Insult "Hindi ko akalaing buntis ka sa anak niyo ni Mr. Montenegro. Inaamin kong galit ako sa lalaking iyon. Pero, matagal na rin naman iyon at hindi na pwede pang ungkatin. Kaya lang, hindi ko maiwasan na siya ang naging dahilan kaya inataki ang ama mo sa sakit sa puso." Nagulat ako sa sinabi ni mommy. "Ano'ng ibig niyong sabihin?" takang-tanong ko rito. Napansin kong nagulat din ito sa naging reaksyon ko. Pinakatitigan ako nito sa mga mata. "Aminin mo nga sa akin, natutunan mo na bang mahalin si Mr. Montenegro?" "Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko, mommy. Ayokong magkamali. Siguro, masaya ako sa tuwing magkahinang ang aming mga labi at ang pagdaiti ng aming katawan." "Masaya ka ba sa piling niya?" "Magsisinungaling po ako sa inyo kung sasabihin kong hindi." "Hindi mo pweden