"At saan kayo pupuntang dalawa, ha!" sigaw ng kalaban sa amin.
"Lalabas na sana, eh. Kaso, dumating ka," sarkastiko na sagot ko.
"Aba't, sumasagot ka pa, ha!" gagad nito na sinampal ako dahilan upang mapabiling ang mukha ko.
"s**t!" bulong ko. "Grabe ka naman, Boss. Babae ako, kaya huwag mo 'kong patulan. Gusto mo bang masahein ka namin, lalo na ito," sambit ko na hinawakan ang tt niya, sabay haplos niyon.
"Ah! Ang sarap," usal nito.
Napangiwi ako dahil sa hitsura nito.
"Gusto mo bang paligayahin ka namin sa kama?" malambing na saad ko. Lihim kong inilagay ang isang baril ko sa likod ng aking panty. Pinisil-pisil ko ang tt nito upang sa gayon ay lalo itong masarapan.
"Oohh!" muling usal nito. "Pumapayag ako, pero tanggalin mo 'yang armalite mo at akin na iyang baril mo dahil sagabal lang ito sa pagroromansa mo sa akin. Baka, maiputok mo pa ang mga ito. Dahil ang gusto ko, ako magpapuputok sa 'yo ng armalite ko sa ibaba," ngisi nito sa akin. "At kapag natikman mo ito, tiyak kong hahanap-hanapin mo ito," dagdag pa nito.
Inalis ko ang nakasukbit na armalite sa aking balikat at ipinatong ko sa upuan ang hawak kong baril.
Ganoon din ang ginawa ng kalaban na ito, kaya lihim akong ngumisi.
"Hubaran mo siya, Gail dahil ako magrortomansa sa kanya," sambit ko.
"A-Ano? Ako maghuhubad riyan sa panget na 'yan na mukhang ibon ang pagmumukha!" gagad nito.
Itong babae na talaga na ito ay hindi marunong makisama sa agos ng alon.
"Gusto mo bang barilin kita, ha! Ibon na sinasabi mo! Heto ang ibon ko at hindi na ito ibon, kundi manok na ito!" asik nito na ipinakita sa amin ang matigas na nitong p*********i.
Shit! Hindi naman mukhang manok ang manoy niya, kundi parang siwsiw lang sa laki!
"Manok nga! Baka, tukain agad kami niyan, ha," malanding wika ko.
Ako na naghubad sa kanya. At hinila ko ito patungo sa kama. Subalit agad ako nitong itinulak at pumatong ito sa akin, sabay sibasib sa akin ng halik.
Gusto ko tuloy masuka dahil amoy imburnal ang hininga nito.
"Ang bango mo!" nanggigil na sambit nito. At halata rito ang pagkalibog.
"Sabik na ako, kaya tapusin na natin 'to," saad ko na pinanliitan ko siya ng aking mga mata. Lihim kong Hinugot ang baril sa likod ko.
"Huhubaran na kita, dahil gusto ko ng makita ang malawak na bukirin," ngisi nito.
"Oo! Talagang makikita mo ang malawak na bukirin ko, pero hetong sa 'yo!" gagad ko, sabay tutok dito ng baril at kinalabit ko ang gatilyo nang ilang beses dahilan upang matamaan ito sa ulo.
"Agh!" sambit nito.
Bumagsak ang lalaking kalaban sa sahig. At duguan ito.
"Nagtrabaho ako sa club, pero ni isang lalaki, wala pang nakakita sa pvke ko!" asik ko.
Bumangon ako. Nanginginig sa takot si Gail, kaya hinila ko ito. Dinampot ko ang baril at isinukbit ko ang armalite sa balikat ko.
"Ba't parang sanay kang humawak ng armas? Dati ka bang NPA, ha!" untag nito sa akin.
"Oo! Kaya, ayos-ayusin mo pakitutungo mo sa akin dahil wala akong sinasanto kahit kabaro ko!" asik ko sa kanya. Para naman maging mabait ito sa amin.
"Kung ganoon, malalaman ito ni Sebastino!" bulyaw niya sa akin. Sabay hugot ng cellphone nito sa bulsa.
"Magsumbong ka lang! Diyan ka na!" gagad ko. Binitawan ko siya at lumabas na ako.
"Hoy, ayokong maiwan dito," anito na sumunod sa akin.
"Itong baril. Kalabitin mo ang gatilyo kapag may nakita kang kalaban," pahayag ko.
"Hindi ako marunong humawak niyan," protesta nito.
"Baril nga ni Sebastino, hinahawakan mo, kaya heto, hawakan mo rin 'to," gagad ko rito. Ibinigay ko ang baril sa kanya at naglakad na kaming dalawa patungo sa hagdan subalit hindi pa namin ito nakahahalahati nang sunod-sunod na pumasok ang kalaban. "Yuko!" sigaw ko, kasabay ng pagpapaputok ng mga kalaban sa amin. "P*tang ina!" Nanggigil na sambit ko at gumanti rin ako ng putok sa mga ito.
Tinamaan ko ang dalawa, pero, ang dalawang kalaban ay nakailag ang mga ito.
"Huwag ka ng manlaban, Chikababe. Ituro mo na lang sa amin kung saan nakatago ang mga armas at pera ng pvtang inang Sebastino na 'yon!" bulalas nito sa amin.
"Wala akong alam sa sinasabi mo, Kalbo!" sigaw ko.
Ikinasa nito ang baril. "Matigas ka rin ano, kaya tatapusin ko na kayo!"
"Talon!" muling sigaw ko, at hinila ko si Gail dahil kung hindi kami tatalon ay mako-corner kami ng mga ito. "Agh!" sigaw naming dalawa at nahulog kami sa couch.
"Matinik kayong dalawa, ha! Ngayon, hindi na kayo makatatalon!" sigaw ng kalaban at muli kaming pinaputukan ng baril.
"Magtago ka! At mamaya ka na tumawag!" tulak ko kay Gail. At muli akong gumanti ng putok sa mga kalaban.
Nasapul ko pa ang dalawa nang marinig ko ang sunod-sunod na sigaw ng mga kalalakihan sa labas.
Hindi ko alam kung mga kalaban ba o mga tauhan ni Sebastino ang mga 'yon.
Lalabas na sana ako nang hilahin ng kalaban ang paa ko dahilan upang masubsob ako sa sahig.
"Aka—la mo, makatatakas ka, ha!" sigaw nito kahit halata sa boses nito na nahihirapan na ito.
Sinipa ko ito sa mukha."Magparaya ka na lang dahil matitigok ka lang din naman!"
"Hangga't hindi mo 'ko napapatay, hindi—"
Hindi ko na ito pinatapos pang magsalita dahil binaril ko na ito sa dibdib.
"Ayan! Tinuluyan na kita!" asik ko.
Kinuha ko ang baril nito nang magsalita si Mayordoma sa likuran ko.
"Anong ginagawa mo, Lorraine?" untag nito. Tila para itong nakakita ng multo.
"Isarado n'yo lahat ng pinto, Mayordoma at huwag na huwag kayong lalabas ng mansyon," maawtoridad na saad ko, saka na 'ko lumabas.
Nanlaki ang mga mata ko dahil ilan na lang ang natitirang mga tauhan ni Sebastino. Nilapitan ko ang isa na may tama ng baril. Inalalayan ko ito at ipinaupo ko sa bato.
"Ba't ka lumabas at may dala ka pang baril? Alam mo ba kung paano gamitin 'yan, ha! At isa pa, katulong ang trabaho mo rito, hindi woman shooter, " gagad nito sa akin.
"Ayaw kong magpaliwanag, okay! Importante, nailigtas ko ang jowa ni Boss Sebastino dahil naiwan pala 'yon sa kuwarto," pahayag ko. "Ano bang kailangan ng mga 'yan at lumusob sila kung kailan wala si Sebastino," dagdag ko pa.
"Iyong armas at mga pera ang kailangan ng mga 'yan at talagang pinalano na nila ang pag-alis ni boss," wika nito.
"Armas at pera? Saan ba 'yon nakatago?" saad ko.
"Hindi ko rin alam kung saan, akk!" napangiwi na sambit nito.
"Marami na'ng dugong nawala sa 'yo," saad ko. Pinunit ko ang dulo ng bestida ko at itinali 'yon sa braso niya. "Rito ka muna dahil maraming kalaban doon," dagdag ko pa.
"Mag-iingat ka, dahil medyo marami-rami sila," pahabol nito sa akin.
Tumango lang ako. At naglakad na ako para samahan ang ibang mga tauhan ni Sebastino.
Sana nga ay unti-unti ko ng makuha ang loob niya upang sa gayon ay hindi na ako mahirapan pa sa aking plano.
Ikinasa ko ang hawak kong baril nang putukan ako ng kalaban.
"s**t!" sambit ko. Tumago ako sa malaking punong kahoy. At pinaputukan ko rin ito. Ngunit tumakbo ito, kaya naman hindi ko siya tinigilang paulanan ng bala, kaya naman natamaan ko ito sa paa. "Bulls eye!" bulong ko. Subalit tila parang dumarami yata ang kalaban kaya naman armalite ang gagamitin ko. "Kahit kalaban n'yo ang taong paghihigantihan ko, mas gusto kong ako ang makapatay sa kanya," mariin na saad ko.
Kinalabit ko ang hawak kong M16 armalite. At nagpakawala ako ng pasabog sa mga kalaban.
"Aghh!" narinig kong sigaw ng mga ito at sunod-sunod ko ng pinaulanan ng mga bala ang mga ito. Ngunit may buhay pa talaga.
"Hanapin n'yo kung sino ang nagpasabog at pasabugin din siya!" sigaw ng lalaking nakasuot ng shades.
"Loko ka pala, eh! Hindi n'yo 'ko makikita dahil nakasuot kayo ng shades," sambit ko.
"Hayun! Ang babaeng nakabestida! Tadtarin n'yo ang katawan niya!" muling sigaw ng lalaki at pinaulanan ako ng bala.
Yumuko ako. "Alam kong hindi n'yo' ko matatamaan."
Sumilip ako at pinaulanan ko rin ang mga ito ng bala.
Nang masiguro ko na wala nang buhay ang mga ito ay dahan-dahan ako ng lumapit.
"Sa likod mo!" sigaw ng tauhan ni Sebastino, kaya dumapa ako, sabay balikwas at binaril ko ito.
"Hindi ko pa oras, gago!" sigaw ng isipan ko.
Bumangon ako. Tantiya ko ay nasa kuwarenta katao ang kalaban. Lumapit sa akin ang tauhan ni Sebastino at dumudugo ang labi nito.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito sa akin.
"Medyo. Kasi, sino ba naman ang okay sa lagay na ito, 'di ba?" napapailing na komento ko. "Pero, ikaw yata ang hindi okay," dagdag ko pa rito.
"Malayo ito sa bituka. Um, ako nga pala si Jeric Francisco. Ikaw? Bago kang katulong dito, 'di ba?" wika nito, sabay lahad ng kamay sa harapan ko.
"Oo. Ako si Lorraine Buenavidez," tugon ko at inabot ang kamay ko rito. "Halika, ipatayo na natin ang mga kasamahan mo at gamutin natin mga sugat n'yo," ngiti na saad ko.
Tumango lang ito sa akin at isa-isa naming ipinatayo ang mga kasamahan nito na may buhay pa.
Tinulungan naming ipasok ang mga ito sa loob dahil binuksan ni Mayordoma ang pinto. Nakasilip ito siguro sa amin.
Pinaupo namin ang may mga tama ng baril, kasunod namin ang iba pa na walang mga tama ng baril at buhat-buhat din ng mga ito ang kanilang mga kasamahan.
"Jusmiyo! Ang daming namatay sa inyo! At kayo ay halos may tama ng baril!" mangiyak-ngiyak na saad ni Mayordoma sa mga ito. "Eloisa! Rosalia! Mary Joy! Shey! Lumabas kayo at tulungan n'yo kami rito!" maawtoridad na utos nito na siya namang paglabas ng apat at napaawang ang mga labi nila nang makita kami ng mga ito.
"Super hera na ang peg ni Lorraine ngayon," komento ni Eloisa dahilan upang mapailing ako.
"Sige na, kunin n'yo na ang medicine kit, Eloisa," muling utos ni Mayordoma.
"Wala na bang kalaban mga chimay!" maarteng tanong ni Gail nang lumabas ito mula sa ilalim ng upuan.
"Wala na, kaya lumabas ka na raw," sarkastiko na saad ko.
"Kayo! Ba't ang tatanga n'yo! Ba't tayo napasukan ng mga kalaban, ha! Alam n'yo namang nandito ako, pero hinayaan ninyong makapasok ang mga gago na 'yon!" sermon ni Gail sa mga tauhan ni Sebastino.
"Hindi namin ginusto na pasukin tayo ng mga kalaban, Ma'am Gail. Marami nga sa mga tauhan ni Boss Sebastino ang namatay, kaya hindi namin kagustuhan 'yon," depensa ni Jeric.
"Huwag ka nang magpaliwanag dahil isusumbong ko kayong lahat! Mga polpol kayo! Mga Bobo!" sigaw nito na pinagtuturo kaming lahat.
"Ako muna magsasalita, ha. Hoy, babaeng feeling reyna sa mansyon na ito, kung mga bobo pala ang mga kasama mo rito, sana, ikaw na nakipagbarilan sa mga kalaban. Ikaw nga, narinig mo lang ang putok ng baril, nagsisisigaw ka na, 'di ba? Ano pa kaya na ikaw mismo ang lumaban sa kanila, ha. Kaya, dahan-dahan ka sa pananalita mo, " asik ko.
Akala niya siguro ay hindi ko siya bubuweltahan.
"Ang yabang mo, eh, Chimay ka lang dito! Chimay!" gagad niya sa akin.
"Oo! Chimay lang ako! Pero, ang chimay na ito ang nagligtas sa 'yo! Alam mo dapat, magpasalamat ka nga, hindi ba, dahil humihinga ka pa! Hindi iyong may sugat na nga mga tauhan ng jowa mo ay may gana ka pang magalit. Eh, hindi naman ikaw ang amo," segunda ko.
"Aba' t!" sambit nito na inambahan ako ng sampal.
"Sige, ituloy mo! Pinagbigyan na kita kanina. Pero, ngayon— hindi na! At sisiguraduhin kong putol 'yang kamay mo bago pa man din dumapo 'yan sa pisngi ko!" banta ko rito.
"Isusumbong talaga kita, Chimay! Isusumbong kita, kaya ihanda mo na sarili mo dahil tiyak kong pipilipitin ni Sebastino ang leeg mo!" muling sigaw nito at patakbo itong pumanhik sa taas.
"Ang tapang mo naman, samantalang kami, hindi ka namin magawang ipagtanggol kay Boss Sebastino, " malungkot na komento ng lalaking nilapitan ko kanina.
"Pero, Okay lang 'yon. Alam ko naman na kapag ginawa n'yo 'yon ay madadamay rin kayo. Pero, mas mabait pa kayo doon sa dalawang lalaki. Si Anthony ba 'yon at—"
"Si Vince, iyong may nunal sa labi at hindi rin namin kasundo ang mga 'yon dahil ni-recruite lang 'yon ni Boss Derrick kay Boss Sebastino. Nauna pa nga kami, kaysa sa kanila. Iyon nga lang, malakas ang mga 'yon kay boss kaya sila palagi ang kasama sa transaksyon," pahayag nito. "Ako nga pala si Emman Barcelo. At ikaw naman si Lorraine, right?" ngiti nito.
"Oo. Gamutin na namin mga sugat n'yo," saad ko.
Ipinatong ni Eloisa ang medicine kit sa ibabaw ng mesa at kanya-kanya kaming gamot sa mga at natamaang bala nang marinig namin ang tunog ng pick up.
"Humanda kayo, baka kalaban na naman ang mga 'yan! Joson, silipin mo kung kalaban," sambit ni Jeric sa nakatayong lalaki.
Sinilip naman nito. "Sina Boss Sebastino ang dumating. Anong gagawin natin?"
Nagkatinginan kami. "Huwag kayong matakot dahil hindi n'yo naman kagustuhan ang nangyari," sambit ko.
"T@ng *na!" narinig naming sigaw ni Sebastino, kasabay ng pagpapuputok niya ng baril.
"Baka, ikaw pag-initan niya, Lorraine dahil paniguradong isinumbong ka niyong babae niya," nag-aalalang saad ni Jeric.
"Huwag mo 'kong alalahanin, Jeric. Ang importante ay magamot kayo," saad ko.
Pero ang totoo ay kinakabahan din ako.
Subalit, nagulat kaming lahat nang pumasok si Sebastino at itinutok niya sa akin ang hawak na baril, sabay kalabit niyon at. . .