“Joshua,” nakangiting tawag ni Amelia sa bata.
Tinignan lamang siya nito. “Joshua totoo bang tanggap mo na ako bilang Yaya mo?” Gusto lang kasi niya na maraming mismo kay Joshua.
Mamaya ay sinabi lang pala ito ng bata.
“Yeah, ayaw mo ba Yaya Amelia?”
“Wala akong sinasabi,” mabilis niyang sagot. “Syempre gustong-gusto ko noh! Nakakatuwa lang kasi na nagiging komportable kana sa akin, at promise ko Joshua. Hinding-hindi kita iiwan. Palagi lang akong nasa tabi mo.”
“Promise?”
Ngumiti siya bago ito niyakap. “Oo naman, promise. Naiintindihan kita dahil nawalan din ako ng magulang. Alam ko kung gaano ka nangungulila sa Mommy mo.”
“Buti ka pa may oras sa akin, may pake sa akin. Sarili kong ama hindi ko maramdaman.” Napabuntong hininga pa ito. “Yaya ayaw kong manuod ng movie kasama s'ya. Gusto ko nalang matulog,” sabi pa ni Joshua na ikinalungkot ni Amelia.
“Nag e-effort naman ang Dad mo. Bakit kaya hindi mo muna subukan? Siguro naman this time talagang totoong ba-bawi na siya sa'yo. Don't worry sa tabi mo lang ako, basta bigyan mo lang chance Dad mo na makabawi sa'yo. Alam mo kasi ang Dad mo para hindi niya ma-miss ang Mommy mo iginugugol niya ang kaniyang oras sa trabaho.”
“Nope, I know na may babae na siyang ipinalit kay Mom. Hindi naman mahalaga sakaniya ang nararamdaman ko eh. Nasanay na ako na wala siya palagi,” napatitig sakaniya si Joshua. “Buti nga nandiyan kana eh. Kasi dati kay lola't lolo n'ya pa ako iniiwan.”
“Hindi kaba talaga payag kung may maging bagong asawa ulit ang Dad mo?”
Maingat na tanong ni Amelia.
“Hindi naman po sa ayaw ko. Ayaw ko lang na magugulat nalang po ako na may ipapalit na pala siya kay Mommy ng hindi man lang naipapakilala sa amin. Alam kong bata pa po ako, pero kahit bata pa po ako gusto kong makilala ang pa-palit sa Mommy ko.”
Bata pa si Joshua pero dahil sa nararanasan nito naging malawak na ang isipan nito.
“Sana nga kung sakaling mag a-asawa ulit si sir Jace. Sana naman may malasakit din sa'yo at hindi lang si sir Jace ang mahal niya.”
“Pero lahat sila pare-parehas lang. Si Dad lang naman ang mahal nila, tapos ako mababalewala na ako.”
Hindi totoo ang iniisip mo dahil mahal ka ni sir Jace.”
Ito ang nais itatak ni Amelia kay Joshua dahil ayaw niyang tuluyan itong lumayo sa ama nito.
****************
Habang inaayos ni Jace ang movie na panonoorin nila ng anak niya may tumawag naman sakaniya.
Nakita niya na si Natasha ang tumatawag kaya naman sinagot niya ito. “Napatawag ka?” Bungad niyang tanong.
“Itatanong ko lang sana kung busy ka. Gusto ko sana na ayain kayong dalawa ni Joshua lumabas.”
“May movie marathon kami, sa susunod nalang sila. Kailangan kong bumawi sa anak ko dahil napapansin kong lumalayo na s'ya sa akin.”
“Ah, sige, may next time pa naman. Oo nga kailangan mong bumawi sakaniya.”
Ibinaba na ni Jace ang tawag ng mag paalam na si Natasha.
“Sir ako na mag ayos diyan.”
Agad naman inagaw ni Amelia ang ginagawa niya ng makita siya nito.
“Ayos lang, this is for my son. Pakitawag mo na si Joshua para makapag start na tayo.”
“Sir ayos lang naman, pwede akong mag dahilan kay Joshua para hindi ko maistorbo ang bonding ninyong dala—”
Pinutol na niya si Amelia. “Sumama kana, maganda ang movie paniguradong mag e-enjoy ka din.”
Tumango naman ito at hindi na tumutol pa.