Chapter 7: Pisil

1944 Words
"Babe!" tawag ng babae sa kanya. "Ayaw ko sa lahat iyong maraming dahilan!" muling gagad niya. "Pagsilbihan mo kami!" asik pa niya sa akin. Huminga ako ng malalim. Lumunok muna ako at pumihit ako paharap sa kanya. "Pasensya na, Boss Sebastino," hinging paumanhin ko. Nanlaki pa ang mata ko dahil walang anumang saplot si Sebastino. "Damn! Ano bang ginagawa ng Sebastino na ito? Ako dapat ang nang-aakit sa kanya, pero siya pa yata itong mang-aakit sa akin," muling bulong ng isipan ko. "Pvtang ina naman, Sebastino! Nagkakantvtan tayo, tapos may chimay ka rito sa loob. Kung kailan namang sarap na sarap na ako sa tt mo, tapos may gan'yan!" inis na reklamo ni Gail. "Narinig mo naman na inutusan ko si Mayordoma kanina, hindi ba? Kumain muna tayong dalawa," pahayag ni Sebastino. Nilagyan ko na ng pagkain ang Kani-kanilang plato. Nagsuot ng roba si Gail at umupo na ito sa upuan. Samantalang nagsuot lang ng boxer shorts si Sebastino at umupo na rin siya. "Um, puwede na ba akong lumabas, Boss Sebastino? Tawagin mo na lang ako kapag tapos na kayong kumain," sambit ko. "No! Hindi kita pinalalabas, kaya huwag kang lumabas!" matigas na aniya. "Hintayin mo na matapos kami," sambit pa niya sa akin. Tumayo ako nang tuwid. Pinukulan pa ako ni Gail ng masamang tingin bago ito sumubo. "Paglabas ng chimay mo, susulitin ko mamaya, ha. Alam mo naman na mababaliw ako kapag hindi ko nakita ng ilang oras iyang hotdog mo," maarte na wika nito. "Okay," sagot naman ni Sebastino. "I want more," sambit niya na tumingin sa akin. Puwede naman kasing ang girlfriend niya ang magbigay ng pagkain niya. Ba't kailangan pa na ako ang utusan niya? Lumapit ako sa kanya. Nilagyan kong muli ng pagkain ang plato niya nang hawakan niya ang puwet ko, sabay pisil niyon. Shit! Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil baka, sumigaw ako. Hindi ko rin naman siya mapipigilan dahil baka makahalata ang girlfriend niya. Kaya, hinayaan ko na lang siya kung ano'ng gusto n'yang gawin. At least, hindi na ako mahihirapan na akitin siya. Nakikiliti ako nang ipasok ni Sebastino ang kamay niya sa aking suot na t-back, sabay hila sa buhok ng p********e ko, dahilan upang mapangiwi ako. "Ba't ang tagal mong lagyan ng pagkain ang jowa ko? Slow motion ka," gagad sa akin ni Gail. Hindi ako sumagot. Lumayo na ako nang matapos ko ng lagyan ang plato ni Sebastino. Nang matapos na silang kumain ay niligpit ko kaagad ang kanilang pinagkainan. Lumabas na ako at bumaba at tinungo ko na ang kusina. "Ano, naubos ba ni Sebastino at Gail ang kanilang tanghalian?" tanong ni Mayordoma. "Oho, Mayordoma," sagot ko. Umupo na ako para magtanghalian na nang muli na naman itong magsalita. "Nakarinig kami ng ungol. Ungol na naman ba iyon ng nasasarapan?" ani Eloisa, sabay hagikgik nito. "Tumigil ka, Eloisa. Kung ano man 'yong naririnig n'yo ay pakinggan n'yo lang dahil ayaw pa naman ni Sebastino ng tsismosa at pakialamera," pahayag sa amin ni Mayordoma. Tumango na lang kami nang makarinig na naman kami ng ungol. "Yes, Sebastino, AAh! Ahh! Ang tigas talaga ng tt mo, aahh! Umm! Ang sarap! Ang sarap talaga!" malakas na ungol ni Gail. "Grabe naman 'yan! Kaunti na lang ay marinig na siya hanggang rotonda," mahinang gagad ni Shey. "Inggit lang kayo. Uy, Lorraine, nakita mo sila, ano? Malaki ba ang ano? Iyong alam mo na, iyong batuta ni Boss Sebastino, " muling tanong ni Eloisa, kaya pinukulan siya nang masamang tingin ni Mayordoma. "Natural, siya nagdala ng pagkain ng dalawa, eh," sarkastiko na saad naman ni Rosalia. "Pero, tanong ko rin kung malaki ba? Kuh, mapatatalon siguro ako sa nerbiyos kapag ako nakakita ang ano niya, nang sushi niya," malanding wika naman ni Eloisa, sabay impit na tumawa. "Nasa hapagkainan tayo, kaya tumahimik na lang kayo at kumain," saway ni Mayordoma. "Lorraine, trenta mil ang sweldo mo sa mansyon na ito kaya masuwerte ka. Dahil ang apat na kasama mo ay bente mil lamang," wika pa nito kaya napatingin ako kay Mayordoma. "Mabuti ka pa, malaki suweldo mo," komento ni Rosalia. Bigla itong nangalumbaba, ngunit kinalabit ito ni Mary Joy. "Talagang malaki ang sweldo niya, dahil kita n'yo naman, halos patayin siya ni Boss Sebastino," sarkastiko na saad naman ni Mary Joy, kaya nagkatinginan ang mga ito. "Pero, ang tapang mo, Lorraine. Kung kami 'yon, baka namatay na kami sa nerbiyos, o 'di kaya ay nagkandaihi-ihi na kami sa aming panty," komento na naman ni Rosalia. Kung alam lang ng mga ito ay todo-todo ang nararamdaman kong kaba. Hindi ko lang ipinahahalata dahil planado ko na ang lahat, kaya kailangan kong maging matapang. Nandito na ako sa teritoryo ni Sebastino, kaya susuko pa ba ako? "Nakita ko sila, pero, wala naman akong pakialam kahit nakahubad sila o makita ko pa ang kanilang mga ari. Dahil sila naman itong nag-utos sa akin. At sa suweeldo naman, salamat dahil makapag-iipon ako," sagot ko. Tumango-tango na lang ang mga ito. At Nagsikain na kami. Tinapos na namin ang aming tanghalian nang hindi kami nagsasalita. Pagkatapos ay bumalik na kami sa aming trabaho. Narinig pa namin ang ungol ng babae, pero parang wala na 'yon sa amin. Halata na kasing sinasadya. Pagsapit ng alas sais ay naghapunan na kami. Kanya-kanya ng pumasok sa kanilang kuwarto ang mga kasama ko. Subalit, tulad kanina ay ako na naman ang inutusan magdala ng pagkain ng magjowang Sebastino. "Ikaw na naman ang nagdala ng dinner namin?" gagad sa akin ni Gail nang buksan nito ang pinto. Nakasuot lang ito ng roba at tiyak kong wala itong suot na panty. Wala si Sebastino rito. Siguro ay nasa banyo siya dahil naririnig ko ang lagaslas ng tubig. Hindi ako sumagot. Nilapag ko lang ang pagkain. "Hoy, kinakausap kita!" haklit nito sa akin. Huminga ako nang malalim. "Ako ho ang inutusan." "Aba't sumasagot ka, ha!" asik nito at Hinablot ang buhok ko, sabay tulak sa akin, dahilan upang masubsob ako sa sahig. Naikuyom ko ang kamay ko. Bumangon ako. "Tinatanong n'yo ho ako, kaya sumagot ako." "Ano bang kaguluhan ito!" gagad ni Sebastino. "Iyang chimay mo na 'yan, Babe, sinabunutan ako," sagot nito, dahilan upang mapaawang ang labi ko. "What! Is that true, Lorraine?" matigas na tanong sa akin ni Sebastino. Himala yata na tinawag niya ako sa aking pangalan. "Hi-Hindi ho, Boss Sebastino. Sa katunayan ay itinulak ako ng Girlfriend n'yo," pahayag ko. "Sinungaling ka! Sinungaling ka!" sigaw nito na muli akong sinabunutan. Gusto ko na itong patulan, subalit matalim ang tingin sa akin ni Sebastino. "Tumalikod ka ngayon din, Lorraine!" maawtoridad na sambit ni Sebastino. Lumunok ako. Tumalikod ako at isang katakot-takot na hampas ng sentron ang tumama sa akin. Pinigilan kong sumigaw. Dahil tiyak kong matatamaan ulit ako. "Labas ka na chimay!" gagad sa akin ni Gail. "Pagsisilbihan niya tayo kaya huwag mo siyang palabasin," maawtoridad na saad ni Sebastino. Gaya nang ginawa ko kanina ay pinagsilbihan ko nga sila, hanggang matapos ang mga ito. Bumaba na ako dala ang tray. Iniligpit ko muna ang mga ito saka na ako pumasok sa aking kuwarto at ni-lock ko ito. Muli akong naligo at nagpalit ako ng bestida. Kinuha ko ang cellphone ko upang panoorin ang naudlot kong panonood kanina tungkol sa baril. Nanood na rin ako ng aksyon kung paano makipagsagupaan sa mga kalaban, at ginagaya ko ito, hanggang sa boxing nang marinig ko sina Sebastino sa labas. "Ano, nakahanda na ba lahat ng mga armas!" narinig kong sambit niya Sebastino sa mga tauhan niya. "Handa na, Boss!" sagot ng mga ito. "Ayaw kong mabulyaso ang transaksyong nating ito! Kaya, kung may makita kayong taong hindi katiwa-tiwala ang mukha, patayin n'yo agad!" sambit ni Sebastino. "Masusunod, Boss Sebastino!" muling sagot ng mga ito. Narinig ko ang tunog ng sasakyan nila, kaya tiyak kong paalis na ang mga ito. Itinago ko na ang cellphone ko. Lumabas ako sa aking kuwarto. Sumilip ako sa bintana at nakita kong papaalis pa lang si Sebastino. Paniguradong kasama niya ang babaeng palaka na 'yon. Pero, naiwan ang ibang mga tauhan sa labas ng mansyon at may kanya-kanyang puwesto ang mga ito. Pumanhik ako sa itaas. Tinungo ko ang kuwarto kung saan nakita ko ang iba't ibang mga armas. Pumasok ako sa loob. Tinungo ko ang pader. Itinulak ko iyon nang makarinig ako nang sunod-sunod na putok. "s**t, ano 'yon?" bulong ko. Ibinalik ko sa dating puwesto ang pader at sumilip ako. "Sinugod tayo ng kalaban!" narinig kong sigaw ng lalaking tauhan. Nagpapalitan na sila ng putok. At nakita ko na nagsipasok na ang mga kalaban sa bakuran. "Nakakatakot!" narinig kong sigaw ng isang babae. Tila parang boses 'yon ni Gail palaka, kaya lumabas ako, ngunit may bagong mukha ang pumasok sa loob ng mansyon, sabay baril sa akin. "Buwiset!" sambit ko. "Ano kayang kailangan ng mga ito sa mansyon?" kausap ko sa akin sarili. Sinilip ko ang kalaban. At papanhik na siya rito sa taas. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa na kumuha ng armas sa loob ng secret room. Nakita ko ang paggalaw ng cctv at dumako 'yon sa akin. Pero, wala na akong pakialam! Dahil nasasanay na ang katawan ko sa kalupitan ni Sebastino. Kumuha ako ng armalite at isinukbit ko iyon sa aking balikat. Dinampot ko rin ang dalawang baril, saka na ako lumabas. Muli akong sumilip at malapit na ang kalaban sa aking kinaroroonan. Kaya pinaputukan ko ito. Subalit, nakapagtago pa ang loko. "Ayaw ko pang mamatay!" narinig ko na sigaw na naman ni Gail. "Katangahan naman ng babae na 'yan. Imbes na hindi alam ng kalaban kung nasaan siya ay sumisigaw pa siya. Pero, sina Eloisa kaya?" kausap ko sa aking sarili. "Ang tapang mo naman, Miss para kalabanin ako!" narinig kong sambit ng kalaban. "Pero, kung ako sa' yo, huwag ka nang magtago dahil kapag ikaw nalapitan ko, kakainin ko muna pvke mo bago kita tatdtarin ng bala ko!" bulalas nito. "Sira ulo ka ba, panget! Anong akala mo, hahayaan kitang makalapit sa akin, ha!" sigaw ko. Lumabas ako at pinaulanan ko sya ng bala, dahilan upang matamaan ito at nahulog ito sa baba. "Aghh!" sigaw nito. Pinuntahan ko si Gail. Binuksan ko ang pinto, ngunit wala ito. "Gail!" tawag ko. "Nandito ako!" narinig kong sigaw nito. Luminga-linga ako, pero hindi ko naman ito makita. "Nasaan ka?" sambit ko. Naglakad ako patungo sa kinaroroonan ng boses niya. At ngayon ko nakita ang kabuuhan ng kuwartong ito ni Sebastino. Narito ang mga larawan nilang pitong magkakapatid noong mga bata pa sila. At may kakambal si Sebastino. Kung hindi ako nagkakamali ay si Sebastian, kasama ang mga magulang nila na sina Don Jackson at Senyora Margaux Fiercy. May pintuang bakal dito, subalit ayaw kong pag-aksayahan ng panahon kung ano ang nasa loob niyon dahil maraming kalaban. "Nandito ako, chimay!" tawag sa akin ni Gail. Yumukod ako. At nasa silong ito, malapit sa piano. "Lumabas ka na riyan, Gail dahil maraming kalaban," pahayag ko. Kahit na naiinis ako sa babaeng ito dahil sa ugali niya ay kailangan ko itong iligtas. Lumabas na nga ito. At maalikabok ang ulohan nito. "Ba't may dala kang baril? Babarilin mo ba ako, ha!" gagad nito sa akin. "Kung p'wede nga lang, 'di ba? Pero, ayaw mo bang iligtas kita? Kung gayon, dito ka na lang at anytime ay papasukin ka ng mga kalaban," inis na sambit ko. Tinalikuran ko na siya nang. . . "Sandali, chimay, hindi ka naman mabiro," saad nito sa akin. "Takot ka naman palang maiwan! Sumunod ka sa akin dahil mahirap ng ma-corner tayo sa kuwartong ito," wika ko. Kumapit ito sa akin. Naglakad na kami upang lumabas. Malapit na kami sa pinto nang tutukan kami ng baril ng kalaban at. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD