FIRST TIME kong makita ng personal ang husband ng boss ko at masasabi ko na guwapo ito at may class. Pero hindi ko nagugustuhan kung pa'no n'ya patunguhan ang wife n'ya.
Para kasing mas busy pa s'ya sa pakikipag-usap sa ibang tao kesa pagtuunan ng pansin ang misis n'ya. Kahit na 'di halata, kitang-kita na ikinalulungkot 'yun ng boss ko. Pero dahil wala naman ako sa lugar para pakialaman sila, tahimik lang ako habang nakatunganga sa puwesto ko rito.
Napabuntong-hininga ako habang pinaglalaro ang mga daliri ko sa madulas at makintab na army green dress na suot ko. Natatandaan ko pa na kaninang umaga, pagdating ko sa opisina, binalita sa 'kin ng amo ko na may event kaming pupuntahan sabay bigay ng mamahaling kahon na naglalaman ng bonggang-bonggang damit na suot ko ngayon. Nu'n ko na lang nalaman na event pala ng asawa n'yang si Mr. Vincent Cervantes ang pupuntahan namin.
"Ang swerte-swerte talaga ni Mrs. Cervantes sa husband n'ya, 'no? Sana ako rin makatagpo ng lalaking successful at mahal na mahal ako!" Sabi ng isang babae sa tabi ko.
"Sinabi mo pa. Ano kayang feeling?" Segunda naman ng isa. Napaisip ako kung katulad ko rin ba sila na saling ket-ket sa party na 'to. Pero, at least, nag-e-enjoy sila. Hindi kasi ako sanay um-attend sa mga gan'tong event. Lalo puro mayayaman at elistista ang mga bisita. Nakaka-out of place!
Nagdaan pa ang ilang minuto, nakaramdam ako ng pagka-inip. Ewan ko ba naman kasi kung bakit sinama pa ako rito ng boss ko kung iiwanan lang din n'ya ako sa isang tabi!
Akala ko pa naman kailangan n'ya ako rito tulad nang sinabi n'ya pero mukhang wala naman akong gagawin. Mabuti na lang talaga babayaran n'ya over time ko. Nakain ko na rin lahat ng puede kong kainin kaya inaantok na ako.
Pero ayoko namang umidlip dahil baka may mangyari, sorry, praning lang, so nag-decide akong mag-lakad-lakad hanggang sa makarating ako sa rooftop. In fairness, ang ganda-ganda rito! Tanaw na tanaw ang magandang city view at mga bituin na nagbibigay liwanag sa madilim na gabi. Bigla tuloy akong natuwa dahil ang tahimik at ang payapa sa pakiramdam. Malayong-malayo sa maingay na party na pinanggalingan ko.
"Huhulaan ko, nabo-bore ka na rin sa party kaya ka pumunta rito, 'no?" Sabi ng isang babae na ikinagulat ko naman. Hindi ko kasi akalain na may iba palang tao rito!
Narinig ko s'yang tumawa bago naglakad papalapit sa 'kin. Natahimik naman ako habang pinagmamasdan ang mala-dyosa n'yang pigura at nang maging malinaw na sa 'kin ang kan'yang hitsura, du'n na halos sumayad sa sahig ang aking panga.
Grabe, beauty queen ba 'tong kaharap ko?
Kahawig n'ya si Ann Colis! Morena, mapanga, maganda ang mga mata, matangkad at ang perfect! Bagay na bagay ang suot n'yang maong pants at lapel neck button shirt! Ang hot!
"Are you okay? Nagulat ba talaga kita at hindi ka na nakapagsalita d'yan?" Anya. Du'n na ako pinamulahan ng pisngi at nanalangin na sana kainin na lang ako ng lupa!
"Ah, eh... ano kasi..." Minsan gusto kong batukan ang sarili ko dahil mabilis akong kabahan at mautal!
"Alam mo ang cute mo." Dagdag n’ya.
"I'm Maggie. Puede ko bang malaman ang pangalan mo?" Magsasalita na sana ako nang kapwa kami mapalingon ni Maggie dahil may paparating na yabag. Tapos biglang nagbukas ang pinto sa rooftop at inuluwa nu'n ang boss ko! Ewan ko ba pero tagus-tagusan sa kaluluwa ko ang talim ng tingin n'ya sa 'kin. At nagpalipat-lipat 'yun sa 'ming dalawa ni Maggie.
"Kanina pa kita tinatawagan sa phone mo, Eli, pero hindi ka sumasagot. Yun naman pala, busy ka sa pakikipag-kuwentuhan sa kung sino-sino." Parang may kung anong matalim na bagay ang tumusok sa puso ko nang sabihin n'ya 'yun sa 'kin. Ang cold kasi ng boses n'ya at halatang galit s'ya.
"So, magkakilala pala kayo?" Sabi ni Maggie. Hindi ako sigurado kung sino sa 'min ni ng bosing ko ang kausap n'ya. Basta pagtingin ko sa kan'ya, nakangiti lang s'ya habang nakatingin sa amo kong papalapit.
"She's my secretary. And off limits s'ya, Maggie, dahil akin s'ya." Seryosong pagkakasabi ng boss ko dahilan para magsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan! Narinig ko namamg natawa si Maggie saka nagkibit-balikat.
"Very possessive as always. Chill ka lang, wala naman akong planong agawin sa 'yo ang secretary mo." Nang magsalubong ang paningin namin ni Maggie, ningitian n'ya ako tapos kinindatan. Saka s'ya nagpaalam sa 'min ng boss ko bitbit ang isang wine glass na binalikan n'ya at pinulot sa sahig. Nang mawala na s’ya sa paningin namin, muling nagsalita ang boss ko.
"Hindi ako natutuwa sa pag-alis mo nang walang paalam. I thought nasa CR ka lang at babalik din sa pwesto mo anytime soon."
"Sorry po, Miss, nainip na po kasi ako kaya naisip kong maglakad-lakad muna. Tapos di ko na namalayan na nakarating na ako rito sa rooftop." Saad ko na punong-puno ng pagpapaumanhin. Pero masama yata timpla ng babaeng 'to at inirapan lang ako bago nagpatiuna.
"Umalis na tayo sa lugar na 'to. Hindi ko na gusto ang ambiance."
***
KITANG-KITA ko ang gigil sa pagkakahawak n'ya sa manibela at ilang beses din s'yang nagtiim-bagang habang malalim na bumubuntong hininga. Nag-aalala ako dahil kanina pa s'ya ganito simula nang umalis kami sa party ng asawa n'ya. Saka teka nga, bakit pala kami umalis sa event na 'yun samantalang hindi pa naman tapos? Di ba, dapat silang dalawa ang magkasama at hindi kami?
"Miss, uhm, relax lang po kayo kasi baka maaksidente tayo—" Napasigaw ako sa gulat matapos n'yang hampasin ang manibela dahilan para tumunog ang busina.
"Pasensya ka na. Hindi ko sinasadya. Siguro stress lang ako kaya ako nagkakaganito. Pero mali pa rin ang inasal ko." Punong-puno ng pagka-guilty ang boses n'ya. Naawa naman ako. Mabuti na lang dahil huminto kami sa stop light kaya nagkaroon s'ya ng chance na ayusin ang sarili n'ya, physically and mentally.
"Ayos lang ba kung hindi na muna kita ihatid sa inyo?"
"Opo, ayos lang po! Kahit sa terminal n'yo na lang ako ibaba. Kaya ko na pong umuwi mag-isa." Sabi ko sa kan'ya. Kita ko naman na lumambot ang tingin n'ya at ngumiti sa 'kin. Grabe, na-miss ko ang ngiti n'yang 'yun! Palibhasa, sobrang dalang nu'n ngayong araw dahil mas madalas na nakasimangot s'ya simula pa kanina.
"Hindi 'yun ang ibig kong sabihin. What I mean is I'll pay you extra, samahan mo lang akong uminom." Sabi n'ya.
"A-ano po?"
"Narinig mo 'ko, Eli. Hindi ko na uulitin ang sinabi ko." Naku, sungit.
"Kailangan ko lang talaga ng kasama dahil hindi ko kayang mag-isa. Ayos lang ba 'yun?"
"Wala pong problema. Sa'n po ba tayo mag-iinom?"
"My place." Anya bago masuyong hinaplos ang pisngi ko. Ang init ng palad n'ya at ang lambot. Hobby na n'ya talaga na haplus-haplusin ako, 'no? Kaya nga nang bawiin n'ya ang kamay n'ya matapos mag-green light ay bigla ko 'yung na-miss ng husto!
Hay, naku. Wrong timing. Kung kelan nag-e-enjoy na ako!