CHAPTER 7

526 Words
“Yaya you don't like horror? Kanina ka pa pumipikit.” Itinawa nalang ni Amelia kasi napansin pala ni Joshua. Wala pa naman sa exciting part at gulatan pumipikit na si Amelia. Paano ba naman trauma na siya sa mga ganitong nakakatakot na palabas. Palagi nalang silang nanunuod dati tapos sakanilang mag ka-kaybigan siya ang pinaka malala matakot. Pigil na pigil din si Amelia dahil katabi niya si Jace. Paano ba naman ayaw tumabi ni Joshua sa ama kaya s'ya ang nasa gitna ng dalawa. S'ya ang pagitan. May pasabi-sabi pa na mag enjoy daw kasi maganda ang movie pero horror naman pala? “Hindi mo mae-enjoy ang movie kung ipipikit mo lang mata mo.” Napasulyap siya kay Jace na focus lang sa panunuod at parang hindi na nga kumukurap. Mula sa view ni Amelia, napatitig siya dahil sa matangos na ilong ni Jace. Gwapo talaga ang amo niya. Hindi na siya magtataka kung bakit nalalaglag ang panty ng mga babae kay Jace. “Sa movie ka tumingin wag sa akin Amelia.” Wika nito bago bumaling sakaniya. Mas natatakot pa siya sa attitude ng amo niyang si Jace kesa sa horror na pinapanuod nila ngayon. Kaya naman no choice si Amelia kundi mag focus sa pinapanuod. Ito ba ang bonding? Napakaboring naman nito kung siya lang din ang ta-tanungin. Hindi man lang kasi nagsasalita si Jace para sana kahit paano may conversation silang mag ama. “AAAAAAAH!” Malakas na napasigaw si Amelia dahil sa nakakagulat na scene. Sa gulat nga niya ay napatalon siya kay Jace. Sinalo naman siya ng walang pag aalinlangan. Ngunit hindi man lang nag bago ang expression nito, para wala lang. Para ngang papel lang siya habang kandong nito. Malakas na tumawa si Joshua. Pinag ta-tawanan siya nito at halos gumulong na ito sa couch sa ka-katawa. Habang si Amelia ay awkward na napasulyap kay Jace bago nag peace sign. “Sorry sir hehehehehehe nagulat lang po.” Umalis na siya sa hita nito at hiyang-hiyang bumalik sa pwesto niya, sa tabi lang din naman ni Jace. Natakot si Amelia dahil biglang umalis si Jace ng walang pasabi. “Joshua nagalit yata ang Dad mo. Hindi ko naman kasi sinadya, nagulat lang ako.” Sumbong niya kay Joshua. “Baka naman nag banyo lang po? Hindi naman ganun ang reaction ni Dad kapag galit eh.” Sana nga hindi kasi gusto pa ni Amelia na makapag ipon dahil pinapaaral niya ang kaniyang kapatid. Limang minuto din nawala si Jace bago ito bumalik. “Sir galit ka po ba? Sorry po talaga sa nangyari,” bulong ni Amelia. Tinignan lang siya ni Jace. Galit nga yata ito! “Sir hindi naman po ako sesante di'ba?” “Pwede bang mag focus kana lang sa movie? Kasi nawawala ako sa focus Amelia.” “Sige po sir hehehe. Pasensya na talaga,” pahabol pa niya bago sinulyapan si Joshua. Nakasandal na ito sakaniya at inaantok na. Napangiti naman siya bago hinaplos ang buhok nito. Ngunit napansin niyang pawis si Jace ng matitigan niyang mabuti ang noo nito. Natatakot ba ito sa movie kaya pawis ito, o may iba pa itong ginawa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD