LIEGH Nagising ako ng naramdaman kong may nag-uusap malapit sa akin pero pinili ko ang huwag ipaalam sa mga ito na nagkamalay na ako. Malinaw sa isipan ko ang lahat ng nangyari kaya hangga't maaari ay ayaw kong makipag-usap sa kahit na sino lalo na at alam ko naman na walang dapat pagkatiwalaan sa mga tao sa paligid ko. "Sir, magigising na po siya any moment, stable na po ang kondisyon niya," sabi ng malamyos na boses ng babae sa paligid. "How long does she need to stay here?" tanong ni Declan sa kausap. "It depends kung kailan po siya magigising." Saglit na natigil ang usapan bago muli ay narinig ko si Declan na nagsalita. "Alright, how about her leg?" Nag-isip ako kung bakit kailangan niyang tanungin ang tungkol dito. Saka ko lang naalala na mukhang na dislocate nga pala ang but