Daisy's POV Wala akong choice kundi ang pagsilbihan si Nathan. Ako ang siyang mismong nag-alaga rito. "Hija, narito na ang lahat na mga kakailanganin mo." "Ewan ko ba sa taong ito, Aling Yolly. Sinabihan ko na nga na pumunta na kami ng hospital, ayaw namang makinig." "Hayaan mo na lang, isa pa, baka.....naglalambing lang sa'yo, hija." Kunot-noo na napatitig ako sa nakangiting mukha ni Aling Yolly. "Really, Aling Yolly?" "H—ha, a....e....ang ibig kong sabihin huwag na lang nating pilitin si Mr. Montenegro." Naiiling na lamang ako sa sinabi ni Aling Yolly. Mukhang bet na bet nito si Nathan para sa akin. "Ayusin n'yo kasi, Aling Yolly." Hindi ngumingiting saad ko rito. "Aalis na ako, ikaw na ang bahala kay, Mr. Montenegro." Nasundan ko na lamang ito ng tingin. Halatang nagmamadali it