Chapter 14: Bakbakan

1241 Words
s**t!" bulong ko. "Ang tapang mo naman para habulin mo kami, ano! Akin na 'yang baril mo!" gagad ng lalaking kalaban sa akin. "Ito na nga lang baril ko, tapos kukuhanin mo pa! Grabe ka naman, Kuya," ngisi na saad ko. "Hindi ako nakipagbibiro sa 'yo, babae! Akin na ' yang baril mo kung ayaw mong iputok ko 'to, sa 'yo!" asik nito sa akin. "Eh, hindi rin naman ako nakipagbibiro sa 'yo, eh! Katulad nito!" gagad ko na mabilis kong kinuha ang kamay nito at hinila ko ito, dahilan upang bumagsak ito sa sahig. "Ughh!' sigaw nito., Siniko ko ito sa leeg, sabay baril ko rito, dahilan upang mawalan ito ng ulirat. Kinuha ko ang baril nito upang sa gayon ay may gagamitin ako. Sinundan ko na si Mr. Hakuro nang paputukan ako ng mga tauhan nito. "Wala kang bayag, Hakuro!" sigaw ko. Wala akong pakialam kung hindi niya ako naiintindihan. Gumanti rin ako ng putok sa mga ito. Gusto kong bawihin ang suitcase dahil manloloko ang matandang koreano na 'yon! "Huwag ka nang sumunod, Miss kung gusto mo pang mabuhay!" sigaw sa akin ng kalaban na muli akong pinaputukan ng baril. Mabuti na lang at tumatama ang bala sa railings. "Mga putragis kayo!" ganti ko. Pinaputukan ko rin ang mga ito kaya natamaan ko ang mga tauhan ni Mr. Hakuro. "Makukuha rin kita suitcase," bulong ko. Sumakay na si Mr. Hakuro sa kotse nito kaya binilisan kong bumaba. At pinaulanan ko ito ng bala. Ngunit hindi ito natamaan. Nakita ko ang isang motor. Dali akong lumapit doon. Sumakay ako at pinaandar ko 'yon ng mabilis upang habulin si Mr. Hakuro. Mabuti na lang at may slit ang suot ko. "You're going to chase me!" sigaw nito, sabay baril nito sa akin. Umilag ako. Muntik pa akong mabangga sa parating na kotse. Binilisan ko pa ang pagpatatakbo ko. "Manloloko kang koreano ka! Kasing liit ng budhi mo 'yang mata mo!" bulalas ko, sabay putok ko rito ng baril. Pero, nakaiwas siya. "Tiyak kong hindi ka na makatatakbo kapag ito gagawin ko!" sigaw ko pa na binaril ko ang gulong ng kotse nito, dahilan upang pumutok iyon. Tumigil ang kotse. Huminto ako. Bumaba ako at dahan-dahan akong naglakad palapit sa sasakyan nang muli ako nitong paputukan ng baril . "Putik!" sambit ko. Gumanti na naman ako ng putok at hindi ko ito tinigilan hangga't hindi ito mawalan ng ulirat. "Bravo!" narinig kong sigaw ng lalaki sa aking likuran. Nilingon ko ito. Si Sebastino at dahilan upang magsalubong ang mga kilay ko. Hindi ko naramdaman na sinundan niya ako. At hindi niya kasama ang girlfriend niya. Girlfriend or babae? Well, wala akong pakialam. "Ang galing mo pa lang pumatay ng tao," pumapalakpak na aniya sa akin. Ngumisi ako. "Oo naman, Boss. Sisiw lang sa akin ang pumatay." "Kung gayon, hindi ako nagkamali na ipasok ka sa organisasyon ko," ngiti niya sa akin. "Welcome to the Black Boss, Lorraine Buenavidez," ngisi niya sa akin. "Salamat, Boss Sebastino," saad ko. "Ikaw naman talaga ang target kong patayin," bulong ng isipan ko. "What are you waiting for? Get the suitcase, bago pa tayo mahuli ng pulis," maawtoridad na utos niya sa akin. Naglakad ako patungo sa kotse ni Mr. Hakuro at naliligo ito sa dugo. Aminado akong kinakabahan ako dahil ganito ko nadatnan si Pamela. Huminga ako nang malalim. Pumikit pa ako, saka ko inabot ang suitcase sa loob ng kotse. Ngunit, nagulat ako nang sakalin ako ni Mr. Hakuro. "Ughh!" nasasaktang sambit ko. Akala ko ay patay na ang matandang ito, ngunit hindi pa pala. "I—I will kill you!" impit na sigaw nito na lalong hinigpitan ang pagkasasakal sa leeg ko. "Bi-Bitawan m-mo ako!" asik ko rito. Inalis ko ang kamay nito sa aking leeg subalit matigas ito. Nagulat na lang ako nang sunod-sunod itong barilin ni Sebastino kaya binitawan ako ni Mr. Hakuro. "Putok na nga bungo mo, nananakal ka pang pvtang *na ka!" nanggigigil na sambit ni Sebastino. Bumaling siya sa akin. "Hindi ka pa pala ganoong karunong makipaglaban, kaya mag-ensayo ka, dahil sa susunod, pababayaan kitang patayin ng kalaban!" gagad niya sa akin. Kinuha niya ang suitcase. At naglakad na siya palayo sa sasakyan at sumakay na siya sa kotse niya. Umalis na rin ako nang tawagin niya ako. "Huwag kang gumamit ng sasakyan na may plate number dahil baka makulong ka!" sigaw niya sa akin. Tumingin ako sa motor at may plate number iyon. Kaya ang ending ay naglakad na lang ako. Subalit, bumaba si Sebastino at walang pakundangan akong binuhat papasok sa kotse niya. Napaigik pa ako dagil tumama ang puwet ko sa maleta. "You're so stupid! Ang hirap bang intindihin ang sinasabi ko?" asik niya sa akin. "Wala ka naman kasing sinabi na sasakay ako," kiming sambit ko. Ngunit nagulat ako nang hawakan niya ako sa aking panga. "T*ng *na! Nagrarason ka pa talaga!" singhal niya sa akin. "Pa-Patawad, Boss," hinging paumanhin ko. "Takot ka naman pala, sumasagot ka pa!" muling asik niya sa akin. Binitawan niya ang panga ko at pinaandar niya na ang sasakyan nang tumunog ang telepono niya. "Yes, Babe. Magkita na lang tayo sa mansyon. Magshower ka na at maghugas kang mabuti dahil sabik na ako sa pvke mo," kausap niya sa kanyang jowa. Narinig ko pa siyang tumawa. Pero, dapat ay hindi niya pinaririnig sa akin ang bagay na 'yon. Ibinaba niya na ang tawag. At mabilis niyang pinatakbo ang kotse nang mapansin ko na tila may sumusunod sa amin. "May sumusunod sa atin, Boss," sambit ko. "Humanda ka dahil tiyak kong nasundan ako ng mga tauhan ng hakuro na ' yon," saad niya sa akin. "May bag ng baril diyan sa back seat, kuhanin mo. Kapag dumikit ang mga gago na ' yan, pasabugin mo agad sila!" maawtoridad na aniya sa akin. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, kaya naman kinuha ko na ang armas. Nang makalapit na sa amin ang kotse ay binuksan ng lalaki ang bintana. "Pvtang ina ka, Sebastino!" sigaw nito, kasabay ng pagpapaulan ito ng baril sa aming sinasakyan. "Sabi ko na nga ba, ang tauhan ni Hakuro. Akin na 'yang baril!" sigaw niya. Akala ko, ako ang babaril sa mga ungas na kalaban, pero siya rin naman pala ang papatay sa kanila. Ibinigay ko sa kanya ang caliber 45. Binuksan niya ang pinto at pinaputukan niya ang mga kalaban. "Ilihis mo ang kotse, Brando!" narinig kong sigaw ng kalaban. "Sa likod ka, Lorraine! buksan mo ang bintana at paulanan mo sila ng bala," utos niya sa akin. Iyon nga ang ginawa ko. Binuksan ko ang bintana. At Tinadtad ko ng bala ang mga ito, dahilan upang matamaan ko ang iba sa kanila. "Tarantado ka, Sebastino! May back up ka pa talagang babae! Anong akala mo sa kanya, wonder woman, ha! Kahit ilan-ilan pa isakay mo sa kotse mo, mapapatay at mapapatay namin sila, kasama ka!" sigaw ng kalaban at muli kaming binaril ng mga ito. "Kumapit ka, Lorraine!" sambit ni Sebastino. Hindi ko alam kung ano'ng binabalak niya, kaya sumunod na lang ako. Binilisan niya ang pagpapaandar ng kotse, kasabay ng pagbangga niya sa sasakyan ng mga kalaban. "s**t!" muling sambit ko. Dahil tumama ang balakang ko sa pinto. "Ano pa'ng tinatanga-tanga mo riyan, barilin mo na sila!" maawtoridad na utos sa akin ni Sebastino. Binaril ko ang mga ito, subalit nakailag naman sila. "Ba't hindi mo sila natamaang lahat, bulag ka ba!" gagad pa ni Sebastino sa akin, dahilan upang ikuyom ko ang kamay ko.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD