CHAPTER 3

1480 Words
LIEGH Dalawang araw ang lumipas. Naging maganda ang sales ng mga bagong tabloid na inilabas ng publishing company na pinapasukan ko. Tulad ng mga nakaraang araw ay nasa front page pa rin ang ilan sa larawan ni Declan Madrigal na nakuha ko noong nakasunod pa ako sa bawat kilos nito. Tumaas din ang sales more than eighty percent ayon sa daily sales report kaya naman talagang nagbubunyi ang buong department dahil ibig sabihin lamang nito ay may trabaho pa kaming babalikan sa mga susunod na araw at higit sa lahat ay hindi matutuloy ang banta na tuluyan nang magsasara ang kumpanya. "Uy Liegh, hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Jolina, isa sa mga co-writer ko. "Tapusin ko lang ito, malapit na," sagot ko na hindi ina-alis ang mga mata sa monitor sa harap ko. May follow up article kasi akong ginawa tungkol kay Declan Madrigal ayon na rin sa request ng editor ko na malaki umano ang magiging ambag nito sa sales ng kumpanya. Matapos na ma-finalize ang article na sinulat ko ay pinadala ko na ito sa email ng editor ko at agad na lumabas ng opisina para umuwi. Abala kasi kami maghapon dahil sa tambak na trabaho at mahabang meeting na pinag-usapan lang naman ay kung paano mapapanatili ang mataas na sales at ibang changes na rin sa publishing. Nakalimutan ko na ang oras dahil sa naging abala ako. Malapit ng mag-alas nueve ng gabi kaya pala kanina pa panay ang aya sa akin umuwi ni Jolina. Minabuti kong kumain sa isang fast-food restaurant katabi ang building ng publishing house na pinapasukan ko dahil alam ko na wala na naman akong oras para magluto. Baka nga kung hindi ako kakain sa labas ay baka noodles na naman ang dinner ngayong gabi lalo na at masakit ang ulo ko at pagod ako. Dahil sanay na ako na ganito ang daily routine ko ay walang pakialam sa mundo na naglalakad ako sa isang eskinita papasok papunta sa apartment ko without knowing na may dadatnan akong tao sa loob na naghihintay sa akin. Laking gulat ko ng buksan ko ang pintuan at pumasok. Nanlalaki ang mga mata na nakatingin ako sa taong hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon sa loob ng apartment ko ng bumaha ang liwanag ng ilaw ng buksan ko ito. "Don't you dare shout, close the door!" matigas ang tinig na utos nito sa akin. Dahan-dahan na isinara ko ang pintuan pero hindi ko ni-lock dahil natatakot ako sa posibleng gawin sa akin ng lalaking seryoso ang mukha na para akong daga na kakainin niya sa hapunan kung tingnan ako. Malakas ang kaba na nakatayo ako ng tuwid habang pilit na nilalabanan ang malakas na kabog ng dibdib ko. "Sino ka at paano ka nakapasok dito?" lakas loob na tanong ko. "I'm so sure na kilalang-kila mo na ako at hindi ko na kailangan na ipakilala ang sarili ko sa'yo, right miss writer?" Natigilan ako sa narinig na sinabi nito. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko ang mahanap ako ng lalaking ito. "I'm sorry pero hindi kita kilala mister. Makakaalis ka na," pilit at lakas ng loob na sagot ko. "Really Miss Gallego? Hindi mo talaga ako kilala?" naka-ngisi na tanong nito sabay tayo. "I'm not here to play games with you," seryoso na sabi nito. "A-anong kailangan mo?" na uutal na tanong ko. Nakakatakot kasi ang madilim na awra nito maging ang malakas na personality na alam kong mapanganib sa tulad kong gumawa ng hindi maganda laban sa kan'ya. Sinuri nito ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa kaya napalunok ako at parang tuod na nakatayo sa harap nito ng makalapit siya. "Tell me Miss Gallego, where did you get the idea of me being gay?" mapanganib na tanong nito. Napa-kurap ako, heto na ang kinatatakutan ko at sa pagkakataon na ito ay tila ayaw gumawa ng matinong bahagi ng utak ko. "Ano ba ang pinagsasabi mo? Hindi kita kilala," kagat-labi na sagot ko. Ang hirap magkunwari at lalong magsinungaling ng harapan. Kung hindi kasi ako na gipit dahil mawawalan na ako ng trabaho ay hindi ko talaga gagawin ang bagay na 'yon. "Still lying? Akala mo ba hindi kita mahahanap kahit pa nagtatago ka sa pen name mo? For sure you don't know me very well, right Miss Gallego?" Nanginginig ako, ito na ang moment of truth. Gustuhin ko man na baguhin ang nangyari at ginawa ko ay hindi na pwede lalo na at nasa harap ko na ang tila leon na handa akong lamunin sa mga oras na ito. "I have money and resources, I have huge power to track you, even your whole family in Davao." Namutla ako at nanlalamig ang pakiramdam ko sa mga paa at kamay ko. Matinding takot ang rumagasa sa buong katawan ko dahil malaking problema ang ngayon ay sumabog sa harapan ko. "A-anong ibig mong sabihin? Ano ba ang gusto mo?" hindi magkamayaw sa kaba na tanong ko. "Three hundred million Miss Gallego kapalit ng pagsira mo sa pagkatao ko at sa reputation ko," pormal na sabi nito. Awang ang labi na napatingin ako sa mukha nito. God, saang sulok ako ng mundo maghahanap ng gano'n kalaki na halaga? Kahit ibenta ko ang sarili ko at maging ang buong angkan ko ay hindi ako makalikom ng amount na sinabi niya. Napayuko ako, hindi ko kayang patuloy na tingnan ang matalim na mga mata niya na parang blade na humihiwa sa pagkatao ko. "I'm sorry sir, wala po akong kakayahan na magbayad ng three hundred million. Alam ko na alam mo 'yan dahil pinaimbistigahan mo na ako at ang pamilya ko," nanghihina na sagot ko. "Alright, madali akong kausap. Ihanda mo ang sarili mo sa pagpasok sa kulungan. Ipapasara ko right away ang pisteng kumpanya na pinapasukan mo at sisingilin ko ang buong pamilya mo hanggang sa pinakamaliit na centavo. Sisiguruhin ko na makukuha ko ang danyos sa perwisyo na ginawa mo sa akin," matigas na sabi nito sabay hakbang papunta sa pintuan. Daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig at binagsakan ng langit at lupa sa narinig ko na sinabi ni Declan Madrigal. I can't let him walk out of my door dahil kapag nangyari iyon ay katapusan na ng lahat sa akin at damay maging ang mga taong mahal ko at nakapaligid sa akin. "I'm so sorry po sir, baka may iba pa pong paran. Wag mo naman sana idamay dito ang pamilya ko maging ang kumpanya na maraming pamilya ng mga empleyado ang umaasa dito," nagmamakaawa na pakiusap ko. Hindi ito agad sumagot dahil matalim na tiningnan ang dalawang nanginginig na kamay ko na nakahawak sa braso nito para pigilan siyang lumabas sa apartment ko. "Hindi mo gugustuhin kahit alin sa option na ibinigay ko sa'yo Miss Gallego," walang ka ngiti-ngiti na sagot ni Declan Madrigal na nakatitig sa mukha ko. Nakakatakot ang paraan kung paano niya ako tingnan. Nagbabaga ang mga mata sa galit at hindi maitatanggi na nagpipigil ito para hindi ako saktan physically. Hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa nito matapos pumulupot sa bewang ko ang kanang braso niya at ang isa ay mabilis na nasapo ang batok ko. Isang mariin at mapag-parusang halik ang naranasan ko. Masakit, pilit at halatang walang ingat na sinibasib niya at ginalugad ng bawat sulok ng bibig ko hanggang sa lubayan nito matapos ang muntik na kaming maubusan ng oxygen sa baga pareho. "I have many ways to prove to you that I I'm far different from the malicious article you created Miss Gallego," bulong nito ng pakawalan ang labi ko at gahibla ang layo ng mukha namin. Hindi ako nakasagot habang naghahabol ng hininga na napatitig muli sa mga mata nito na alam kong hindi maganda ang impresyon sa akin na nakatingin sa mukha ko. Nawindang ako, gusto kong umiyak at maglupasay sa sahig sa kalagayan ko ngayon. Malaking gulo ang na pasok ko at lalong masakit sa ulo ang problemang kinakaharap ko. "A-anong-" Hindi ko na natapos ang dapat sana ay tanong ko ng ngumisi ito pero mabilis na sinunggaban ulit ang awang na labi ko. "Parurusahan kita sa paraang alam ko para patunayan ko sa'yo na malaking pagkakamali ang pekeng balita na ikinalat mo sa publiko para sirain ako at gamitin para isalba ang basurang kumpanya na pinapasukan mo," mariin na bulong nito ng pakawalan ang labi ko at napunta sa punong-tenga ko. Gusto kong magtanong kung paano pero wala akong lakas ng loob lalo na at kulang na lang ay mabali ang buto sa katawan ko ng bigla niya akong isandal sa dingding at idiin ang sarili sa akin. Alam ko na hindi bakla si Declan Madrigal lalo na at pinatunayan ito nang bahagi ng katawan niya na tila galit na galit sa pagitan naming dalawa habang nasa leeg ko ang mainit na labi nito at gigil na panay ang masahe ng mga kamay sa dalawang dibdib ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD