"Maaga raw tayong gumising bukas, sabi ni Mayordoma Vie," imporma ni Rosalia.
"Ganoon ba? Okay, sige, maaga akong gigising," saad ko.
Umalis na ito sa aking harapan. Muli kong isinarado ang pinto at bumalik ako sa higaan ko.
Pinakiramdaman ko munang mabuti kung may kakatok pa. Ngunit wala na akong narinig pa, kaya muli akong natulog.
Subalit muli akong naalimpungatan nang makarinig na naman ako ng sunod-sunod na katok.
Bumangon ako. Binuksan ko ang pinto, subalit wala namang tao.
"Putik! Pinaglalaruan ba ako ng mga kasama ko?" kausap ko sa aking sarili.
Lumabas pa ako upang tingnan kung may tao sa labas. Ngunit wala naman kaya muli akong bumalik sa kuwarto at natulog.
PAGGISING ko nang umaga na 'yon ay dagli akong naligo dahil pasado alas siyete na.
Agad akong lumabas at nagbihis na, saka ko na tinungo ang kusina.
Naabutan kong nagluluto sina Rosalia, habang nagkakape ito, kasama si Mary Joy.
"Ba't ngayon ka lang nagising? Pinuyat ka ba ni Boss Sebastino?" sarkastiko na komento ni Mary Joy.
Kumunot ang aking noo. "A-Anong pinuyat? Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi ba't dinala ka niya sa kuwarto niya kagabi. At mas pinili ka pa niya, kaysa ro'n sa jowa niya," saad naman ni Shey sa akin.
Halatang mainit ang ulo ng mga ito sa akin.
"Hindi n'yo alam ang sinasabi n'yo," matigas na wika ko.
"Pinatay ni Boss Sebastino si Gail. Pero, ikaw? Tingnan mo, buhay na buhay ka," gagad ni Mary Joy sa akin, kaya nagsalubong ang kilay ko.
"Tayka, gusto n'yo rin ba akong mamatay? Sa tono kasi ng pananalita n'yo, parang gustong-gusto n'yo 'kong mawala, ah, " segunda ko.
"Eh, pa' no kasi, kay bago-bago mo lang dito, pero pakitang gilas ka na! Ikaw lagi napapansin ni Boss Sebastino! Samantalang kami na ilang taon ng naglilingkod sa kanya, ni sa pangalan, hindi niya kami tinatawag," inis na pahayag pa ni Mary Joy sa akin.
"Paulit-ulit na lang 'yang dahilan mong yan. At hindi ko na kasalanan 'yon kung hindi niya kayo tinatawag sa pangalan n'yo," depensa ko.
"Kasalanan mo, dahil papansin ka!" asik nito, dahilan upang maikuyom ko ang kamay ko.
"Tama na, Mary Joy. Kung narito lang si Boss Sebastino, tiyak na kawawa ka sa kanya," saad ni Rosalia.
"Kaya, naman pala, malakas ang loob mong sumigaw, dahil wala ang boss natin dito. Saka, sana, kay Sebastino ka rin magreklamo, hindi iyong ibinubunton mo ang inis mo sa akin," gagad ko.
"So, Sebastino na rin pala ang tawag mo sa kanya. Nagpakant*t ka na rin ba sa kanya dahil paborito ka niya, eh," sarkastiko na sambit nito, kaya sa hindi ko na napigilan ang sarili ko ay nilapitan ko ito at binigyan ng malakas na sampal.
"Wala kang pakialam kung ano'ng gusto kong gawin dahil wala kang ambag sa buhay ko! Saka, naiinggit ka ba kung nagpakant0t ako sa kanya, ha! At kinaiinggitan mo kung ano'ng trato niya sa akin!" muling gagad ko.
"Oo!" pag-amin nito, kaya naman napailing ako.
"Tingnan mo 'to! Tingnan mo para mabawasan iyang inggit mo!" gagad ko rito. Ipinakita ko sa kanya ang puwet kong may bakat ng sentron at ang katawan kong may pasa pa ng latigo, dahilan upang mapaawang ang labi ng mga ito, lalo na si Rosalia. "Ito ba, ang kinaiinggitan mo, ha! Alam n'yo na iba ang trato sa akin ni Sebastino kaysa sa inyo, tapos pag-iinggitan mo 'ko! Hindi lang niya kayo napapansin, naiinis ka na? Tss, ang babaw ng dahilan mo, Mary Joy at ang kitid ng utak mo!" mahabang saad ko.
"Ba' t ang ingay ninyo at dinig ko na ang boses n'yo sa labas," sambit ni Sebastino, dahilan upang tumigil kami. Kita ko naman ang panginginig ng kamay ni Eloisa kaya, hinawakan ko ito.
'Kagigising lang kasi ni Lorraine, Boss Sebastino, " pahayag ni Rosalia.
"Hindi kita kinakausap, kaya huwag kang sumagot!" asik ni Sebastino kay Rosalia.
"Walang kaso ‘yon dahil alam naman natin na siya ang huling natulog kagabi. At siya nga pala, Lorraine, biglaan na ipinatawag ni Don Jackson si Sebastino, dahil sa pinamumunuhan niyang negosyo kaya dalawang linggo siyang wala. Pero, may ibinilin siya kay Derrick, at mamaya ay malalaman mo kung ano 'yon dahil iyon lang ang pinagsasabi niya sa akin," pahayag ni Mayordoma. "O, sige na, mamalengke na ako at si Derrick muna ngayon ang inyong susundin," saad pa ni Mayordoma at umalis na ito sa aming harapan.
"Espesyal ka na ngayon kay Boss Sebastino, ano? At talagang may ibinilin pa siya kay Boss Derrick. Hindi kaya ay itatrato ka naming prinsesa," sarkastiko na sambit na naman ni Mary Joy, kaya hindi ko na lang ito pinansin. Baka, lumaki lang ang aming deskusyon.
Gumawa na lang ako ng kape. Kumuha ako ng tinapay at nag-almusal na ako nang may tumawag sa akin.
" Lorraine."
Boses ni Derrick kaya tumayo ako. Ngunit nakalapit na siya sa akin.
"Magandang umaga sa 'yo, Boss Derrick," bati ng mga kasama ko.
"Magandang umaga rin sa inyo. Doon ka na lang mag-almusal," aniya sa akin.
"Mamaya na lang ako mag-almusal, Boss Derrick," wika ko, dahil nakahihiya naman na sumusubo ako, tapos siya naman ay nagsasalita.
"No, it's okay. Saka, huwag mo na 'kong tawaging boss," aniya dahilan upang tingnan ako ng mga kasama ko. "Um, padalhan na lang ako ng black coffee at sandwich sa pool, Mary Joy at pakidala na rin itong almusal ni Lorraine, " utos niya. Hinila niya ako patungong swimming pool. Natanaw ko si Jeric. Nginitihan niya ako, kaya gumanti rin ako ng ngiti rito." Sino'ng nginingitihan mo? " untag ni Derrick. Inalalayan niya akong makaupo. At umupo na rin siya sa harapan ko.
" Si Jeric. Ginamot ko ang sugat niya dahil lumusob ang mga kalaban dito kagabi," pahayag ko.
"I know, kaya hindi natuloy ang transaksyon namin kagabi. Mabuti na lang at mabait si Mr. Wax. Pero, nabalitaan ko na magaling ka raw humawak ng baril," tanong niya.
"Ha-Ha? Hi-Hindi naman. Kung hindi ko kasi ginawa ang bagay na iyon ay baka bangkay na kami ngayon," depensa ko.
"Sabagay. Pero, problema namin ang aming makasasama bukas sa transaksyon," pahayag nito kaya napaisip ako.
"Puwede ako," mabilis na sambit ko.
"Hindi ka nagbibiro?" untag niya sa akin.
"Hindi. Kung papayag si Boss Sebastino na isama mo 'ko," muling pahayag ko.
Ngumiti siya sa akin. "Papayag 'yon dahil iyan naman talaga ang gusto niya, Nakausap ko si Sebastino kanina. Siya dapat ang magsasabi sa 'yo kaso nga lang ay madaling araw pa lang ay umalis na siya."
Napaisip tuloy ako dahil hindi kaya si Sebastino ang kumatok kanina?
"Heto na ang kape n'yo," ani Mary Joy na inilapag ang tray sa mesa, saka umalis na ito.
Kinuha ni Derrick ang phone niya at may ni-dial siyang numero.
"Dude, kaharap ko ngayon si Lorraine at hindi ko pa man din nagsasabi ang gusto mong sabihin ay siya na mismo ang nagsabi na sasama siya sa transaksyon," sambit niya sa kausap. At si Sebastino 'yon.
Ibinigay nito sa akin ag cellphone. At kinuha ko iyon."He-Hello, Boss Sebastino."
Tila may bumara sa lalamunan ko, kaya tumikhim ako.
"Kusa ka na ring namang nag-offer ng sarili mo ay magsisimula ka ng sumama bukas ng gabi sa transaksyon. At hindi ka na puwedeng umatras, Lorraine dahil alam mo na mangyayari sa 'yo! Pero, hindi ibig sabihin niyon ay hindi ka na katulong dahil pagsisilbihan mo pa rin ako, naiintindihan, mo?" maawtoridad na saad ni Sebastino sa kabilang linya.
"Naiintindihan ko, Boss Sebastino," sagot ko.
Dahil alam kong lalo akong mapalalapit sa kanya. At mababantayan ko pa ang bawat kilos niya.
Pinatay na niya ang tawag at Ibinalik ko ang cellphone kay Derrick.
"Madali ka palang kausap, Lorraine. Pero, saan mo nga pala nakuha iyong mga armas mo kagabi?" tanong nito.
"Nakuha ko lang sa—"
"Lorraine, dapa!" narinig kong sigaw ni Jeric, kasabay ng pagpapaulan ng bala sa aming gawi, kaya naman nagsibasag ang mga tasa.
"Putik! Sinamantala ng kalaban na wala si Sebastino rito," sambit ni Derrick sa akin.
Hinugot niya ang nakasuksok na baril sa kanyang baywang at pinutukan ang paakyat ng kalaban.
"Jeric, ang baril!" sigaw ko. Hinagis nito sa akin ang kalibre kuwarentay singko, sinalo ko 'yon, subalit naunahan akong pinutukan ng bala ng kalaban dahilan upang. . .
Tumalon ako sa swimming pool. Ikinasa ko ang baril na hawak ko.
"Putik kayo! Hindi ko pa man din ubos ang kape ko' y, sumugod na kayo," bulong ko sa aking sarili.
Umahon ako sa tubig nang muli akong pinapatukan ng baril ng kalbong lalaki. Kaya, nagpagulong-gulong ako upang hindi ako tamaan.
"HIndi kita titigilan hangga't hindi kita matamaan ng bala ko!" narinig kong sigaw ng kalaban sa akin.
"Wala akong atraso sa 'yo, unggoy!" sigaw ko rin dito. Nagkubli ako sa poste ng mansyon, sabay baril ko rito, ngunit nakailag ito.
"Ikaw ang nakita kong pumatay sa mga kasama ko, at sa pinsan ko kagabi! Kaya, gusto kong patayin ka ngayon!" bulalas nito.
"Hindi ko nakita ang pagmumukha mo kagabi dahil siguro kakulay mo ang kadiliman!" asik ko. "At natural lang na patayin ko sila dahil pinatay rin nila ang mga tauhan ng boss namin!" sigaw ko pa rito.
Ngumisi ito. "Ang tapang mo naman para sabihin ang bagay na 'yan. At ipinagtatanggol mo ang boss mong hayop!"
Tumawa ako. "Natural lang dahil boss ko siya."
"Kung gano'n, sama-sama na kayo sa hukay!" sigaw nito na muli akong binaril
"Mauna ka muna!" sambit ko at gumanti rin ako ng putok dito.
"Umatras na tayo, n***o!" narinig kong sigaw ng kasama nito.
"Magkikita pa tayo, Miss at sisiguraduhin kong mapapatay na kita! Pero, bago ang bagay na iyon, pagsasawahan ko muna pempem mo, para makita mo kung sinong kinakalaban mo!" pahabol ng kalaban sa akin.
Nakita ko na tumakbo na ang mga ito, kasabay ng pagpapakawala nila ng bomba, dahilan upang masabugan ang ibang mga tauhan ni Sebastino.