad na ipinulupot ko ang kumot sa aking kahubaran nang maalala ko kung paano kami magtalik kagabi. Punong-puno ng pagmamahal at sabik ang bawat halik namin na para bang wala nang umaga pang darating. Pinulot ko ang aking mga damit sa sahig at namula pa ako nang makita kong nakasabit ang aking panty sa may lampshade tanda na hindi na mukhang hindi na kami makapaghintay na angkinin ang isa’t isa. Narinig ko siyang natawa ng mahina at nakasimangot akong lumingon sa kanya sabay inirapan siya dahil mukhang nabasa niya ang aking nasa utak. “What are you laughing at?” tanong ko. “You look cute, chérie. Now, it makes me want to own you again.” Napaiwas ako dahil sa pamumula ng aking pisngi. Nagsimula na akong magpalit sabay lumabas ng aking kwarto at dumiretso sa kusina upang magluto ng aming brunch. Paano kasi ay hindi ko na alam kung ano’ng oras kami natulog dahil makailang beses niya akong inangkin kagabi. Ininit ko na ang palayok kasabay naglabas na rin ako ng dalawang itlog, bacon, at ham. Habang abala ako sa kusina ay naramdaman ko ang pagyapos ni Clark mula sa aking likuran at ngayon ko lang napansin na para bang nagw-work out siya. Matigas kasi ang kanyang dibdib at may mga muscles na siya sa kanyang mga braso at binti. Parang kasing katawan na tuloy niya si Chris Evans sabay mas gwapo pa siya. Hinalikan niya ang aking leeg habang nakayakap sa akin na nagluluto at hinayaan ko lang siya. Wala naman siyang ginawa at ang tanging ginawa niya lang ay yumakap sa akin na parang koala na para bang isa akong sanga ng puno na ayaw niyang bitawan. Nang matapos akong magluto ay doon lang niya ako binitawan dahil inutusan ko siyang ayusin na ang hapag kainan upang makakain na kami. Pagkatapos kong ilatag lahat ng aking mga linuto ay tahimik kaming kumain pero nagtitinginan kami at ngumingiti sa bawat isa na para kaming mga baliw. Hanggang sa matapaos kaming kumain ay gano’n lang kami katahimik pero pansin naman na patay kami sa isa’t isa. Siya na ang nag-alok na maghugas ng pinggan kaya hinayaan ko na lang siya. Bumalik ako sa aking kwarto upang ayusin ang aking kama at nang makaligo na rin dahil nanglalagkit na ako lalo na sa gitna ng aking mga hita. Pero habang nag-aayos ako ay nakita kong nakakalat ang kanyang wallet sa aking kama at nang kunin ko ito ay nakita kong may sumisilip ditong litrato. Nang kunin ko ito ay nawala ang aking ngiti at para bang bumalik ako sa katotohanan na hindi nga pala siya sa akin dahil may litrato siya ng kanyang pamilya rito. Ayaw kong masaktan lalo at ayaw kong maipaalala sa akin na hindi pala siya sa akin ng buo kaya naman binalik ko ito sa loob ng kanyang wallet. Linagay ko ito sa ibabaw ng study table ko kasabay ng pagtuloy kong ayusin ang aking kama. Nang matapos ay kumuha ako ng aking mga damit at tuwalya para maligo nang marinig kong pumasok siya sa kwarto. Hindi ko siya liningon dahil hindi mawala sa utak ko iyong litratong nakita ko kanina. Walang sabi-sabi na dumiretso ako sa loob ng banyo at nagsimulang umilalim sa shower para maligo. Habang umaagos ang tubig sa aking mukha at katawan ay napapikit ako upang iwasan ang hindi maluha sa aking nakita kanina. Sa litrato ay nakangiti silang lahat na nakatingin sa camera habang buhat ni Clark ang bunso yata nilang anak na lalaki. Katabi nito ay ang anak nilang panganay na lalaki habang nakayakap siya sa kanyang asawa. Kapansin-pansin na perpektong pamilya sila at parang walang kababalaghan na ginagawa si Clark. Hindi ko na mapigilan at doon na umagos ang aking luha dahil aminin ko man o hindi ay may nagmamay-ari na sa kanya at nasa malayo sila. Samantalang ako ay nandito at tinitiis ang mga ilang araw o buwan na hindi siya makita para lang pagsaluhan namin ang init ng aming katawan na alam kong hindi naman magtatagal. Nang matapos na akong umiyak ay pinatay ko na ang shower at huminga ng malalim sabay tinuyo ang aking katawan at sinuot ang aking mga damit. Sinigurado ko na maayos akong lalabas at hindi mapapansin na umiyak ako kani-kanina lang. Nang matapos ay lumabas ako na may ngiti sa aking mga labi at handang ipakita na ayos lang ang lahat sa akin. Pero agad na nawala ang ngiti sa aking mga labi nang makita kong wala si Clark sa kwarto ko kaya naman hinanap ko siya. Wala rin siya sa salas o sa kusina kaya naman ang huling alam ko ay baka nasa labas siya. Akmang hahawakan ko ang busol ng aking pinto ay natigil ito sa ere nang marinig ko ang kanyang boses na para bang may kausap siya sa telepono. Idinikit ko ang aking tenga sa pinto at pinakinggan kung sino ang kausap niya. “I’ll be home soon, love. Yes. I’m just having some business meetings that I have to attend here, and I will come back home tonight. How are the kids? Hmm? Don’t worry, I have their presents when I come back home. Okay. You take care always and tell the kids that I love and miss them.” Napalayo ako sa pinto at mabilis na pumasok sa aking kwarto at pina-kalma ko ang aking sarili na huwag umiyak dahil hindi ko pwedeng ipapansin na nasasaktan ako o may narinig ako. Tinuyo ko ang aking buhok nang marinig ko na ang mga yabag niya na papunta sa aking kwarto kaya hinanda ko ang aking sarili na hindi ako iiyak. Nang pumasok siya ay narinig ko na ang kanyang boses. “Tapos ka na pa lang maligo. Tinawag mo na lang sana ako para naman sabay tayong naligo.” Napangiti ako sa kanya. “Tss. Ang mabuti pa ay maligo ka na rin at gusto kong mamasyal tayo.” “Sure,” sabi niya at pumasok na siya sa banyo. Pagpasok niya ay nakita kong iniwan niya ang kanyang cellphone sa kama at nakita kong umiilaw ito. Narinig kong nagsimula na siyang maligo at kinuha ko ang kanyang cellphone sabay tinignan kung sino ang tumatawag. Nakalagay sa caller ID ang salitang Honey calling at nang sinagot ko ito ay hindi na muna ako nagsalita at pinakinggan ko kung ano ang kanyang sasabihin. “Clark, pwede bang magpabili na rin ako ng gamot sa iyo at kung pwede ay ipunta mo na lamang ito sa bahay pagdating mo mamayang gabi. Sabi pala ng mga bata na miss na miss ka na raw nila at hindi na sila makapaghintay na makita ka. Uhm, hihintayin ka na lang namin sa dati naming pinupuntahan at doon mo na lang kami tignan. See you, Clark.” Pagkatapos ay natapos na ang tawag at nakita kong nag-text pa siya kaya naman ayaw ko man ay blinock ko ang kanyang number sabay binalik ito sa ibabaw ng kama. Saktong paglapag ko ay narinig kong tumigil na ang shower tanda na lalabas na siya kaya naman hinintay ko na lamang siya. Paglabas niya ay tipid akong napangiti at sinalubong niya ako agad ng halik sa aking mga labi. “Bakit hindi ka pa nagpapalit? Akala ko ba ay mamamasyal tayo?” tanong niya. “Hindi pa kasi ako nakapili ng aking damit at saka isa pa talagang hinintay kitang matapos maligo.” Kumuha na ako ng damit sa aking closet at pagtingin ko sa kanya ay kinuha niya ang kanyang cellphone sabay tinignan kung may nag-text siguro. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko alam kung tama iyong ginawa ko na pag-block sa number niya pero ayaw ko lang na may nanggugulo sa amin. Iu-unblock ko rin oras na matapos na kami sa pamamasyal mamaya at gagawin ko iyon ng hindi niya napapansin. Nang makapalit kami ay lumabas kami at tinanong niya sa akin kung saan kami pupunta. Sinabi ko naman na gusto kong pumunta ulit sa amusement park o kaya sa zoo para mag-sightseeing. Gano’n nga ang ginawa namin at halos sinunod niya ang lahat ng mga gusto ko ng walang reklamo. Pagsapit ng hapon ay tinanong ko kung pwede ba kaming pumunta sa tree house bago kami umuwi na siyang sinang-ayonan naman niya. Pagdating namin doon ay pumunta kami sa may duyan sa likod kung saan ay kita namin ang kakahuyan na walang hangganan. Nagkwentuhan at nagtawanan naman kami hanggang sa naisipan kong magtimpla ng juice para sa amin at kumuha ng kunting snacks sa ref. Nang matapos ko itong gawin ay kinuha ko ang tray at paglapit ko sa kanya ay nakita kong nakatingin siya sa kanyang cellphone na nag-aalala. “Ito na iyong snacks. Ano’ng gusto mo?” tanong ko pero nakatingin lang siya sa cellphone. “Clark?” “Yes, chérie?” “Uhm, tinatanong ko kung ano’ng snacks ang gusto mo?” Hindi siya sumagot at muli siyang napatingin sa kanyang cellphone na aking ikinainis. “Bakit parang problemado ka?” “I’m just waiting for a call, chérie. Dapat kanina ko pa na-receive iyon dahil mukhang mal-late ako sa pag-uwi,” sagot niya. “Pag-uwi saan? Kanino? Sa tunay mong pamilya?” tanong ko na hindi nakatingin sa kanya. “Chérie, don’t do that.” “Don’t do what? Don’t do what Clark? Nagsasabi lang naman ako ng totoo ‘di ba? You are waiting for you wife’s call. For your legal wife’s call,” sagot na may halos sarkasmo ang aking boses. “Chérie, may problema ba?” tanong niya at halos napabuga ako ng hangin sabay nanahimik ako at pinipigilan ko ang maluha. “Problema? Magkasama tayo pero iyong utak mo kung saan-saan lumilipad. Nakailang tanong na ako kung ano ang gusto mong snack pero hindi mo ako sinasagot at nakatingin ka sa cellphone mo.” Tumayo na ako at nagsimula na akong maluha. “Hey, look I’m sorry. It’s just that this call is really important chérie.” Napatingin ako sa kanya. “Important? Mas importante pa ba ang tawag ng asawa mo kaysa sa akin? Ako ang kasama mo Clark pero iba ang inaatupag mo. Ano? Nakuha mo lang ako kaya nagiging tapat ka nanaman sa asawa mo? Napagsawaan mo na ba ako kaya lilipat ka na lang ulit sa orihinal mong putahe?” inis kong tanong sa kanya. “Lucinda, stop it. Alam mo na ikaw lang ang mahal ko at wala nang iba. I can’t tell you everything now, but I need you to trust me.” Napailing ako. “Trust? Wait? Hanggang kailan mo ako paaasahin Clark?” Napailing ako. “Kung naghihintay ka ng tawag ng asawa mo pwes huwag ka nang mag-expect dahil walang tatawag sa iyo kahit mamuti pa iyang mga mata mo.” “W-What? W-What do you mean, chérie?” tanong niya. “Blinock ko iyong number ng magaling mong asawa para hindi siya maka-tawag sa atin dahil dapat araw lang natin ito. Gusto ko sa akin lang ang buong atensyon mo dahil narinig kitang kausap mo siya kanina.” Halata ang gulat sa kanyang mga mata at bigla siyang napailing dahil sa aking ginawa. “No, no, no, no, no. s**t! What the hell did you do?” Nagulat pa ako sa pagsigaw niya at bigla akong natameme dahil doon. “Fu*k!” May pinindot siya sa cellphone niya at hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil sa galit sa kanyang mga mata. “Luke, send someone in New York,” sabi niya habang naglalakad ng pabalik-balik. “Now!” Napatingin siya sa akin pagbaba niya ng kanyang cellphone. “Hindi kita mapapatawad oras na may nangyari sa kanila.”

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD