Chapter 9: Kaba

1864 Words
"Huwag, Boss!" sigaw ni Emman, dahilan upang ang tamaan ni Sebastino ay ang malaking vase sa tabi ng hagdan. Lihim akong napalunok dahil sa uri ng tingin ni Sebastino sa akin. Animoy papatay talaga siya ng tao. Pero, patuloy pa rin ako sa paggamot kay Jeric. Importante sa akin ang kaligtasan ng mga taong ito. "Sa-Sa kuwarto na tayo," narinig kong saad ni Rosalia. Pero, senyasan ko ito na huwag munang magsalita at ipagpatuloy na lang nito ang kanyang ginagawa. Kahit si Mayordoma ay tahimik na tahimik, kaya masasabi ko na kilalang-kilala nito si Sebastino kapag galit. "Ang lalaki n'yong mga gago! Ba't kayo napasok ng mga kalaban!" sigaw niya sa amin. "Marami sila Boss. Mahigpit kuwarenta sila, pero bente lang kaming naiwan dito," depensa naman ni Joson. "Pvtang ina! Huwag ka ng magpaliwanag pa! Dahil kung talagang ginawa n'yo ang trabaho ninyo, hindi kayo malalagasan ng kasama!" muling sigaw ni Sebastino. "Hindi namin 'yon ginusto, Boss. Mabuti na lang at dumating si Lorraine dahil kung hindi, baka ubos na kaming lahat," pahayag naman ni Jeric dahilan upang matalim ko itong tingnan. Hindi sumagot si Sebastino. Bagkus ay pinukulan niya ako nang masamang tingin. Akala ko pa naman na alam na nito ang nangyari dahil tumawag na sa kanya ang jowa niyang pilingera. "Labas kayong lahat, maliban sa 'yo!" turo niya sa akin. Nagsilabasan ang ibang mga tauhan at mabilis na pumasok sina Mayordoma sa Kani-kanilang kuwarto. "Anong gagawin n'yo sa kanya, Boss?" sabay sambit ni Jeric at Emman dahilan upang tutukan sila ng baril ni Sebastino. "Wala kayong pakialam kung ano'ng gagawin ko sa babaeng ' yan dahil ako ang amo! Bakit, gusto n'yo rin bang pati kayo ay idamay ko!" sigaw niya sa mga ito. "Sige na, Emman, Jeric, lumabas muna kayo," bulong ko sa mga ito. "Tirahin n'yo na boss, dahil pakialamera ang katulong mo na 'yan. Mantakin mo na alam niyang humawak ng baril," segunda naman ni Vince dahil ito ang may nunal sa labi. "Lumabas din kayo at iwanan n'yo kami rito!" maawtoridad na utos ni Sebastino. Nagkakamot sa ulo na lumabas ito, kasama si Anthony at ilan pang mga tauhan. Lumapit sa akin si Sebastino. "Halika rito!" Hinaklit niya ako sa braso at kinaladkad niya ako patungong taas. "Babe!" tawag ni Gail sa kanya nang lumabas ito. "Diyan ka lang!" sigaw niya rito. "Pero, gusto kong sampalin ang babaeng 'yan dahil mapapel!" gagad nito. Naikuyom ko tuloy ang kamay ko dahil talagang hindi marunong magpasalamat ang babaeng ito. "I said, go back to my room kung ayaw mong ikaw ang sampalin ko! Remember that you are my only woman! Parausan lang kita!" gagad ni Sebastino dahilan upang tingnan ko si Gail. Kung gayon ay tama ako na babae lang niya ito dahil sa narinig ko kaninang umaga. Pero, nasaan si Jenelyn? Asawa niya ba ang babaeng 'yon? "Oo, babae mo lang ako, pero nagpakasarap ka sa akin! Kinady°t mo na 'ko nang kinady°t! At ilang beses ka na ring naglabas ng sperm mo sa maltris ko, tapos iyan ang sasabihin mo!" walang prenong pagbubunyag nito. Bakit kasi kailangan pa nitong ibulgar, eh, maraming nakaririnig sa kanya. "Shut up your mouth or else, I'm gonna kill you!" banta ni Sebastino. Lumapit si Gail sa amin. "Buwiset ka, Sebastino! Buwiset ka! Nakakita ka lang ng babaeng tulad ng chimay na 'yan ay gan'yan ka na!" bulyaw nito at pinagpapalo niya si Sebastino. Binatawan ako ni Sebastino at hinarap niya si Gail. "Tumigil ka!" sigaw niya, sabay sampal kay Gail dahilan upang bumagsak ito sa sahig. Kita ko, kung paano ngumiwi ang babaeng ito, kaya alam ko na nasaktan siya. "Walang hiya ka! Pvke mo lang ang ginusto mo sa akin!" sigaw nito. Tumayo ito at inagaw ang baril kay Sebastino. Ngunit, nakipag-agawan din ng baril si Sebastino rito. "Let go, Gail! Let go!" sigaw niya rito. "Papatayin muna kita, bago mo 'ko patayin, Sebastino dahil kilala kita! Kaya, ikaw chimay, papatayin ka rin ng lalaking ito, kaya unahan mo na siya ngayon!" baling nito sa akin. Pilit nitong inagaw ang baril, hanggang kalabitin nito ang gatilyo, subalit itinutok 'yon ni Sebastino rito, kaya naman ito ang natamaan." Aghh!" sigaw nito, kasabay ng pagpakakawala nito ng maraming dugo sa dibdib. "Ga-Gail," nanginginig na sambit ko. Naalala ko ang kapatid kong si Pamela rito, kaya nanggigigil ako sa galit. "Se-Sebas—tino," nahihirapang sambit nito, hanggang mawalan ito ng buhay. "Vince! Anthony! Ipalibing n'yo ang babaeng 'yan sa mga kasama n'yo!" tawag niya sa dalawang tauhan na agad namang dumating. "Masusunod, Boss Sebastino. Pero, sayang ang babaeng ito, ang ganda talaga ng katawan," namimilog ang mata na saad ni Anthony. "Mainit-init pa ang katawan nito, Boss. Baka, puwede pa namin siyang matira," wika naman ni Vince na pinaghahaplos ang hita ni Gail. "Ang sarap siguro ng pvke nito, Boss," dagdag pa nito na binasa ang labi. "Wala akong pakialam kung ano'ng gusto n'yong gawin sa kanya! Dalhin na 'yan! At sabihin mo sa ibang katulong na punasan ang sahig at ayaw kong makakita ng anumang bahid ng dugo riyan!" maawtoridad na utos niya, kaya napasinghap ako ng hangin dahil sa mga tarantadong ito. "Halika!" hila niya sa akin. Dinala niya ako sa isang kuwarto na hindi ko pa napapasukan. Binuksan niya ang pinto at itinulak niya ako papasok sa loob, dahilan upang tumama ang puwetan ko sa sahig. Kinasa ni Sebastino ang hawak niyang baril, dahil upang kabahan ako. Pero, hindi dapat ako kabahan, bagkus ay dapat akong matapang. "Papatayin mo ba ako, Boss Sebastino? Kung papatayin mo, 'ko, gawin mo na! Dahil diyan ka magaling, hindi ba! Heto, nakahanda na ako!" Ito sana ang gusto kong sabihin sa kanya, pero hindi puwede, dahil papaano nga kung patayin niya ako ngayon? Hindi ko na magagawa ang plano kong patayin siya. Itinaas ko ang dalawang kamay ko. 'Wag, Boss Sebastino. Huwag mo' kong patayin. Gagawin ko ang lahat, huwag mo lang akong patayin," nagmamakaawa ng sambit ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya nang mahigpit ang magkabilaang panga ko, sabay tutok ng baril sa aking sentido. "Ayaw na ayaw ko sa lahat ay iyong nangingialam sa armas ko nang walang pahintulot!" sigaw niya sa akin. Matalim ang tingin na ipinukol niya sa akin, pero hindi ako natinag sa titig niyang iyon dahil nakipagtitigan din ako sa kanya. "Alam ko namang parurusahan mo 'ko kung pakikialaman ko ang armas mo o ang mga gamit mo, pero mamamatay kaming walang kalaban-laban, kaya hindi na ako nagdalawang isip na kumuha ng armas," paliwanag ko. "Fvck you!" sigaw niya na lalong hinigpitan ang pagkahahawak sa aking panga. Kahit sino sa mga tauhan koʼy walang nakakaalam sa mga armas na 'yon! Kahit si Derrick ay hindi niya alam kung saan nakatago ang mga armas ko at ang mga pera! Kaya, ikaw kung ayaw mong putulin ko 'yang dila mo, itikom mo ang bibig mo dahil target 'yan ng mga pvtang inang kalaban ko. Kaya, kahit patayin ka nila, huwag na huwag kang magsasalita!" asik niya sa akin. "O-Oo, hi-hindi ko sasabihin, Boss," nauutal na sagot ko. "Pero, sabihin mo! Ba't marunong kang humawak ng armas! Kalaban ka! Ispiya! Ano!" asik niya sa akin. "Na-Nakita ko lang kanina sa mga tauhan mong nag-e-ensayo," pagsisinungaling ko, kahit hindi ko naman talaga sila nakita. "Pinapatay ko ang mga sinungaling na katulad mo! So, tell me, papaanong natutuhan mo agad ang paghawak ng armas! Sabihin mo!" muling sigaw niya sa akin na lalong idiniin ang pagtutok sa akin ng baril. "Please, Boss Sebastino, hu-huwag mo 'kong papatayin," kabadong saad ko. Isang kalabit lang niya sa gatilyo ay tiyak na patay ako. Pero, ayaw ko pang mamatay at hindi ako puwedeng mamatay nang hindi pa ako nakapaghihiganti sa kanya! "Inuulit ko! Isa ka bang ispiya! Kalaban!" muling sigaw niya sa akin. Muli akong napalunok. "Hindi ako ispiya, Boss Sebastino at lalong-lalo na hindi ako kalaban. Kung hindi ko naman 'yon gagawin, tulad ng sinabi ko ay mamamatay kami, lalo na ang girlfriend n'yong si Gail," mahabang pahayag ko. "Fvck you! She's not my girlfriend. Labasan ko lang ng sperm cells ko ang mga babaeng makikita mo rito sa pamamahay ko!" mariin na aniya. "Kaya pinabayaan mo na lang sana siyang mamatay!" bulyaw pa niya sa akin. Kita ko ang paggalaw ng lalamunan niya at ang matalim niyang titig sa akin na tila papatayin niya ako, kaya masasabi ko talaga na ibang-iba na talaga ang Sebastino na ito. Binitawan niya ako. Tumayo siya at naglakad na siya palabas ng kuwarto. Naikuyom ko ang dalawang kamay ko, kasabay ng paggalaw ng aking mga panga. "Titiisin ko lahat, Sebastino, makuha lang ang loob mo," bulong ko sa aking sarili. "Lumabas ka na riyan! Bago pa magbago ang isip kong ikulong ka!" narinig kong sigaw ni Sebastino. Tumayo ako. Huminga muna ako nang malalim, saka na ako lumabas. Nakapagtataka lang na alam ni Sebastino na kumuha ako ng armas niya secret room, samantalang sa mansyon na ito nakakabit ang cctv footage. "Hindi ko naisip ang bagay na 'yon. Ang tanga mo rin, Lorraine," bulong ng isipan ko. Bumaba na ako. At nasa sala si Sebastino, kasama ang nakabubuwiset na pagmumukha ng ibang mga tauhan niya. "Ngayon ko lang napagtanto, Boss na may hitsura din naman pala ang bago mong katulong dito," nakangisi na sambit ni Vince. "Oo nga naman, Boss Sebastino. Lalo na siguro kapag nabihisan 'yan," komento naman ni Anthony na tiningnan ako pababa-pataas. "Wala akong pakialam sa mga opinyon n'yo!" asik ni Sebastino sa mga ito pero sa akin naman siya nakatingin. "Dalhan mo kami ng alak, ngayon din, Lorraine! Pero, magbihis ka muna para hindi ka amoy dugo!" gagad niya sa akin. Tumango lang ako. At mabilis kong tinungo ang kuwarto ko. Binilisan kong maligo at nagbihis ako ng manipis pa sa suot kong bestida. Importante ay nakasuot ako ng bra at panty. Gusto ko lang makita kung ano'ng reaksyon ni Sebastino. Lumabas na ako. Tinungo ko na ang mini bar upang ipaghanda ng maiinom na alak ang mga 'yon. Mabuti na lang at hindi ako nakapagtago rito kanina, dahil kung hindi ay maraming mababasag na bote. Kumuha ako ng whiskey. At ilang baso, saka ko inilagay sa tray. Dinala ko na ito sa kanila, at hindi pa man din ako nakalalapit sa kanila ay iba na ang tingin ng mga ito sa akin, lalo na si Sebastino. Ngumiti ako na may kasamang pag-aakit at pasimple akong naglakad ng pasexy. Sumipol ang isang tauhan niya, pero wala akong paki! "Woah! Pvtang ina, ang sexy ng katawan! Ulalam mga pre!" namimilog na mga mata na saad ng lalaking tauhan ni Sebastino. "Tang ina, hindi lang ulalam, pang model pa!" komento naman ng isa pang tauhan na katapat ni Sebastino. Subalit, wala akong mababakas na anomang reaksyon kay Sebastino. "Heto na ang inyong alak, Boss Sebastino" ngiti na sambit ko, sabay lapag ko ng tray sa ibabaw ng mesa. "Ano nga pala gusto n'yong pulutan?' tanong ko. "Ikaw ang gusto naming pulutan, Lorraine," wika ni Anthony. "Oo nga naman," sang-ayon naman ni Vince at nakita kong nagkindatan ang mga ito. Nakita ko naman ang pagngisi ni Sebastino kaya napalunok ako, kasabay ng paglabas niya ng baril saka. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD