(MILA YSHNA ORDOÑEZ POINT OF VIEW) “ANG SAKIT talaga ng ulo ko,” atungal ni Seth habang nagtitimpla ako ng kape nanatili akong tahimik habang ginagawa iyon. Kanina pa s’ya nagrereklamo at ngumunguso dahil sa sakit ng ulo niya. “Did Stephen left well?” tanong ni Seth sa akin. Hindi ako agad nakasagot, naalala ko ang halik na namagitan sa aming dalawa at absentmindedly akong napahawak sa aking labi. “Hon, are you okay?” He asked me. Nagising ako sa ulirat ko at napatingin sa kaniya. I forced a smile, “Yes… I’m okay…” I responded. “Ano ulit ang tanong mo?” “I’m asking if Stephen left well?” he asked me again. “Oo, tinulungan niya ako na ihatid ka tapos umuwi na rin siya” saad ko at inilapag ko ang kape sa harap niya. “Ang dami kong nainom kagabi hon,” reklamo niya sa akin habang umiin