Chapter 25

2063 Words
Lucinda Paggising ko kinabukasan ay mabigat ang aking ulo dahil sa hang over. Paano ba naman kasi ay naglasing ako kagabi at halos naubos ko na yata lahat ng alak na binili ko. Pinilit kong bumangon kahit na parang pinapalo ng martilyo ang aking ulo. Hinanap ko ang aking cellphone at nakita kong alas-tres na pala ng hapon at maghapon akong natulog dahil sa paglalasing. Habang sapo ko ang aking ulo ay napatingin ako sa aking tabi nang may naka-handa nang gamot at tubig para sa sakit ng ulo. Nagtataka man ay kinuha ko pa rin ito at ininom para mawala na ang aking dinaramdam na sakit. Pagkatapos ay pumasok ako sa banyo upang maligo at nang mawala ang pagkalasing dahil nalalasahan ko pa hanggang ngayon ang pait ng alak na aking ininom. Nang matapos akong maligo ay doon ko lang napansin na may nakasabit na rin pa lang damit para sa akin. Doon na ako nag-isip kung ano ba ang nangyari kagabi. Pagkatapos kong magpalit ng aking damit ay lumabas na ako ng kwarto at doon ko lang napagtanto na hindi naman ako uminom sa kwarto kagabi. Nakita ko rin na malinis na ang salas kung saan ay naaalala ko na may mga bote ng alak dapat na nakakalat sa ibabaw ng lamesa. Para mapatunayan ko na uminom nga ako kagabi ay dumiretso ako sa may basurahan at nakita ko nga roon ang mga bote ng mga alak. Napaisip ako at nagpalinga-linga dahil kung gano’n ay may nakapasok dito kagabi ng hindi ko namamalayan. Bigla akong kinabahan at akmang pupunta na sana ako sa pinto upang tignan kung nasira ba ito ay napatingin ako sa aking cellphone na nasa ibabaw ng mesa sa salas. Mabilis ko itong kinuha pero pagkakuha ko ng aking cellphone ay nakita kong may kasama itong papel. Bago ko ito buklatin ay muli akong napatingin sa aking paligid pero wala namang tao kaya naman umupo na lang ako sa ibabaw ng sofa at sinimulang basahin ang liham. Isang pahina ito na back-to-back at ito ang nakasaad sa liham. “Dear Chérie, Sa oras na binabasa mo ito ay marahil alam mo na kung sino ang tanging tao na nag-iwan ng sulat na ito para sa iyo. Aaminin ko na umalis ako ng walang paalam at walang paliwanag at alam kong nasaktan nanaman kitang muli sa pagkakataong ito. Pero ngayon ay iba na dahil kinailangan na kitang layuan. Hindi kita pinipilit na maniwala sa kung anuman ang aking sasabihin sa iyo pero gusto kong malaman mo na mahal kita. Hindi ko man masabi sa iyo sa ngayon ang dahilan ng aking paglisan pero sa huling pagkakataon ay sana magtiwala ka sa akin. Wala ako sa lugar para utusan ka o obligahin ka pero nakikiusap ako na ibigay mong muli ang iyong tiwala sa akin. Oras na matapos ang lahat ng ito, ng problema ko ay pinapangako kong babalikan kita at sa pagkakataong iyon ay hindi na kita iiwan. Mahal na mahal kita, Lucinda. Ikaw lang at wala nang iba pa na mamahalin ko. Kaya hintayin mo ako dahil oras na bumalik ako ay hindi na kita pakakawalang muli. Nagmamahal, Clarence King Whitlock Jr. Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman sa mga panahong iyon dahil hindi ko alam kung karapat-dapat pa bang ibigay ko sa kanya ang aking pagtitiwala. Oo, umaasa ako na babalikan niya ako pero ang tanong ay kailan? Paano? Saan? Hanggang kailan ako maghihintay sa kanya? Paano ako maghihintay sa isang bagay na walang kasiguraduhan? Gusto kong matuwa sa sulat niya na marahil ay may pag-asa pa kaming dalawa pero hindi ko alam kung matutupad pa ba ang lahat ng ito. Napayakap ako sa liham na ginawa niya at doon ko lang naalala ang mga nangyari kagabi. Lasing ako at wala na ako sa tamang huwisyo pero hindi naman ako gano’n kabulag na nakita ko si Clark sa aking harapan kagabi. Noong una ay ang tanging alam ko ay isa lamang siyang imahinasyon ko lalo na at lasing ako kagabi. Marami akong sinabi sa kanya at hindi ko alam kung ano ang mga iyon pero siguro ay puro ito hinanakit kaya naisipan niyang magsulat ng ganito. Pero paano ko malalaman na nagsasabi siya ng totoo gayong wala siyang pinapaliwanag sa akin ni isa? Iintindihin ko na lang ba ang isang bagay na wala man lang akong ideya kung ano ang aking ipaglalaban? Tiniklop ko ang sulat na binigay niya sa akin at napangiti ako dahil mukhang nandito nga siya sa Paris. Hindi ko alam kung sinusundan niya ba ako pero kahit na hindi ko masyadong maalala ang nangyari kagabi ay nagpapasalamat ako na kahit papaano ay nakausap ko siya. Kahit papaano ay nailabas ko lahat ng hinanakit ko sa kanya. Hindi man ito ang klase ng sagot na gusto kong marinig pero pagbibigyan ko siya sa kanyang hiling at maghihintay ako para sa kanya. Kahit na sobrang tagal at kahit na ilang taon ay hihintayin ko siya. Martyr na kung martyr pero mahal ko talaga ang lalaking ito kahit sa maikling panahon ko lamang siya nakasama. Pagkatapos kong mag-emote sa tree house na iyon ay para akong nabuhayan ng loob. Kahit na walang kasiguraduhan ay nangako siya sa akin na babalikan niya ako at nagpapasalamat ako na hindi pa siya sumusuko. Bumalik na ako sa aking condo habang nagv-vlog dahil maganda ang mood ko ngayon. Nang matapos ay agad ko itong pinost at humiga sa aking kama pero agad din akong napabangon nang biglang tumunog ang aking doorbell. Binuksan ko ito at ang unang bumungad sa akin ay ang mga bulaklak kaya bigla akong kinabahan at na-excite na marahil ay si Clark ito. Pero gano’n na lamang ang aking pagkadismaya na mukha itong package at binibigay ito sa akin ng lalaki. “Miss Salazar?” tanong niya. “Ako nga.” “Para po sa inyo.” Binigay niya ito sa akin sabay may pina-pirma lang at umalis na siya. Napatingin naman ako sa isang bouquet ng bulaklak at agad na nakita ang isang card na kulay pula sabay kinuha ko ito at agad binasa ito. ‘To the most beautiful woman. -C’ Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil ang bilis niya naman yatang gumalaw. Alam ko naman na sinusundan niya ako pero super bilis lang. Inamoy ko ito at mabilis ko itong linagay sa flower vase at inayos ito. Habang ginagawa ko ito ay hinugot ko ang aking cellphone sa loob ng aking bulsa nang makita kong tumatawag doon ang aking ama. Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba ito o hindi pero naisip ko na baka bigla siyang mag-alala sa akin. “Hello, Pa?” “How are you, Lucinda?” Napatingin ako sa bulaklak sabay napangiti at sumandal sa may lababo. “I’m fine, Dad. Wala ho kayong dapat ipag-alala sa akin dahil ayos lang ho ako rito sa Paris.” “Hays. I’m just worried that you might not be able to survive on your own after what happened.” Napangiti naman ako. “Salamat sa concern Pa pero mas makakapag-move on po ako kapag mag-isa ako. Isa pa po ay hindi naman na ho ako bata at alam niyo naman na kaya ko ito.” “Mabuti naman kung gano’n. Tumawag lang ako para kumustahin ka at masaya akong malaman na ayos ka lang.” Napatango ako. “Paano ba iyan? Kung may kailangan ka ay huwag kang mahihiya na sabihin ito sa akin. Take care, iha.” “Thanks, Dad. Don’t worry. Kayo po ang nasa may emergency call ko kung sakali.” Nagpaalam na ako sa aking ama sabay binaba ang tawag. Kung alam mo lang kung ano nanaman ang kalokohan at katangahan na ginagawa ko ay baka magalit ka sa akin Papa. Iyan ang sinasabi ko sa aking sarili pero kung anuman ang nangyayaring ito ay sisiguraduhin kong tama ang naging desisyon ko. … Mabilis na lumipas ang isang buwan at sa mga araw na iyon ay halos mapuno na ng mga bulaklak ang aking condo dahil araw-arawin ba naman ni Clark na magpadala ng mga bouquet dito sa condo ko. Pakiramdam ko nga rin ay nadagdagan ang aking kilo dahil nakakaubos ako ng isang box ng mga tsokolate. Kung dati ay puro sneakers ang binibigay niya sa akin, ngayon naman ay kahon ng tsokolate araw-araw at hindi ko mapigilan na kainin ang mga ito. Although masasabi kong sexy pa rin naman ako katulad noong una akong nakita ni Clark sa bar na iyon pero ramdam ko talaga na nadagdagan ang aking timbang. Baka mamaya ay pagbalik na ni Clark ay magulat siya dahil naging butete na ako kapapadala niya ng mga tsokolate sa akin. Pwes kung sakaling gano’n ay huwag siyang magreklamo dahil kasalanan niya kung nagkataon. Katatapos ko lang kumain ulit ng chocolate nang makarinig ako ng doorbell sa aking pinto pero rinig ko na ang boses ni Paris sa labas. Kaya naman mabilis ko siyang pinagbuksan at pumasok siya ng hindi man lang nagpapaalam. “Bar tayo,” sabi niya habang inaalis ang kanyang jacket. “Bar? Hindi pwede,” tanggi ko agad na ikinataas ng kanyang kilay. “Hindi pwede o ayaw mo lang talaga?” Napailing na lang siya sa akin. “Lucinda, really? Halos wala ka na ngang social life tapos aayaw ka pa? Please tell me that you are still waiting for that asshole ex of yours?” “Paris…” sita ko sa kanya at pumunta siya sa kusina. “Fine. I’m sorry. Pero kasama mo naman ako at hindi ka naman mag-isa lang na pupunta lang sa bar. Kung tutuusin nga ay single ka pero tignan mo itong condo mo oh. Kulang na lang magkaroon ka na ng sarili mong flower shop sa dami ng mga bulaklak. At saka lumaman ka na kakakain mo ng tsokolate habang nandito ka lang. Aba baka mamaya niyan ay magkaroon ka na ng diabetes,” panenermon niya sa akin. Simula kasi noong napansin ni Paris na hindi na niya nakikita si Clark ay wala akong choice kung hindi ang sabihin sa kanya ang lahat. Noong una ay nalulusutan ko pa naman pero habang tumatagal ay nauubusan na ako ng alibi. Hanggang sa nahuli nga niya akong nagsisinungaling at sinabi ko sa kanya ang buong nangyari. Noong nalaman niya ay halos isumpa na niya si Clark at sinubukan niya akong i-blind date sa iba pero agad akong umayaw dahil naniniwala ako sa kanya. Kaya naman hindi ko rin masisi si Paris kung nagtatawag siya dahil halos hindi na ako lumalabas. “Lucinda, kaibigan mo ako at ayaw kong magsinungaling sa iyo. Pero gusto kong gumising ka sa katotohanan na pamilyadong tao iyong pinatulan mo at kahit kailan ay hindi siya magiging sa iyo.” Napahinga naman ako ng malalim. “Look. Sige sabihin na natin na hiniwalayan niya iyong asawa niya para sa iyo. Paano na lang iyong mga anak ng asawa niya na walang kikilalaning ama? Maaatim ba ng konsensya mo na agawin ang ama nila dahil lang sa pinaglalaban ninyong pagmamahal ninyo sa isa’t isa?” “P-Pero nangako siya sa akin na magagawan niya ito ng paraan. Isa pa hindi ko naman siya pipigilan na maging tatay sa mga anak niya e. Magiging maayos lang ang lahat.” Umiling siya ng dahan-dahan sabay hinawakan ako sa magkabilang mga braso ko. “Lucinda, you don’t deserve to be the second option. You deserve to have the best. Hindi iyong ganito na nagtitiis ka sa isang pangako na ang hirap tuparin. You are wasting a lot in your life because of that guy. Kaya please, habang maaga pa at hindi pa huli ang lahat ay bitawan mo na siya. “Huwag ka nang kumapit sa isang tali na alam mong paputol na dahil ang bagsak mo ay masasaktan ka lang. I’m telling this to you because I am your friend, and I want the best for you. I don’t want you to get hurt, okay?” Napatango ako ng isang beses sa kanya. “Kung magbago ang isip mo at gusto mo pa ring sumama sa akin ay tawagan mo lang ako at susunduin kita.” “Okay. Thanks.” Pagkasabi ko nun ay umalis na siya at naiwan akong nag-iisip ng malalim. Iniisip ang mga sinabi niya dahil totoo naman. Pero ang tanong ay kaya ko na ba talaga siyang bitawan gayong parang wala namang patutunguhan ito? Ano’ng gagawin ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD