LIEGH Kanina pa ako panay ikot pero hindi ko mahanap ang lintik na kape ni Declan. Dito ako itinuro ng malditang secretary niya kaya kahit hirap akong maglakad mahahanap dito ay hindi ako sumuko. Finally natagpuan ko ang canteen ng kumpanya. Agad na nag-order ako pero natigilan ako ng maalala na wala nga pala akong hawak na pera. "Miss, heto na ang kape mo, kukunin mo ba o hindi?" tanong ng babae sa cashier ng makitang natigilan ako. "I'm sorry, wala pala akong dalang pera," namumula sa hiya na sagot ko sabay kamot sa ilong. Napailing naman ang babaeng kaharap ko na akmang kukunin ang kape para ibalik na lang siguro pero pinigilan ito ng lalaking kasunod ko sa pila. "It's okay, I'll pay," sabi nito na matamis na ngumiti sa akin. Nabuhayan ako ng loob kaya nagpasalamat ako at inabot