s**t, akala ko, nasa Cebu siya, anong ginagawa niya rito?" bulong ng isipan ko.
"Ba't nandito si Boss Sebastino?" bulong naman sa akin nina Jeric at Emman.
"Hi-Hindi ko rin alam," mahinang sagot ko. At bumaling ako kay Derrick. Ngunit nahihiya naman akong magtanong dahil may kausap ito.
"Okay, enjoy the party," anang kausap nito.
"Um, Derrick, ba't nandito si Boss Sebastino?" untag ko.
"Where? Baka, namalikmata ka lang. He's in Cebu, kaya papaanong nandito siya?" maang na sambit nito. Kinuha nito ang phone. "Dude, where are you?" agad na tanong nito. "Fvck you!" natatawang sambit pa nito nang makita si Sebastino.
Mabilis na naglakad si Derrick patungo sa kinaroroonan ni Sebastino. Kaya, sumunod kami rito.
"Hindi ka ba nabibigatan sa suitcase, Lorraine? Ako muna magdadala niyan," ani Jeric sa akin.
"Kaya ko. Banat sa trabaho ang katawan ko, kaya okay lang," wika ko.
"Akala ko, 2 weeks ka sa Cebu, Dude. Pero, ba't isang araw ka lang at ni hindi ka man lang nagpasabi?" untag ni Derrick.
"Pinakansela ni Daddy ang business partnership niya sa isang negosyo roon dahil hindi gusto ni mommy. Kaya, bumalik agad ako. At isa pa, dumating si Jenelyn kani-kanina lang din kaya dumiretso kaming dalawa rito," pahayag niya kay Derrick.
"Love," narinig naming sambit ng isang babae. Lumapit ito kay Sebastino. At walang pakundangang hinalikan nito si Sebastino sa labi, kaya nagkatinginan kami ni Jeric. "Hinahanap kita, nandito ka lang pala. So, sino sila?" maarteng baling nito sa amin. Tinaasan pa ako nito ng kilay, kaya naman nginitihan ko ito.
"Mga tauhan ko. Pero, ba't sila ang kasama n'yo?" turo niya kina Emman.
"Nilusob kami kahapon, Sebastino. May sugat ang ibang mga tauhan natin. Kaya, no choice ako at sila ang naisip ko—"
"Sila ang pinasama ko dahil alam ko namang magagaling sila, kahit may sugat silang pareho," agaw ko.
Napailing si Sebastino. "Umpisahan n'yo na ang transaksyon, Derrick. And break a leg, Lorraine!" matigas na aniya sa akin.
"I don't like her, Love," narinig kong sambit ni Jen, kahit pabulong lang nitong sinabi kay Sebastino.
"Come with me, Lorraine. At doon tayo para makita ko agad si Mr. Hakuro," ani Derrick sa akin.
Sumunod kami kay Derrick na hindi ko man lang tinatapunan ng tingin si Sebastino. Ngunit. . .
"Lorraine!" tawag niya sa akin.
Hindi ko alam kung lilingunin ko ba siya. Pero, Boss ko siya.
Pumihit ako paharap sa kanya. "Yes, Boss."
Pinasadahan niya ako nang tingin bago siya magsalita. "Siguraduhin mong makukuha mo ang milyon ngayong gabi nang walang aberya," maawtoridad na sambit niya sa akin.
Ngumiti ako. "Masusunod, Boss."
Tinalikuran niya na ako, kasama ng jowa niya. Kaya, sinundan ko na sila Derrick.
"Parating na si Mr. Hakuro, Lorraine kaya humanda na tayo," ani Derrick sa akin.
Pumuwesto kami sa hindi masyadong matao. At tantiya ko ay, kakaumpisa pa lang ng party.
"Let's get some wine para hindi tayo mabagot sa kahihintay," wika ni Derrick.
"Ako na lang kukuha ng wine, Boss Derrick," saad ni Emman.
Umalis ito at pagbalik nito ay may dala na itong bote ng alak na nakalagay sa tray.
Hindi naman ako palainom noong time na nasa club pa ako, dahil matatapang ang alak doon.
Pero, dahil kasama ito sa aking paghihiganti ay iinom ako.
"Kaunti lang inumin mo Lorraine dahil matapang ito," paalala sa akin ni Derrick.
"Okay lang, Derrick," sagot ko. Kinuha ko ang isang glass wine. Sinimsim ko ang laman nito, kasabay ng aking pagngiwi dahil tama nga si Derrick na matapang ito.
"Habang wala pa si Mr. Haruko, puwede ba kitang maisayaw, Lorraine?" ani Derrick sa akin.
"Oo, naman. Hindi mo naman kasi sinabi na sa party pala ang punta natin para makipagtransaksyon, di, sana ay lalo pa akong nagpaganda," sarkastiko na saad ko.
"I like your positivity, Lorraine. At saka, maganda ka naman na sa ayos mong iyan," ngiti na pahayag nito sa akin.
"Nambola ka pa," napapailing na sambit ko.
"That's true. Um, boys, bantayan n'yo ang suitcase. At sasayaw kami saglit ni Lorraine," anito sa dalawang kasama namin.
Ang ibang mga kasama namin ay nagkanya-kanyang puwesto.
Mabuti nang nakabantay sila, lalo na at nandito pa naman si Sebastino.
"Okay, Boss Derrick. Enjoy, Lorraine," saad ni Emman sa akin.
Pumunta na kami sa gitna ni Derrick upang sumayaw at nanumbalik tuloy sa aking alaala ang kapatid ko dahil mahilig 'yon noon sa sayawan.
"We' re here to enjoy and to transact, kaya habang wala pa si Mr. Hakuro ay magsaya muna tayo dahil hindi natin alam kung anong puwedeng mangyari mamaya," ani Derrick sa akin.
Hinawakan nito ang baywang ko. At humawak naman ako sa balikat niya nang hindi sinasadya na mapatingin ako sa gawi nina Sebastino. Sumasayaw rin ang mga ito, ngunit nakatingin siya sa akin.
Iniiwas ko tuloy ang mga mata ko sa kanya, dahil iba ang tingin niya sa akin.
"Huwag muna ngayon, Lorraine. Masyado pa kasing maaga. Mag-enjoy ka muna sa trip ni Sebastino," bulong ng isipan ko.
Lumapit si Jeric sa amin. "Parating na si Mr. Hakuro. At marami siyang kasama."
"Maghanda na kayo. At huwag kayong magpahahalata, dahil hindi natin alam kung anong iniisip ng matandang iyan," ani Derrick. Umupo na kaming dalawa. Ibinigay ni Jeric sa akin ang suitcase. 'Wag kang kabahan, Lorraine, " anito sa akin.
"Excited pa nga ako, Derrick," nakangiti na wika ko.
"Mr. Asuncion!" masayang sambit ng matandang koreano.
"Hello, Mr. Hakuro, neo? Eotteohge jinaeseyo?" tanong ni Derrick sa matandang koreano.
Umupo ito sa aking harapan at malagkit ang tingin nito sa akin, lalo na ang mga tauhan nito.
"Jal jinaeyo. But, where is Shebastino?" tanong din nito.
"He's on vacation. By the way, she's Lorraine, my new assistant," pagpakikilala ni Derrick sa akin.
"Oh, I shee," sambit nito. Halatang hirap itong magsalita ng wikang ingles dahil may 'h' ang bawat 's' nito.
"Umpisahan na natin ang transaksyon, Mr. Hakuro," ani Derrick. "Lorraine, buksan mo ang suitcase at ipakita mo kay Mr. Hakuro ang mga armas," utos nito sa akin.
Kinuha ko ang suitcase. Subalit, hinawakan ni hakuro ang kamay ko.
"I want to dance you," ngiti nito sa akin.
Ngumiti ako nang malapad. "Alright."
Tumayo ako. Dinampihan nito ng halik ang kamao ko, dahilan upang mapatda ako.
Shit, hindi ako nakapaghanda na ganito pala kabilis ang matandang ito. Pero, hindi pa naman ito looking matanda.
Naglakad kami patungong gitna. Nag-snap ito ng daliri, dahilan upang magsiupuhan ang mga panauhin na naroon. At napalitan ng lambada ang tugtugin.
Nagtataka tuloy ako, pati na ang mga kasama ko. Hindi yata nila napaghandaan ang gabi na ito.
"Anyways, this ish my palty(party)," pahayag nito sa akin, kaya napatingin ako sa gawi nina Derrick. Kung gayon ay napaliligiran kami ng mga tauhan nito. "At hindi alam ni Sebastino at Derrick na ako ang may party," ngisi pa na saad nito.
Ngumiti ako. "Is this set up?"
Ngumisi siya sa akin. "Come with me tonight and I will give you everything."
Ang layo ng sinabi niya sa tanong ko. Pero, piit pa rin akong ngumiti sa kanya.
Bumaba ang kamay nito sa aking puwetan, kaya naman napakislot ako.
"Masyado pang maaga para diyan, Mr. Hakuro," sambit ko. Hinaplos ko ang mukha niya." Para kang tornado, ha," maarte na ngiti ko pa rito.
Nahihirapan akong magsalita ng english, kaya bahala na.
"Hindi naman," anito na pinisil ang puwet ko.
"Ohh," kunyaring ungol ko. Inilapit nito ang mukha sa leeg ko.
Inumpisahan nitong umindak, kaya sinabayan ko ito. Mabuti na lang at galing ako sa club at alam ko ang steps ng tugtog.
Pumalakpak ang mga panauhin. Nakita ko na nakatingin sa amin si Sebastino, habang sumisimsim siya ng alak.
Pero, wala akong pakialam sa kanya ngayong gabi kaya kalilimutan ko munang Boss ko siya at mag-e-enjoy akong kasayaw ang koreano na ito.
"You're good in dancing, huh," ngiti na wika nito, kasabay ng paghaplos nito sa hita ko.
"Not too much." nakangiti pa rin ako kahit pananantsing na ang ginagawa nito sa akin.
Nang matapos ang tugtugin ay muling Pumalakpak ang mga panauhin. Muli nitong hinalikan ang kamao ko, kaya ngumiti na lang ako. Bumalik ang mga magkakapareha sa gitna at nagsisayaw ang mga ito.
Umupo na kami. Hiningal tuloy ako dahil sa pagod. Kaya, naman, binigyan kami ng waiter ng tubig.
"So, can we start now, Mr. Hakuro," ani Derrick.
"Yeah, but not here," sagot nito. Muli itong tumayo.
"DOon tayo para hindi tayo makaistorbo sa mga panauhin ng Boss namin," sambit ng tauhan nito. Nagkatinginan tuloy kami ni Derrick.
Naglakad na ang mga ito, kasama ang ilang tauhan, kaya sinundan na lang namin sila.
"We're here," ani Mr. Hakuro.
Lihim kong pinagmasdan ang lugar nang bumaling ito sa akin.
"I like the place," sambit ko na lang. Inunahan ko itong magsalita. Mahirap na, baka mahalata pa ako nito.
"Sit down," ngiti na anito sa amin. Umupo kami nina Derrick, Emman, Jeric, at nakatayo lang si Joson. "Open the suitcase, Don-Don," utos nito sa lalaking katabi.
Binuksan ng nagngangalang Don-Don ang suitcase at ipinakita sa amin ang laman.
"Is that complete?" tanong ni Derrick.
"Yes. But, check it if you want," ani Mr. Hakuro. "Give him the suitcase, Brent," utos pa nito sa tauhan. Ibinigay naman ng nagngangalang Brent ang suitcase kay Derrick, subalit itinaas ni Mr. Hakuro ang kamay nito. "How about the weapons, Mr. Asuncion?" pahabol nito.
"Emman, ibigay mo na kay Mr. Hakuro ang suitcase," utos din ni Derrick.
Sabay na nag-abutan ang mga ito ng suitcase. At ni-check ni Mr. Hakuro ang mga armas kung kumpleto.
Sinurio din ni Derrick ang laman ng suitcase.
"Kompleto yan, Asuncion, kaya huwag kang mag-alala," ani Mr. Hakuro, kaya tumigil sa pagbibilan si Derrick a ibinigay ang suitcase sa akin.
"GOod to hear that, Mr. Hakuro, dahil ayaw ni Sebastino ng traydor," pahayag ni Derrick.
"Yeah, so, enjoy the party. And I will go home now because I have many things to do tomorrow morning," sambit nito.
"Thank you, Mr. Hakuro, " ngiti na saad ni Derrick. Tumayo na ang matandang koreano, at nakita ko kung paano ito ngumisi.
Binuksan ko ang suitcase na naglalaman ng pera. Sinuri ko ang mga ito at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na coupon bond lang ang ibang pera.
"Derrick, niloko tayo ng matandang koreano na 'yan! Bond paper lang ibang pera," sambit ko.
"Pvtang *na! Hayop ka, Mr. Hakuro! Barilin ang matandang koreano na ' yan!" sigaw ni Derrick, kasabay ng pagpapakawala nito ng putok..
"Kill them!" sigaw rin Mr. Hakuro. Tinakpan ito ng mga tauhan niya habang nakipagpapalitan ang mga ito ng bala sa amin.
Nagtago ako. Kinuha ko ang baril ko sa aking bag.
Ibinigay ko kay Jeric ang suitcase at hinabol ko si Mr. Hakuro dahil tumatakas na ito sa fire exit.
"Saan ka pupunta, Lorraine?" tanong ni Jeric.
"Hahabulin ko ang matandang 'yon!" sambit ko.
"HUwag na, dahil baka hindi mo siya kaya," anito sa akin, subalit hindi ko siya pinakinggan nang putukan kami ng kalaban.
"Dapa, Jeric!" sigaw ko. Gumanti ako ng putok sa kalaban at natamaan ko ito.
Ngunit nawala na sa paningin ko si Mr. Hakuro kaya sinundan ko na ito.
Maliwanag sa fire exit, kaya tiyak kong sa harap ang punta ng mga ito. Subalit, paghakbang ko sa hagdan ay may nanutok sa akin ng baril at. . .