CHAPTER 4

552 Words
Hating gabi na wala parin si Jace kaya naman hindi na mag hintay pa si Amelia. Pumasok na siya sa silid nila ni Joshua. Ngunit hindi pa siya nakakaidlip ay narinig niyang umiiyak si Joshua. Kaya naman agad siyang napabangon at binuksan ang ilaw. “Ayos kalang ba?” Niyakap siya nito habang umiiyak parin. “Mommy.. Mommy..” Umiiyak na wika nito ngunit tila ba na alimpungatan lang ito. Ihiniga na muli niya si Joshua. Awang-awa si Amelia sa bata habang hinahaplos ang buhok nito. Ganitong-ganito rin siya noong mawala ang kaniyang magulang. Hindi siya makatulog sa gabi na 'di umiiyak dahil sa pangungulila. Nakatulog naman ulit ako Joshua. Ngunit naputol na ang antok ni Amelia kaya lumabas na muna siya ng kwarto upang mag timpla ng gatas. Hindi pa man din siya nakakababa sa hagdan ay nakita mismo ng dalawang mata niya si Jace at ang babaeng kasama nito. Mapusok itong nag pa-palitan ng halik. Sa couch pa talaga ginawa ng mga ito? Napailing na lamang si Amelia bago bumalik. Hindi naman siya nakita ng mga ito kaya safe siyang nakabalik sa silid. Ngunit ang awa sa anak ni Jace ay mas lumala. Ito ba ang tinutukoy ni Joshua na babaeng pa-palit na sa ina nito? Hindi rin naman niya masisi si Jace kung mag entertain ulit ito ng babae dahil parte naman iyon ng pag mo-move on niya sa yumaong asawa. Ngunit sana ipakilala muna sa anak at sana hindi balewalain ang nararamdaman ng kaniyang anak. Matagal naman na wala ang ina ni Joshua ayon sa nasagap niya sakaniyang tiyahin. Kaya lang kung ba-balewalain ni Jace ang nararamdaman ng anak nito baka lalo lang lumayo ang loob nito. Itinigil na ni Amelia ang pag i-isip niya at pakikisali sa personal na problema ng mag ama. Sinabihan na siya ng kaniyang tiya dapat ay sundin niya iyon. Hindi lang kasi niya maiwasang maawa talaga kay Joshua. Napabuntong hininga na lamang siya bago sinikap na makatulog. **************** Nagising si Jace na katabi si Natasha. Kapwa sila walang saplot at tanging kumot lang ang nag ta-takip sa hubad nilang katawan. Bumangon na si Jace bago isinuot ang boxer niya. Hindi siya lasing kagabi kaya malinaw ang nangyari sakanila. Dahil bawat detalye alam na alam niya. Normal nalang din naman sakaniya ang may makatabing babae. Nakikipag siping siya sa babaeng nakikilala niya sa mga club kapag tinatawag siya ng pangangailangan niya bilang lalaki. Kaya itong nangyari sakanila ni Natasha wala lang ito sakaniya. “Sa backdoor kana dumaan. Ayaw kong makita ka ni Joshua,” bilin niya kay Natasha. “Sige, next time nalang ako mag pa-pakita kapag hindi ganito ang sitwasyon.” Wika pa nito. Hindi na siya kumibo. Iniwan na niya ito sakaniyang silid. Dumiretso siya sa kusina dahil sa hagdan palang amoy na ni Jace ang mabangong niluluto. “Good morning,” bati niya kay Joshua. Ngunit tinignan lang siya nito. “How's your sleep?” Tanong pa niya. “Kailangan mo pa bang malaman?” “Sorry for being busy this week. Bawi ako sa'yo sa weekends.” “I'm fine with Yaya Amelia.” Napasulyap naman si Amelia sa anak niya. “Weekends, movie marathon. Game ka Amelia?” “Sige po sir.” “Kasama na Yaya mo, happy kana?” Ngunit hindi siya kinibo ni Joshua.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD