(MILA YSHNA ORDOÑEZ POINT OF VIEW) “GOOD Morning, Hon.” bati sa akin ni Seth habang naghahanda siya ng pananghalian namin. Sa sobrang puyat ko sa dami ng mga ginawa ko kagabi ay tanghali na ako nagising. Tumingin ako sa kalendaryo at tatlon buwan na rin pala ang lumilipas, tatlong buwan na simula ng umpisahan namin ni Stephen na buuin ulit ang relasyon naming ng palihim. Tatlong buwan ko nang niloloko ang asawa ko, masakit man aminin ngunit ‘yon talaga ang ginagawa ko. Napabuntong hininga ako dahil doon. “Babe, malapit na birthday ni Tyrone. Anong plano natin?” tanong sa akin ni Seth na nakagising ng diwa ko. “Ano, bahala ka na diyan. Gusto mo diba?” sagot ko sa kaniya. Ibinaba niya ang sandok at tumingin sa akin. “Hon, wag mo namang masamain pero napapansin ko nanlalamig ka na