LIEGH Maghapon akong nagkulong sa silid pagkatapos ng argumento namin ng pekeng asawa ko sa dining table. Hindi ko nakita ni anino ni Declan bagay na nagpapasalamat ako dahil saglit na nagkaroon ng katahimikan ang buhay ko. Palubog na ang araw ng bumaba ako. Kumakalam na ang sikmura ko at hindi ko na rin kayang tiisin ang gutom kaya bumaba ako. Wala si Declan sa sala kaya kahit paano ay gumaan ang mabigat na hakbang ko. Wala kahit anino niya sa buong bahay kaya agad na tinungo ko ang kusina para kumain dahil nanginginig na ako sa gutom. Tama si Declan, halos walang laman ang sikmura ko. Hindi naman ako kumain talaga ng maayos kagabi dahil sa sobrang tensyon at takot na rin sa mga nangyari sa bahay na pinanggalingan ko bago nagmadaling umalis kasama siya. Hindi ako nag-abalang hanap