LIEGH
Nanginginig ang mga binti at kagat labi na pinigilan kong 'wag mapahagulhol sa mga oras na ito. Bilang babae, ang sakit sa part ko na nakararanas ako ng ganito pero hindi ko naman masisisi si Declan dahil na provoke ko siya dahil gawa-gawang balita na kumakalat ngayon.
Nakahinga ako ng malalim ng maramdaman ko na tumigil sa Declan at bahagyang lumayo sa akin. Alam ko na hindi maayos ang itsura ko sa harap niya lalo na at wala akong kahit katiting na saplot ang nakatakip sa maselang bahagi ng katawan ko. Lahat ay nakawakan niya at hindi ko naitago sa matalim na mga mata niyang puno ng galit at pagbabanta na nakatingin sa akin.
Nanghina, kasabay ng panginginig ng buong katawan na tumayo ako. Masakit ang dibdib ko dahil sa naging marahas siya pati na rin sa hiyas ko pero pinili ko ang humakbang para pumasok sa silid ko.
Pakiramdam ko ay doon lamang ang safe zone ko kung saan ay hindi ko makikita ang matigas na mukha ng lalaking kaharap ko.
"Trying to escape huh, Miss Gallego?" tanong ni Declan kaya umiling ako.
Nakatayo siya ng tuwid habang nakapamulsa at namumula ang leeg na parang walang nangyari at ginawa sa akin kani-kanina lamang.
"I just need to wear clothes," sagot ko para makaalis sa harapan niya.
Sino ba naman kasing matinong babae ang handang makipag-usap ng hubo't hubad sa lalaking basta na lang pumasok dito at ngayon ko lang nakaharap at wala man lamang pakialam kung anong hitsura ko sa harap niya ngayon.
"I'm not going to waste a single time here anymore, Miss Gallego. Come to my office, as soon as possible or else…"
Pinagmamasdan niya ang reaksyon ng mukha ko na tila ba gustong makita kung ano ang impact sa akin ng salitang binitiwan niya lalo na at pinutol ni Declan ang karugtong nito. Alam ko naman na pagbabanta ito kaya kahit hindi niya sabihin ay sigurado na ako.
"Or else, prepare for the worst!"
Hindi nga ako nagkamali dahil nginisihan ako nito sabay talikod at walang pakialam na naglakad palabas ng pintuan ng apartment ko na dali-dali kong tinakbo para i-lock kahit pa nakahubad ako sa takot na baka magbago ang isip niya at bumalik para pahirapan ako.
Malinaw na nakita ko ng sumilip ako sa siwang sa bintana kung paano pinag-buksan si Declan ng lalaking naka-itim habang ang ilan ay sabay-sabay na pumasok sa mga magarang sasakyan saka parang bula na nawala matapos humarurot paalis.
Agad na tumakbo ako sa maliit na banyo at naligo. Pakiramdam ko ay ang sama kong babae. Hinayaan ko siyang gawin ito sa akin out of guilt and also dahil na rin sa wala akong magawa at mapagpiliian kanina.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagkita kami ni Declan at ang namagitan sa aming dalawa. Ewan kung anong nakita ng mga babaeng nagkakandarapa sa kan'ya gayong kung ugali ang pagbabasehan ay bagsak siya.
Hindi ko gugustuhin na makitang muli ang pagmumukha niya. Bukod sa suplado at napaka-arogante nito ay mukhang kung umasta ay pag-aari niya ang mundo. Siguro sanay siyang nasusunod kaya kung ituring niya ako kanina ay parang basahan.
That jerk, kung hindi lang dahil sa may kasalanan ako ay nungka na hahayaan kong mangyari sa akin ang bagay na ito. Kailangan ko pa tuloy maligo kahit late na dahil ang walang hiyang Declan na 'yon nang maramdaman niyang nag-build ang init sa katawan ko ay tinigilan niya ang ginagawa at na bitin ako.
Kahit naman wala pa akong karanasan sa s*x ay may alam naman ako sa kung anong naramdaman ko kanina lalo na at marami na ngayon ang nakikita na ganyan sa social media.
Sa totoo lang nahihiya ako, hindi ko kayang humarap kay Declan dahil sa nakita niya ang kahinaan ko.
Nakakatakot ang lalaking iyon. Para siyang susugod sa giyera na pumunta dito kasama ang mga tauhan na sa tingin ko ay higit sampo dahil kasunod niyang sumakay sa sasakyan at ang iba naka-conboy pa.
Inis na nagpupunas ako ng tuwalya sa katawan. Kung bakit ba naman kasi siya pa ang napili ng editor ko na sundan ko at gawan ng kwento heto tuloy ang inabot ko.
Pabagsak na umupo ako sa kama habang malalim na nag-iisip. Naputol lamang ito saglit ng nag-ring ang cellphone ko at nakita na ang managing derector ng publishing house mismo ang tumatawag sa akin.
"Sir, good evening," magalang na bati ko kay Mr. Hanz.
"Come to my office tomorrow early, don't be late, Miss Gallego."
Kinabahan ako, malakas na kabog ng dibdib ang nararamdaman ko at hindi ko mapigilan ang 'wag matakot dahil may ideya na ako kung bakit niya ako pinapupunta sa opisina ng boss ko.
Bigla ay naisip ko si Declan. Hindi kaya may kaugnayan siya kung bakit ako pinatatawag ng big boss ko sa opisina niya ng gano'n kaaga?
Natatakot ako na baka totoo ang hinala ko dahil sigurado ako na kung nahanap ako ni Declan, imposible na hindi niya unahin ang kumpanya na pinapasukan ko.
"Gosh, Liegh. Ano bang problema itong ginawa mo?" nakapikit ng mariin na tanong ko sa sarili ko.
Alam ko na hindi titigil si Declan dahil malaki ang nawala sa kan'ya ng dahil sa ginawa ko at nakakasiguro ako na ang pub house ang unang mananagot sa kan'ya dahil kami ang nagkalat ng malisyoso at mapanira na balitang ako mismo ang gumawa.
Hindi ko alam kung paano ako dinalaw ng atok dahil halos inumaga ako kakaisip kung paano ko haharapin ang problemang kinakaharap ko ngayon. Sa tatlong option na binigay ni Declan, dalawa lamang doon ang pwede kong pag-piliian.
Wala akong kakayahan magbayad sa kan'ya ng gano'n ka laki na halaga kaya ethier ako mismo ang pupunta sa prisento para sumuko sa mga pulis at makulong or papayag akong maging babae niya hanggang sa gusto niya.
Kinaumagahan maaga akong na gising. Masakit at magaan ang pakiramdam ko sa ulo lalo na kulang ako sa tulog at panay ang isip ko sa problemang kinakaharap ko ngayon.
Masyadong maliit ang two days para makahanap ako ng paraan pero hindi ako nawawalan ng pag-asa na maayos ang lahat.
Pumasok ako sa publishing house at agad na pumunta sa opisina ni Sir Hanz. Kailangan ko siyang nakausap dahil baka may magawa siya sa kasalukuyang problema ko lalo na at empleyado naman niya ako at pananagutan ng kumpanya ang lahat dahil sila naman ang nakaisip at nag-utos sa akin na sundan s Declan Madrigal.
"Sir," magalang na bati ko ng pumasok ako matapos marahang kumatok.
"Sit down, Miss Gallego," pormal na sabi nito pero hindi maikakaila na mabigat ang dinadala niyang problema tulad ko.
"Tatapatin kita, maganda ang article na sinulat mo dahil malaki ang naging sales at profits natin but to tell you the truth, kailangan na nating isara ang kumpanya," malungkot na sabi nito.
Nalungkot ako, alam ko na malaking bahagi ng pagkatao ni Sir Hanz ang publishing house lalo na at mula ito sa kan'yang mga magulang na ilang ulit ipinaglaban 'wag lamang tuluyang nagsara pero heto dumating kami sa pagsubok na mahirap lusutan.
"Hindi po ba natin na abot ang target na sales?" malungkot na tanong ko.
"Not like that, in fact, malaki ang kinita natin but we can't continue anymore."
Natigilan ako, may hinala ako na may kaugnayan si Declan Madrigal dito lalo na at alam ko kung ano ang kaya niyang gawin. Ang walang konsensya na lalaki na iyon, nakita ko kung anong uri ng nilalang siya dahil sa ginawa niya sa akin.
Hindi man lamang niya na isip kung ano ang mangyayari sa mga maliliit na empleyado na umaasa dito basta magawa niya ang gusto. Pinili ko na lang na 'wag ng sabihin kay Mr. Hanz ang problema ko dahil sa tingin ko ay wala rin naman siyang magagawa dahil siya mismo ay kasama kong kinasuhan ni Mr. Madrigal.
"I'm sorry sir, it's my fault. Please, forgive me," nangingilid ang luha na sabi ko.
Iniisip ko ang mga kasamahan kong empleyado sa kumpanya na ito. Alam ko na konti na lang kami pero lahat ay umaasa sa publishing house na ito gaya ko pero ganito ang kinahinatnan ng dahil sa pagiging iresponsable ko.
"Lahat tayo may kasalanan nito, hinayaan ko ito at maging ang desisyon ng head editor mo. It's okay, malalagpasan din natin ito, haharapin ng kumpanya ang kaso pero kailangan rin natin itigil ang operasyon ng publishing house."
Lulugo-lugo akong lumabas sa opisina ni Sir Hanz. Pigil ang luha na nag-impake ako ng mga gamit sa mesa ko at nilagay sa kahon para dalhin pa uwi. Sarado na ngayon ang publication kaya konti lang ang mga employees na narito para kumuha ng gamit gaya ko kaya hindi na ako nakapag-paalam sa mga kasamahan ko.
Lutang na nakarating ako sa bahay. Inabot na ako ng hapon pero walang pumapasok na matinong ideya sa isipan ko. Knowing na nagsara ang kumpanya at wala akong ibang option ngayon kung 'di ang maghanap ng panibagong trabaho dahil kailangan kong magpadala sa probinsya para sa pag-aaral ng mga kapatid ko ay talagang lutang ako.
Mariin na nakapikit habang nakasabunot ang buhok ang dalawang mga kamay ko. Nakaupo ako sa dulo ng kama at frustrated na pilit kinakalimutan ang lahat dahil konti na lang ay alam kong nababaliw na ako sa labis na pag-iisip.
Malakas na tunog ng cellphone sa tabi ko ang gumulantang sa akin. Pinahid ko ang luha at agad na sinagot dahil number ito ni mama na alam kong hindi basta tatawag kung wala siyang kailangan at hindi magandang nangyari sa kanila.
"Ma, kumusta ka po?" tanong ko agad dahil ayaw kong magsayang ng minuto lalo na mahal ang bayad sa load.
"Anak, 'wag kang mabibigla," Sabi nito mula sa kabilang linya.
Kinakabahan at malakas na kumakabog ang dibdib ko. Sa ganitong tono ni mama ay sigurado na akong may hindi magandang nangyari nga sa kanila sa probinsya.
"Ano po 'yon, 'ma?" agad na tanong ko.
Hindi na kasi ako makapag-hintay na malaman kung anong dahilan at biglang tumawag siya. Malimit ako ang tumatawag sa amin tuwing linggo dahil ubos lagi ang budget ni mama kaya mahirap para sa kan'ya ang bumili ng load.
"Anak, si papa mo," humihikbi na sabi nito.
"Ano po ang nangyari kay papa?"
"Nagkaroon ng gulo sa bukid dahil may bumisita na mayaman doon at sinabi na sila na ngayon ang tunay na may ari ng lupa. Nagalit ang papa mo dahil matagal na niya itong sinasaka tapos ngayon lang sila dumating dahil nabili umano ng bagong may ari sa government ang lupa."
Nanghihina na nasapo ko ang noo ko. Bakit ba kapag dumating ang kamalasan ay sabay-sabay pa? Ngayon pa talaga 'to nangyari ngayong wala akong trabaho at may sariling problema rin na kinakaharap.
"Mama, kumusta si papa ngayon?" nag-aalala na tanong ko.
"Hindi niya matanggap ang nangyari, sumakit ang dibdib dahil sa galit. Natatakot ako na baka atakihin sa puso lalo na at kabilin-bilinan ng doktor na 'wag siyang maging emosyonal gaya ng nangyayari ngayon."
Alam ko na affected si papa sa nangyari na ito lalo na at buong buhay niya ay sa bukid siya umasa. Alam ko na nag-apply siya ng ownership at nasa agreement na magbabayad kami buwan-buwan kaya nakakalungkot na ganito ang nangyari.
"Sino po ang nakabili ng lupa, mama?" nangingilid ang luha na tanong ko.
Naawa kasi ako sa mga magulang ko lalo na at ginawa ni papa ang lahat para mapalago ang mga tanim sa bukid tapos biglang may susulpot na bagong may ari at aangkinin ito ng gano'n na lamang.
"Hindi namin kilala anak. Ang alam ko lang ay mayaman ang bagong may ari at binili maging ang mga kalapit na lupa para umano gawing hacienda," malungkot na paliwanag ni mama.
"Wala ba tayong magagawa para mag-apela sa munisipyo, mama?" tanong ko habang nag-iisip ng pwede naming gawin.
"Wala anak, may pirma ni mayor ang kasulatang hawak ng lalaking pumunta dito. Malaki umano ang binayaran sa munisipyo at wala tayong laban sa kanila."
Lalong sumakit ang ulo at maging ang dibdib ko. Ito ang masaklap na katotohanan na pinanganak kang mahirap. Tatapakan ka dahil may pera sila at kayang bilhin ang kahit ano dahil mayaman sila.
"Paano na tayo ngayon anak? Malapit na rin matapos ang school year, kailangan ng magbayad ng kapatid mo sa school para maka-graduate siya ng highschool.
"Gagawa po ako ng paraan para makabayad tayo sa utang natin sa school ni Andrea, mama. Kayo po muna ang bahala kay papa," sabi ko.
"Sige anak, kukuha rin ako ng maraming labahin kay Mrs. Roces para may income ako at may magamit kaming pera dito."
Naantig ang puso ko sa kalagayan ng pamilya ko pero wala akong magawa sa ngayon kung 'di ang makisimpatya. Nasasaktan akong marinig na kailangang magpakahirap ng mama ko sa araw-araw na labahin sa mansyon ng mga Roces gayong may edad na siya.
Hindi ko nagawang pigilan ang mga butil ng luha na bumagsak sa pisngi ko. Alam kong pagsubok lamang sa amin ito pero bakit sabay-sabay naman at nangyari pa ito ngayong wala akong trabaho.
Ayon kay Sir Hanz, may malaking kasong nakasampa laban sa publishing house at kailangan ng magsara ayon na rin sa subpoena na ipinakita sa kan'ya ng pulis na pumunta at abogado ni Declan Madrigal.
He didn't ask for any settlement, kinasuhan niya ang kumpanya at kasama ako kahit pa pen name ko lang ang gamit ko. Alam ko na malaki ang mga kasong haharapin ko lalo na at sinabi ni Sir Hanz na hindi umano titigil si Declan Madrigal hanggat nakikita kaming malaya.
Natatakot ako sa kaligtasan ko. Alam ko kung gaano kayaman ang lalaking iyon at higit sa lahat, may pera at kakayahan na gawin ang kahit ano sa isang pitik ng mga daliri samantalang ako ay parang maliit na langgam lamang kumpara sa kan'ya na kayang tirisin at apakan kapag ginusto niya.
Nahilot ko ang sintido ko, kahit anong pag-iisip ay wala na akong ibang maisip na. Sumabay pa ang problema sa probinsya na alam kong ako lamang ang inaasahan nila bilang panganay at breadwinner ng pamilya tapos ganito pa ang kalagayan ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang taong lagi ay nilalapitan ko kapag ganitong masyadong mabigat ang problema ko.
"Ay bakla, napatawag ka. Mabuti at naalala mo na buhay pa ako," matinis ang boses na alam kong nagtatampo na sabi ni Glyshine.
Inaaya kasi niya akong mag-hang out pero dahil naging abala ako sa trabaho at kakasunod kay Declan ay hindi ako nakapunta punta ng araw na yayain niya ako para sa birthday celebration niya.
"I'm sorry, bakla. Binabagyo ako ng problema ngayon kaya alam mo na," sabi ko sabay buga ng hangin.
"Tungkol na naman ba 'yan sa trabaho mo? Hay naku, sinasabi ko sa 'yo bakla, maghanap ka na ng bagong trabaho," madaldal na sabi nito.
Matagal na kasi akong inaaya ng bestfriend ko na mag-resign pero dahil sa uri ng trabaho ko ay nanghihinayang ako lalo at kahit paano ayos pa naman ay maayos ang sweldo ko sa kumpanya kahit maliit kumpara sa iba.
"Hindi, may iba akong problema. Remember Declan Madrigal na nasabi ko sa 'yo, two weeks ago?" tanong ko.
"Oh, tapos? Ano, nabuntis ka na niya kakasunod mo sa kan'ya?"
Namula ang mukha ko ng maalala ang ginawa ni Declan sa akin dito mismo sa loob ng apartment ko kaya hindi ako nakasagot kaagad
"Ano na bakla? Natameme ka na d'yan?" makulit at excited na tanong ni Glyshine.
"Hayon na nga, kumalat ang balitang gawa-gawa ko at heto kakasuhan niya ako at ipapakulong kung hindi ako papayag sa gusto niyang kabayaran," malungkot na sabi ko sa kaibigan ko.
"Anong demand niya, bakla?" curious na tanong pa nito.
"It's up to me kung pupunta sa presento at mag-pakulong kung hindi ko mabayaran ang three hundred million na danyos perwisyo na hinihingi niya," paliwanag ko.
Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko ng malakas na 'what' ang narinig ko. Mukhang tulad ko ay hindi rin makapaniwala ang kaibigan ko na gano'n ka laki na halaga ang babayaran ko.
"Wala ka bang ibang option bakla? Dios mio, kahit ibenta mo iyang virgin na kepyas mo, malabong makaipon ka ng gan'yan kalaking halaga," bulalas nito.
Wala talagang filter ang bibig nito palibhasa puro mga bakla ang nakapalibot sa kan'ya sa parlor kaya nahawa na sa pananalita ng mga katrabaho.
"Meron naman," nag-aalangan na sagot ko.
"Ano, 'yon? Feeling ko mas exciting 'yan."
Napailing na lang ako at sinabi dito ang gustong mangyari ni Declan.
"Bakla, palit na lang tayo ng mukha kung ayaw mo. Aba, si Declan Madrigal na mismo ang nag-aya sa 'yo na maging babae ka niya. Galingan mo lang para mabaliw siya sa 'yo ng husto. Halika dito sa bahay, manood tayo ng porn para matuto ka gumiling-giling. Swerte mo na 'yan bakla. Imagine, ang daming nagkakandarapa sa kan'ya masilayan at malapitan lang tapos ikaw itong inaya na maging babae niya. Go bakla!"
Napailing ako, mukhang mali na sinabi ko kay Glyshine ang tungkol dito dahil lalo lamang naging magulo ang isipan ko.
Sino ba namang babaeng may matinong isip ang gugustuhin na maging bayad utang sa kasalan sa isang lalaking abot hanggang langit ang galit sa akin.
Well, kung lahat ay nagkakandarapa kay Declan Madrigal, pwes hindi ako dahil napatunayan ko kung gaano kasama ang ugali ng lalaking iyon.
Mabayaran ko lang talaga siya ay hindi ko na gugustuhing makita ang pagmumukha niya.
Pero teka, saang sulok ba ng mundo ako maghahanap ng three hundred million sa loob lamang ng more than thirty hours?
Imposible...