Chapter 12: Umpisa Ng Transaksyon

1942 Words
"Tulong mga kasama!" narinig kong tawag ni Emman. Dali akong lumapit at sugatan ang mga ibang tauhan. "Dalhin n'yo sila sa loob," utos ko. Tinungo ko ang kuwarto ko. Nakasalubong ko pa ang apat at nakaawang ang labi ng mga ito. Pumasok na ako sa loob at nagpalit ako ng uniporme ko. Lumabas kaagad ako pagkatapos. Kinuha ko ang medicine kit at pinuntahan ko ang mga nasugatang lalaki. Pinagtulungan namin nina Jeric, Emman at ng iba pa na gamutin ang mga ito. "Hindi puwedeng lagi na lang kayong sumasablay!" sermon ni Derrick sa mga ito. "Tingnan n'yo, nakatakas sila nang hindi man lang sila nalalagasan! Kung narito lang si Sebastino ay tiyak kong papatayin din niya kayo!" sigaw pa niya sa mga ito. "Hindi naman namin kagustuhan, Boss Derrick ang nangyari. At hindi naman natin alam na susugurin tayo ng kalaban," depensa naman ni Emman. "Mga gago!" sigaw ni Derrick dahilan upang tingnan ko ito. "Baka, sabihin ni Sebastino, wala tayong aksyon. Kaya, mamaya, magsanay kayo! Kung bakit kasi dinala pa niya si Vince at Anthony at ang mga naiwan dito ay mga bobo!" asik pa niya. Huminga ako nang malalim. "Kami na lang tatlo ni Emman ang gagamot sa kanila, Derrick. Pahinga ka muna," saad ko. "Salamat, Lorraine. At mabuti pa nga na ikaw ang bahala sa mga ugok na 'yan. Baka, mamaya, malaman ni Sebastino ang nangyaring ito ay pati ako ay malalagot. Alam mo naman sa isang organisasyon, walang kaibi-kaibigan," saad niya sa akin. Naglakad na ito patungo sa kusina at magpagagawa siguro siya ng kape. "Sana, isinama na lang siya ni Boss Sebastino," mahinang komento ni Joson. "Nag-aalala lang siya siguro, lalo at ibinilin sa kanya ni Boss Sebastino ang organisasyon na ninyo," sambit ko naman. Tumingin ako kay Jeric. "Um, ano nga palang pangalalan ng organisasyon ninyo, Jeric?" untag ko pa. "Black Boss ang tawag kay Boss Sebastino, kaya iyon ang pangalan ng aming oragainbsasyon," pahayag ni Jeric sa akin. "Akala ko pa naman, evil organisations," sarkastiko na komento ko. "Isang anak ng mafia boss si Sebastino, kaya parang gano'n na nga. Pero, minsan lang namin nakita ang tatay niya. Actually, ang pagkakaalam namin ay hindi pinakikialaman ni Don Jackson ang desisyon ng boss natin. Hindi nga iyon pumunta rito nang matamaan ng bala noon si Boss Sebastino. Si Senyora Margaux at ilang mga kapatid lang niya ang bumisita rito at talagang anak sila ng mga mamamatay tao," napapailing na pahayag nito sa akin. Gusto ko sanang sabihin na matagal ko ng alam na pamilya sila ng mafia, pero hindi ko alam na mamamatay tao sila. "Pano kayo napadpad sa organisasyon? Tinakot ba kayo ni Sebastino? Binantahan kayo? O, sumama lang kayo dahil gusto n'yo lang?" muling tanong ko, habang ginagamot ko ang mga kasamahan ng mga ito. "Dahil gusto namin, kasi may ipinaglalaban kami. At natulungan kami ni Sebastino ng panahon na iyon, hanggang magtagal kami rito," muling pahayag nito. "Mahilig ba talaga si Sebastino sa babae?" sarkastiko na tanong ko. Gusto kong makakalap ng impormasyon dahil baka may alam ang mga ito sa pagkamatay ng kapatid ko. "Mahilig? Mga babae ang nagpakikita ng motibo sa kanya, Lorraine, kaya sinasamantala naman niya. Alam mo naman ang mga lalaki, kapag palay na lumapit, natural na tutukain ng manok. At pihikan si Boss sa babae. Hanggang kama-kama lang 'yon," wika naman ni Emman. Tumango-tango na lang ako, kahit hindi iyon ang gusto kong marinig. Tinapos ko ng gamutin ang mga nasugatang tauhan. Nagpasalamat ang mga ito sa akin at pinagpahinga ko muna sila para hindi sila mapuwersa. Kakausapin ko na lang si Derrick mamaya na hindi muna sila sasama sa transaksyon. Sina Emman, Joson, at Jeric ang gusto kong kasama dahil paglagay ang loob ko sa mga ito. "Ano nga pa lang pinag-usapan n'yo ni Boss Derrick?" tanong ni Emman. "Kasama na ako sa transaksyon," mabilis na sagot ko, dahilan upang mapamaang ang mga ito sa akin. "Hi-Hindi ka nagbibiro?" untag naman ni Jeric. "Saka, ba't ka pa isasama ni Boss Sebastino? Baka, mapahamak ka lang," saad naman ni Joson. "Kagustuhan ko naman 'yon, bago ko pa man din nalaman na iyan din ang sasabihin niya sa akin. Hindi naman ako puwedeng umatras dahil pinagbantahan niya 'ko," paliwanag ko sa mga ito. Saka, kakausapin ko si Derrick mamaya na kayo gusto kong kasama," pahayag ko pa. "Buti kung papayag ' yon. Dahil ala—" "Bumalik na kayo sa puwesto n'yo!" maawtoridad na utos ni Derrick sa aming likuran. "Sige, Lorraine, doon na kami," sambit ni Emman. Naglakad na ang mga ito pabalik sa kanilang puwesto sa labas. Bumuntong-hininga ako. Nilapitan ko si Derrick. "Iyong mga tauhan n'yo ni Sebastino, I think, hindi sila puwedeng sumama sa atin bukas." "Pa'no mo naman nasabi 'yan?" kunot-noo na aniya sa akin. "Dahil nasugatan sila. Baka, hindi rin nila kayang makipagsagupahan sakaling may kalaban. Hindi kasi natin masasabi na may nakaabang na mga kalaban sa lugar kung saan ang ating transaksyon," pahayag ko. Huminga sya nang malalim. "Kakausapin ko si Sebastino." "Ako na lang, Derrick. Makikinig naman siguro si Boss Sebastino," wika ko. "Hindi na. Baka, busy na 'yon. May punto ka naman, kaya sina Jeric na lang ang kasama natin bukas," pahayag niya sa akin. "Nagkape ka na ba ulit?" tanong ko. "Hindi pa. Uminom lang ako ng tubig at inutusan ko si Mary Joy na ligpitin 'yong mga kalat sa pool," sagot niya. "Gusto mo bang igawahan kita ng kape?" muling tanong ko. Ngumiti siya sa akin. "Hindi ako tatanggi." "Hintayin mo na lang ako sa labas," saad ko. Tumango siya sa akin at tinungo niya na ang labas. Tinungo ko naman ang kusina. Naabutan ko pa ang apat kong kasama roon, at nakatingin lang sa akin ang mga ito. "Buti ka pa, Lorraine, close mo na agad mga tauhan ni Boss Sebastino. Mapasasana-all na lang ako nito dahil ang po-pogi nina Emman at Jeric. Baka, puwede mo kaming ireto sa kanila?" nakangiti na sambit ni Eloisa. "Hindi naman sa close, Eloisa, kundi ay pakisasama lang sa kanila," pahayag ko. "Pero, iyong narinig ko kanina, tama ma ba na kasama ka na nila sa kanilang mga transaksyon?" tanong naman ni Shey sa akin, dahilan upang tumango ako. "Hindi ka ba natatakot, Lorraine?" dagdag pa nitong tanong sa akin. "Hindi. Nasanay na ako sa putukan at sa barilan, kaya nawala na ang takot ko," depensa ko. Kaya nagkatinginan ang mga ito. Tipid akong ngumiti sa kanila. Gumawa na lang ako ng dalawang kape at sandwich, saka na ako lumabas. "Thank you," ani Derick sa akin. Umupo ako. "Parang 'yan lang." "Kapagod ring magtimpla. Pero, pasensya ka na kanina dahil sa inasal ko. Gusto kong patunayan kay Sebastino na kaya kong humawak ng tauhan kahit wala siya," paliwanag niya sa akin. "Naiintindihan ko. Mas Grabe pa ngang magalit si Sebastino kaysa sa 'yo," komento ko. Sumimsim siya ng kape. "Hindi naman." Napailing ako. Sumimsim din ako ng kape at kinuha ko ang sandwich, saka ko kinagatan iyon nang ilapit niya ang kamay niya sa akin at pinahid niya ang labi ko, dahilan upang pamulahan ako ng mukha. "Sa-Salamat. Sinabi mo na sana na may ano ako sa labi. Nakahihiya kasi," saad ko. "Okay lang. Pero, ang cute mong magblush," aniya sa akin. "Gano'n? Hindi naman, ah. Pero, kainin mo na 'yang sandwich mo, dahil mamaya may dumating na naman na kalaban," sambit ko. Tinitigan niya ako. "May boyfriend ka na?" "Ha-Ha?" "I said, may boyfriend ka na ba?" muling tanong niya. Iniwas ko ang tingin ko. "Wa-Wala." "Hindi nga!" Hindi makapaniwalang sambit niya. "Wala nga! Kapatid ko kasi ang inuna ko," pahayag ko. Tumango-tango siya sa akin. "So, kahit isang boyfriend ba, hindi ka nagkaroon?" Nakahihiya man ay tumango ako, dahilan upang kunutan niya ako ng noo. "Kung hindi ka naniniwala sa akin, okay lang. Pulos trabaho kasi inaatupag ko," muling pahayag ko. "Pero, paano ka napadpad rito sa mansyon ni Sebastino?" tanong niya. "Naghahanap kasi ako ng trabaho, kaso, walang available, kaya naglakad-lakad ako, baka sakaling sa paglalakad ko ay may mahanap akong trabaho na kahit ano, basta't magkapera lang. Nakita ko si Manang Delly sa labas, kaya nilakasan ko ang loob ko na lumapit sa kanila. Laking pasasalamat ko dahil nangangailangan talaga sila rito," pahayag ko. Tumango-tango lang si Derrick. At nagkuwentuhan pa kaming dalawa. Pero, isinisingit kong tanungin si Sebastino, upang sa gayon ay makalap akong impormasyon tungkol sa kanya. Nagpaalam na sa akin si Derrick at babalik na lang siya rito bukas ng umaga upang ipaalam kung ano'ng desisyon ni Sebastino. Binilin pa niya na mag-ensayo ang mga tauhan nila. Ako raw magbabantay KINABUKASAN, maaga akong nagising para gawin ang trabaho ko bilang katulong. Ilang araw ko pa lang na namamalagi sa mansyon na ito, pero pakiramdam ko ay may isang buwan na ako dahil sa maraming ganap. At ngayong gabi na nga ay kasama na ako sa transaksyon. Lumabas na ako para maglinis. Hindi ko na lang pinansin ang pagmamaktol na mga kasama ko, lalo na si Mary Joy dahil alam kong mainit ang ulo nito sa akin. Lumipas ang alasingko, dumating na si Derrick upang paghandain na kami sa aming transaksyon. "I-ayos n'yo na ang mga armas na dadalhin natin kay Mr. Hakuro. At siguraduhin n'yo ring may armas kayong madadala para sa mga kalaban," maawtoridad na pahayag ni Derrick sa mga tauhan. "Okay na ang lahat, Boss," sagot naman ni Gio. "Handa ka na ba sa unang transaksyon mo, Lorraine?" baling niya sa akin. Gumanti ako ng ngiti. "Handa na, Derrick." "Heto nga pala ang paper bag at nandiyan na lahat ng kakailanganin mo ngayong gabi," saad niya na ibinigay ang isang paper bag sa akin, kaya inabot ko ito. "At ikaw ang magdadala ng suitcase dahil baka may pa-additional pa si Mr. Hakuro, lalo na at mahilig 'yon sa bata," ngisi na pahayag niya sa akin. "Maganda nga ang naisip mo para naman matuwa si Boss Sebastino," wika ko. "Siya naman talaga ang may plano niyan, Lorraine, at kanina lang niya itinawag sa akin. Akala ko, ay kasama ka lang sa transaksyon, pero, gagawin ka rin pala niyang pain," muling pahayag niya. Ngumiti ako. "Nakahanda naman ako kahit saan ako gustong ilagay ni Boss Sebastino." Nagpaalam muna ako sa kanya. Pumasok ako sa aking kuwarto at inumpisahan ko ng mag-ays ng sarili ko. Gusto kong samantalahin ang gabing ito para magpakita ng gilas kay Sebastino, subalit wala naman siya rito. Binuksan ko ang paper bag. Akala kong sapatos lang ang laman nito ay hindi pala. Dahil may makeup dito at may handbag na may lamang baril. At isang sequin party dress kulay itim na kaunti na lang ay mahuhubaran na ako. Napangisi tuloy ako. Nag-ayos na ako at isunuot ko na ang mga iyon. Sinuri ko munang mabuti ang hitsura ko bago ako lumabas ng kuwarto. "Ang ganda mo, Lorraine," puri sa akin ni Eloisa. "Hindi naman, Eloisa. Mauna na ako sa inyo. Bye, Mayordoma," paalam ko. Napanganga naman ang ibang mga tauhan, ngunit nakangiti naman sina Jeric. "You're so gorgeous," puri sa akin ni Derrick. "Thank you," sambit ko. Nagsisakay na ang mga tauhan sa dalawang van na nandoon. Inalalayan naman ako ni Derrick makasakay sa kotse niya. At binaybay na namin ang daan patungo sa lugar kung saan kami makipagkikita. "We're here," ani Derrick sa akin. Luminga pa ako at isang sikat na hotel dito sa Bulacan ang nasa harapan namin. Tiyak kong party ang pupuntahan namin ngayon. Bumaba na kaming lima dahil kasama namin sina Jeric sa kotse. Dinala ni Emman ang suitcase at ibinigay iyon sa akin. Naglakad na kami papasok sa hotel nang makita ko si Sebastino. Matalim ang ipinukol niyang tingin sa akin, dahilan upang kabahan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD