Hindi makapaniwala si Amelia na tinaggap na siya ni Joshua na maging Yaya!
Masaya niyang hinainan ang mag ama.
“Hindi ka ka-kain?” Tanong ni Joshua sakaniya ng maupo lang siya sa tabi nito at asikasuhin ang kinakain nito.
“Maya na ako Joshua. Bonding ninyong mag ama ito nakakatuwa nga makitang sabay kayong kumain.” Sagot niya bago napasulyap kay Jace na sakaniya rin pala ang tingin.
“Kumain kana, sumabay kana sa amin. Kailangan sumabay karin sa amin.”
“Sige sir.”
Napilitan nalang si Amelia na mag sandok narin. Malay ba naman kasi niya na pwede na siyang sumabay? Mamaya ayaw pala ni Jace nag i-ingat lang din siyang mapahiya.
**************
Pinahatid na ni Amelia si Joshua ng mabihisan at magayak na niya ito. May driver naman kasi ito na hatid, sundo ito sa school.
“Amalie.”
Natigilan si Amelia sa pag sa-sabon ng plato dahil sa tawag ni Jace.
“Bago ka palang dito pero napaamo mo yata agad ang anak ko? Nakakatuwa ang ginawa mo.” Puri nito.
Ikaw hindi ka nakakatuwa.
Ito ang naisagot ni Amelia sakaniyang isipan.
Para kasi siyang ba-bangungutin dahil sa nakita niya kagabi. Para bang nanuod siya ng live na malaswang palabas. Kinikilabutan tuloy siya kapag nag fla-flash sa isipan niya ang agresibong halikan ng dalawa.
Nagulat na nga lang siya wala na yung babae para bang nag teleport ito kasi biglang nawala. Walang bakas na may inuwing babae ang boss niya. At kung hindi pa nga niya nahuli kagabi baka wala siyang ideya na may jinugjug itong babae sa sala.
“Amelia tinatanong kita.”
Bumalik ang diwa niya ng mag salita ng may kalakasan si Jace.
“Po? Sorry sir lumipad utak ko. Ano nga ulit sir pwedeng makiulit?”
“I'm asking you kung anong technique mo para mapaamo ang anak ko? I think I need your technique dahil napapansin kong napapalayo na ang loob niya sa akin.”
Buti naman naisipan nito? Gusto na niyang kaltukan at sigawan boss n'ya eh.
“Maging mabuting ama at supportive sir.”
“What do you mean? Ibig mo bang sabihin masama akong ama?” Nagalit agad ang expression nito.
Kinabahan tuloy agad si Amelia baka mawalan pa siya ng trabaho.
“Sir hindi, mali ka ng akala. Ang ibig kong sabihin e, kailangan ng suporta ni Joshua. Hindi sapat ang mag provide kalang sa pangangailangan niya. Kailangan alam mo ang nararamdaman niya at naiintindihan mo siya. Makakatulong din ang bonding at ang pag kwe-kwento mo sakaniya ng araw mo, para maging komportable siyang ikwento rin sa'yo ang naging araw niya. At higit sa lahat, kailangan interesado ka sir.”
“Siguro kaya naging komportable sa akin si Joshua dahil naramdaman niyang interesado ako sa mga kwento niya at na iintindihin ko ang nararamdaman niya.” Dagdag pa ni Amelia.
*************
Nasa opisina na si Jace ngunit iniisip parin niya ang mga sinabi ni Amelia.
Simula ng mawala ang asawa niya iginugol na ni Jace ang sarili niya sa trabaho at hindi niya namalayan na nakalimutan na niya si Joshua. Lumayo ang loob nito sakaniya dahil din sakaniya.
Pero pasalamat parin siya dahil agad nitong nakasunso ang Yaya na kinuha niya, at bandang huli ito pa pala ang tu-tulong sakaniya na malapit sa sarili niyang anak.