Home "Mommy.....salamat naman sa Dios at okay ka lang, ano ba talagang nangyari?" Lumuluha kong tanong dito. "Daisy......may mga lalaki....." Nagulat ako sa narinig mula rito. Lalaki? Ano'ng ibig nitong sabihin? Napasulyap ako kay Sanya. "Sanya, ano'ng ibig sabihin ni mommy?" "Tulog si Sanya nang mga panahong pilit akong pinagbigti no'ng mga lalaki. Feeling ko pinlano ang lahat, hija." Mas lalo akong naluha sa sinabi ni mommy. Paano ko ito papaniwalaan gayong ang nakita namin sa CCTV kanina ay taliwas sa sinasabi nito? Paano ko nga ba masampahan ng kaso si Eunice gayong wala akong ebedinsiya na heto ang nagtangka sa buhay ni mommy, pero paano paniniwalaan ang isang may mental health disorder? "Mommy......." Lumuluha kong tugon dito. "Sanya, totoo ba ang sinasabi ni mommy? Alalaha