LIEGH
Isang linggo akong nakasunod sa lahat ng detalye na nakuha ko tungkol kay Declan Madrigal pero ang lupit yata ng tadhana dahil nahuli ako ng bodyguard nito habang nagpapanggap na pulubi at nanghihingi ng limos.
Muntik na akong itapon palayo sa compound ng high rise building ng lalaking sinusundan ko kung hindi lamang ito bumaba sa sasakyan ng humarang ako sa daan habang papalabas ang sinasakyan nito at sinabi sa tauhan na pabayaan na umano ako matapos bigyan ng limos.
Muntik na akong masagasaan pero buwis buhay na ginawa ko ang misyon ko para masilip ang loob ng sasakyan nito pero malas yata ako at hindi umayon sa akin ang tadhana.
Nanakit ang leeg ko kakahintay sa kan'ya lumabas ng building para makita ko lamang kung sino ang kasama niya sa loob ng sasakyan pero ang malas ko dahil wala akong na aninag kahit anino ng kung sino sa kasama nito dahil sa itim na kulay ng lahat ng bintana sa sinasakyan ni Declan Madrigal.
"Kainis," bubulong-bulong na sabi ko habang nagpupunas ng pawis sa noo.
Matinding paghahanda pa naman ang ginawa ko para maging effective ang plano ko pero walang nangyari.
Naghanap pa ako ng may uling na kaldero sa kapitbahay para magmukhang marungis ang itsura ko at hindi nagsuklay mula kahapon pero isang libo lamang ang nasa palad ko ngayon ang napala ko.
Sa araw-araw na pagsunod ko dito ay wala akong nasagap na kahit anong pwedeng gawing balita. Bahay at trabaho lamang ang karaniwang routine nito. Maaga kung pumasok at late na kung umuwi sa kanila.
Inis na pumara ako ng taxi pero wala kahit isa ang tumigil. Saka ko lang naalala na mukha nga pala akong basurera kaya kahit dyip ay hindi nag-abala na tumigil ng parahin ko.
Minabuti ko na maghanap ng public restroom para magbihis. May dala naman kasi akong damit na laman ng plastic bag na dala ko.
Matulin na lumipas ang tatlong araw pa. Panay na ang kulit ng editor ko lalo na at malapit na naman matapos ang buwan kung saan ay darating na naman ang petsa ng sahod namin.
"Wala pa bang balita sa trabahong ginagawa mo Liegh? tanong ni Miss Blanco na siyang chief editor namin dito sa publishing.
"Ginagawa ko pa po ma'am," magalang na sagot ko.
"I guess you need to stop, Liegh. We're running out of time, the same as our resources. Hindi ko rin alam kong kaya ka pa naming pasahurin next month dahil halos wala na tayong kinikita," malungkot na pahayag nito.
Kinabahan ako, ito na ang totoong banta sa trabaho at kinabukasan ko. Alam ko na isa ako sa naiwan na writer dito sa kumpanya dahil higit na malimit ang sahod ko kumpara sa mga batikan na manunulat dito sa publishing na unti-unting nawala at lumipat ng trabaho.
Madali lamang sa kanila na gawin iyon dahil bukod sa matagal na sila ay kilala na ng publiko kaya kahit lumipat ng trabaho ay ayos lamang hindi tulad ko na bagong sibol at pahirapan makapasok sa ibang kumpanya.
"Hayaan n'yo po ma'am, bukas na bukas po ay ipapasa sa inyo ang report na nakuha ko tungkol kay Declan Madrigal," matatag na sagot ko.
Hindi ako sigurado kung anong klase ng report ang gagawin ko pero nasa gipit na sitwasyon na ako kaya gagawa ako ng paraan para maisalba ang trabahong matagal na pinaghirapan kong makamit.
"Sige, mabuti kung gano'n. Make it fast, send it to my email as soon as possible," sabi nito bago ako iniwan sa table ko.
Agad na hinarap ko ang computer sa harap ko. Panay ang tipa ko para makabuo ng sentence para sa article na sinusulat ko kaya lang ay ilang bura at subok ako pero binura ko ulit dahil hindi maganda ang article na nabuo ko.
Frustrated na napatingin ako sa mukha ni Declan Madrigal sa ibabaw ng mesa ko. Hindi maitatanggi na istrikto at masungit ito. Ramdam ko base sa larawan na nakikita ko kung gaano siya ka seryoso sa larawang tinitingnan ko.
Habang nakatitig sa larawan nito ay makabuo ako ng isang ideya na biglang umilaw sa magulong takbo ng utak ko.
Agad na nagtipa ako at sinulat ko ang lahat ng laman ng isipan ko ngayon. Sigurado akong base sa personality niya ay malaking balita itong ginagawa ko ngayon.
Marami ang magugulat at magkaka-interest sa kan'ya bagay na malaki ang magiging ambag nito sa publishing company na pinagtatrabahuhan ko ngayon.
Muli ay pinasadahan ko ang headline na ginawa ko. Napangiti ako dahil very catchy ito at maging ako na nagbabasa ngayon ay nakuha ng headline ang interest ko.
Isang finals revision pa ay tinapos ko na ang sinulat kong balita. Gusto kong dagukan ang sarili ko dahil naghirap pa ako kakasunod kay Declan pero wala naman akong ibang napala maliban sa ilang picture na nakuha ko mula sa ilang distansya sa kinaroroonan nito.
Sa higpit kasi ng bantay at mga bodyguard niya na akala mo ay isang presidente ng bansa ay mahirap siya talagang lapitan kaya lihim na nagbubuyi ang kalooban ko ng makunan ko siya ng ilang larawan na tila hinahalikan ang bodyguard niya na yumuko at mukhang may binulong sa kan'ya.
Alam ko na kapag binigay ko ito sa editor ko ay agad na ilalabas ito bukas kung papasa at mai-print na kasama sa balitang lalabas sa tabloid.
"Ayos na ito," bulong ko matapos ilagay ang attachment sa email na pinasa ko sa editor ko.
Kahit kinakabahan ay sumigi ako kahit pa malakas ang kabog ng dibdib ko.
To be honest, hindi ako sanay sa ganito pero dahil nasa gipit akong sitwasyon ay sumige ako. Usually naman ay sanay na ang gaya ni Declan Madrigal na ma-feature sa dyaryo, magazine at balita sa television kaya tiwala ako na balewala lamang dito ang lahat.
Sigurado na hindi si Declan mag-aaksaya ng panahon na hanapin ako lalo na at ang pekeng pen name ko lang naman ang gamit ko.
Matapos ang trabaho ay umuwi ako, laking tuwa ko ng buksan ko ang email ko at mabasa na approved na sa editor ko ang balitang sinulat ko.
Magaan ang pakiramdam ko na natulog kaya naman good mood ako nang magising kinabukasan. Agad na binuksan ko ang cellphone ko at laking tuwa ko ng mabasa ang message ng editor ko at sinabing sold out ang bagong release na news paper namin ngayong umaga.
Kung sabagay by this time ay may resulta na ang balitang inilabas namin lalo na at alas-nueve pa pala ng umaga.
Normally kasi alas-kwatro pa lang ang nasa distributor na ang mga bagong release na kopya at sa mga oras na ito ay nakakatuwa na malaking quantity umano ang ni-request ng mga distributor namin.
Masaya at nakangiti na pumasok ako sa loob ng kumpanya. Agad na pumunta ako sa department ko pero hindi ko inaasahan na narito ang may ari ng publishing house na personal na binati ako at sinabing isa pala akong hidden gem na ngayon lang nila napansin.
"Sana magtuloy-tuloy na ang magandang sales natin ngayong buwan. Congratulations Liegh, maganda ang naging feedback sa article na ginawa mo," sabi ng editor ko ng tawagin niya ako sa opisina para ipakita ang resulta ng trabahong ginawa ko.
Nasa front page ng tabloid ang malaking headline ng balitang ginawa ko.
Billionaire and CEO Declan Madrigal, bakla!
Sa baba ng malaking caption ay nakapost ang larawang nakunan ko sa isang high end restaurant na tila may kahalikan ito na alam ko naman na tauhan nito.
Sa larawan ay masasabi na malaswa ito at talagang binigyan ng ibang kahulugan pero alam ko naman na hindi ito totoo lalo na at ako mismo ang nakasaksi sa tagpong kinunan ko.
Binuklat ko ang first page at naka-publish din pala maging ang ibang larawan na kinunan ko sa iba't-ibang angulo habang pababa ito ng sasakyan na tila inalalayan pa ng bodyguard na siya rin ang kasama sa unang larawan na naka-post sa front page.
"Very good, Liegh. Pinatunayan mo na maasahan ka talaga at hindi ako nagkamali na ibigay sa'yo ang trabahong ito. Keep up the good work," masayang sabi ng editor ko na si Miss Blanco.