"Magpalit ka ng suot mo, kung ayaw mong tatdtarin ko ng bala 'yang pvke mo!" banta niya sa akin.
Matalim ang ipinukol niyang tingin sa akin dahilan upang mapalunok ako. Pero, kahit papaano ay naagaw ko ang kanyang pansin. Iyon ang importante sa akin.
Muli kong tinungo ang kuwarto ko nang marinig kong magsalita ang isa pang tauhan ni Sebastino.
"Sayang naman Boss Sebastino dahil pinagpalit mo siya ng suot niya. Pagkakataon na naming makatikim ulit ng sariwang tilapia. At tiyak kong birhen pa ang katulong mo na 'yo—"
Hindi nito naituloy ang sasabihin dahil sa isang putok ng baril.
"Ilabas 'yan at ilibing agad!" narinig kong utos ni Sebastino.
"Ano kaya'ng nangyari?" bulong ko.
Nagpalit na ako. Pajama at maluwang na sleeveless ang isinuot ko, pero kita pa rin ang cleavage ko, dahil nakapush ang suot kong bra.
Lumabas na ako. Bumalik ako sa kinaroroonan nila at nakita ko ang bahid ng dugo sa sahig, dahilan upang kabahan ako.
Binaril ni Sebastino ang tauhan niya? Talagang hayop ang lalaking ito.
Pero, dapat masanay na ako sa mansyon na ito, lalo na kay Sebastino.
"Ano pang tinatanga-tanga mo riyan! Kumuha ka na ng pulutan!" maawtoridad na utos niya sa akin.
Tinungo ko ang kusina. Hindi ko naman alam kung ano'ng gusto nilang pulutan, kaya kinuha ko ang sisig dahil ire-reheat na lang 'yon.
Nang mainit na ito ay inilagay ko sa maliit na tray na may kasamang kutsara at dinala ko na sa sala.
"Heto na ang pulutan n'yo, Boss Sebastino," sambit ko. Yumuko ako, upang makita niya ang svso ko. At hindi nga ako nagkamali dahil napukaw ko ang kanyang pansin. "Um, sa kusina lang ako at tawagin n'yo na lang ako kapag may kailangan kayo," ngiti na saad ko.
Hindi siya umimik. Bagkus ay kinuha niya ang whiskey at binuksan 'yon.
Tinalikuran ko na silang anim. Bumalik na naman ako sa kusina at dito na lang ako maghihintay.
Umupo ako. Panaka-naka akong sumisilip sa kanila, nakita ko na nakahahalati na nila ang alak.
Ang bilis nilang uminom na tila parang tubig lang iyon.
Sumandal ako. Naalala ko ang pakipagpapalitan ko ng bala kanina at hindi ko akalaing magagawa ko ang bagay na 'yon.
Kung sabagay, kung gusto mo talagang gawin ay magagawa mo.
"Lorraine!" narinig kong tawag ni Sebastino, kaya agad akong lumapit sa kanila.
"Ano 'yon, Boss Sebastino?" tanong ko.
"Magdala ka pa ng alak dito," matigas na utos niya sa akin.
"Sige, Boss," sagot ko.
Kumuha pa ako ng alak sa mini bar at bumalik ako sa sala.
Ipinatong ko ito sa ibabaw ng mesa at tulad ng ginawa ko kanina ay yumuko na naman ako upang makita niya ang cleavage ko. At hindi ako nagkamaling mapadako ang tingin niya rito, sabay simsim niya ng alak.
Lihim akong ngumisi. Bumalik na ako sa kusina. Hintayin ko na lang na tatawagin na naman niya ako.
Ano pa naman ang oras, kaya makakailang bote rin ang mga ito
Para hindi ako mabagot, nagwalis-walis ako at pinunasan ko ang mesa, mga upuhan, at cabinet.
Nang matapos ako ay tumingin ako sa relo at mag-a-alas diyes na pala. Pero, hindi pa tapos sina Sebastino.
Inaantok na ako. Kaya, ipinatong ko ang dalawang braso ko sa ibabaw ng mesa at saglit akong umidlip.
Hindi ko na rin alam ang nangyayari dahil masarap na ang tulog ko. Subalit nagising na lamang ako nang may nagbuhos ng alak sa aking mukha.
"Ay, put—" naputol ang sasabihin ko dahil si Sebastino agad ang nakita ko, kaya naman nanlaki ang mga mata ko.
"Dogshit! Kaya, naman pala, hindi ka sumasagot, dahil natutulog ka na rito. Hindi ko sinabing matulog ka, kaya hindi ka matutulog!" sigaw niya sa akin.
"Pa-Pasensya ka na, Boss dahil nakatulog ako," hinging paumanhin ko. Pinunasan ko ang mukha ko, gamit ng suot ko. "Kailangan n'yo pa ba ng alak?" tanong ko pa sa kanya.
"What do you think? Get the wine!" matigas na aniya sa akin.
Tinalikuran na niya ako. Kung puwede lang na agawin ang baril na nakasuksok sa baywang niya ay kinuha ko na.
Sumunod na lang ako sa kanya at muli kong tinungo ang minibar dahil katabi lang naman ng kusina.
Kumuha ako ng dalawang bote at ipinatong ko 'to sa mesa.
Bumalik na ako sa kusina. Mamaya na lang ako magpapalit, bago ako matulog dahil baka iba na naman ang gagawin ni Sebastino at hindi na alak ang ibuhos niya sa akin.
Lumipas ang isang oras ay pasado alas onse ymedya na. Naririnig kong nagtatawanan ang mga tauhan ni Sebastino. Ayaw ko naman silang silipin, pero bakit sila-sila lang ang nag-iinuman?
"Lorraine!" narinig kong tawag ni Anthony sa akin. Lumapit ako. Kita kong nakasandal na si Sebastino. Nakapikit at nagsasalita itong mag-isa. "Dalhin mo na si Boss Sebastino sa kuwarto niya at bumalik ka rito," maawtoridad na utos niya sa akin.
"Bakit ako magdadala sa kanya, hindi kayo? Eh, ang lalaki ng mga katawan ninyo," gagad ko.
"Abat't ang suplada mo, ha! Natural lang na ikaw dahil katulong ka niya. Bilis an mo na para may ka-table kami rito," saad pa nito sa akin.
Pinukulan ko ito nang masamang tingin, ngunit ngumisi lang ito sa akin.
Nilapitan ko si Sebastino. Inilagay ko ang braso niya sa balikat ko at inalalayan ko siyang pumanhik sa taas.
"s**t, ang bigat mo!" bulong ko.
Kung puwede na hilahin ko na lang siya ay gagawin ko, pero alam kong isusumbong ako ng mga tauhan niya. At alam kong may cctv na nakakabit dito, hindi ko alam kung saan.
Malapit na kami sa kuwarto niya nang imulat niya ang kanyang mga mata. At tumingin siya sa akin.
"Anong ginagawa mo?" untag niya sa akin.
Hindi ako sumagot. Binuksan ko ang pinto nang kuwarto niya at pumasok kaming dalawa.
Ipinahiga ko siya nang hindi sinasadya na madaganan ko siya at tumama ang svso ko sa kanyang mukha.
"Putik!" usal ko.
"Fvck!" sambit naman niya, sabay tulak sa akin, dahilan upang sumalampak ako sa sahig.
"s**t!" bulong ko.
Gusto ko sanang samantalahin ang oras na ito, upang akitin siya, ngunit nakainom naman ang gago.
Tumayo ako at lumabas na. Bumaba na ako at dire-diretso akong naglakad patungo sa kuwarto ko nang sundan ako ni Anthony, saka ako nito hinaklit sa braso.
"Hindi ba't sabi ko, sa 'yo kanina ay saluhan mo kami," inis na saad nito.
"Hindi kita boss para sundin ko! Kung ikaw sana amo ko, kahit anong iuutos mo, gagawin ko. Kaso, tauhan ka rin ni Sebastino, tulad ko," gagad ko rito.
"Aba' t tarantado 'to, ah!" asik nito sa akin na inambahan ako ng sampal.
"Sige, ituloy mo!" asik ko rito. "Akala mo ba, natatakot ako, sa ' yo porke lalaki ka," sambit ko pa rito.
"Ang tapang mo naman, Lorraine. Hindi mo ba iniisip na pulos kami lalaki rito, ha!" singit naman ni Vince.
"Hindi, dahil sino ba kayo? Eh, hindi naman tayo nagkalalayo ng trabaho. Ako, katulong, kayo, katulong ni Sebastino sa patay an," sarkastiko na saad ko.
"Talagang sinusubukan mo kami, ha!" asik nito na sinampal ako, subalit nasalo ko ang kamay nito, sabay tuhod ko sa ari nito "Ah!" sigaw nito.
"Anong ingay 'yan!" narinig naming sigaw ni Sebastino.
Lumabas siya sa kuwarto niya habang hawak-hawak niya ang kanyang ulo. At sa kaliwang kamay niya ay hawak niya ang baril dahilan upang kabahan na naman ako dahil sa dala niyang baril.
"Wala naman, Boss, nagpakukuha lang kami ng alak kay Lorraine," sagot ni Anthony kay Sebastino, saka ito tumingin sa akin at sumenyas pa ito.
"Mga sinungaling kayo," gagad ko, dahilan upang matalim akong tignan ng mga ito, lalo na si Anthony. "Pinipilit nila akong makipag-inuman sa kanila, Boss Sebastino. Pero, ayaw ko dahil may trabaho pa ako bukas," pahayag ko.
Subalit, matagal bago siya sumagot, at salitan niyang tiningnan sina Vince at Anthony.
"Pumasok ka na sa kuwarto mo," maawtoridad na utos niya sa akin.
"Boss, kahit kalahating oras lang sana, para naman may ka-table kami rito," pagpupumilit ni Anthony kay Sebastino.
Ngunit, nagulat na lang kaming lahat nang barilin ni Sebastino ang isa pang vase, malapit kay Anthony.
"Bo-Boss, nagbibiro lang naman kami, kaya—"
"Pvnyeta kayo! Wala kayong karapatan sa babaeng 'yan!" putol ni Sebastino na muling nagpaputok ng baril. "Ano pang hinihintay mo, Lorraine! Pumasok ka na!" baling niya sa akin.
Mabilis akong naglakad, subalit nginisihan ko pa si Anthony at Vince bago ako tuluyang pumasok sa kuwarto ko.
Wala na akong narinig na ingay sa labas, kaya naman ni-lock kong mabuti ang pinto dahil baka pasukin ako ng dalawang bugok na 'yon.
Pero, nakapagtataka lang dahil ipinagtanggol ako ni Sebastino. Tiyak kong may kapalit ang ginawa niyang iyon kanina.
At kahit ngayon ko lang siya nakasama at muling nakita sa mahabang panahon ay masasabi kong isa siyang tuso.
Muli akong naligo sa pangatlong beses. At mahapdi pa rin ang puwet ko, kaya dahan-dahan lang akong naligo. Hindi ako nagsuot ng bra. Pagsampa ko sa higaan ko ay kinuha ko ang aking bag sa ilalam ng kama at kinuha ko ang cellphone ko. Pang isang buwan ang load nito.
Marami na palang miscalls si Czarina, kaya ni-text ko ito na huwag niya akong alalahanin at hindi patago akong gumagamit ng cellphone.
Nagreply naman agad ito na mag-iingat ako. Alam ko namang nag-aalala ito ng sobra sa akin. Ngunit may isa akong salita at kaya ko ang sarili ko.
Muli akong nanood ng mga aksyon, kasama ang barilan, p*****n at ang tamang pag-atake sa kalaban.
Ngunit hindi ko alintana ang oras at mag-a-alauna na pala ng hating gabi.
Itinago ko na ang cellphone ko. Naalala ko na hindi ko pala napatay ang ilaw sa kusina. Tamang-tama dahil kukuha ako ng tubig para inumin.
Lumabas ako. Wala ng ilaw sa kusina, kahit sa sala. Ngunit maliwanag naman dahil sa sinag ng buwan
Naisip kong silipin si Sebastino. Pero, saka na lang dahil malakas ang pang-amoy niya.
.
Tinungo ko na ang kusina. Kumuha ako ng tubig. Ininom ko 'yon at muli akong nagsalin ng tubig sa baso. Naglakad na ako pabalik sa aking kuwarto nang maapakan ko ang isang malambot na bagay, kasabay ng pagsindi ng ilaw dahilan upang magulat ako.
"s**t!" mahinang sambit ko.
Tiningnan ko ang kung ano'ng naapakan ko at isa itong patay na daga. Muntikan na akong mapasigaw, ngunit agad kong tinakpan ang bibig ko. Luminga ako, pero wala naman akong nakitang tao, maliban sa mga tauhan na nagbabantay sa labas.
Ipinatong ko ang baso sa mesa. Kumuha ako ng pandakot at itinapon ko ang patay na daga.
Pagbalik ko ay patay na naman ang ilaw, kaya hindi ko alam kung pinaglalaruan nila ako. At sino naman ang baliw ang may kagagawahan nito?
Naghugas akong mabuti sa lababo at kinuha ko na ang baso saka na ako pumasok sa loob ng aking kuwarto.
Isinarado kong mabuti ito. Lakad-balik ang ginawa ko. Iniisip ko kung isa kina Vince at Anthony ang puwedeng gumawa niyon sa akin.
Uminom ako ng tubig. Bumalik na ako sa higaan ko. At nakatulugan ko na ang pag-iisip.
Subalit, naalimpungatan ako nang may kumatok sa pinto. At nagulat na lang ako dahil si. . .