(MILA YSHNA ORDOÑEZ POINT OF VIEW) ALAS ONSE na nang gabi pero wala pa ring Seth na dumadating na bahay namin. Hindi tuloy makatulog si Tyrone dahil sa paghihintay rito. Sinusubukan ko siyang kontakin pero pinapatayan lang niya ako ng cellphone hinayaan ko na lang dahil siguro baka busy siya sa trabaho niya at baka nagtatampo rin siya sa akin. Madalas na kaming nagaaway dalawa, kahit na ayoko naman na mag-away kami parang ang init ng ulo ko. Pakiramdam ko nasasakal ako, pakiramdam ko tama lang ang ginagawa ko. Alam kong maling awayin ko siya dahil may mali ako. Pero may kung ano na nagsasabi sa loob ko na okay lang 'yon at tama lang. Dahil si Stephen naman talaga ang mahal mo na kahit ilang taon na ang lumipas at maayos na kami ni Seth. Siya pa rin ang nasa puso ko. “Mommy, labas tay
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books