CHAPTER 3

564 Words
Dinalhan ni Amelia si Joshua ng pagkain sa silid. “Kumain kana Joshua, si Daddy mo umalis.” Napairap ito bago sumagot. “Hindi na bago, palagi naman siyang umaalis. For sure kinikita lang niya ang babaeng ipapalit niya sa Mommy ko.” “Bayaan na natin ang Dad mo baka naman may importanteng trabaho lang. Hindi naman siguro babae ang dahilan, tsaka sa ganda ng Mommy mo maipag palit agad ni Dad mo? Malabo siguro iyon! Paniguradong mahal na mahal niya ang Mommy mo lalo kana. Binilin pa nga niya na wag kitang hayaan na malipasan ng gutom. Sabi niya asikasuhin at pakainin kita Joshua. Kaya nga ito,” inilapag niya ang dala niya. “Sabay na tayong kumain Joshua. Niluto ko ang sinigang na specialty ko.” “Hindi pa ako gutom mauna kanang kumain.” Tanggi nito bago pinag patuloy ang ginagawa nitong homework. “Pagkatapos mong kumain tu-tulungan kita sa homework mo Joshua. Gustong-gusto ko rin talaga ang gumagawa ng homework eh. Kasi nga 'di ako nakapag patuloy sa school ko kaya miss ko na ang pag-aaral. Kaya kumain ma muna tayo tapos tsaka natin gawin ang homework mo.” Nakangiting paliwanag ni Amelia. “Makulit ka talaga?” Natawa siya bago sumagot. “Hindi na ako ta-tanggi Joshua. Opo makulit talaga si Yaya Amelia.” “I hate noisy people,” sambit pa nito. “Kapag kumain ka ico-cover ko po mouth ko for one hour, pero kapag nakipag matigas ka magiging makulit lang ako.” “Fine,” inis na tumigil ito sa ginagawa. “Ito na ang spoon mo, enjoy eating.” Tuwang-tuwa si Amelia kasi napakain niya si Joshua. ***************** Walang imik si Jace. Wala siya sa mood makipag lokohan sa mga kaybigan niya, basta umiinom lang siya. “Bro, si Natasha kanina pa tahimik tulad mo. Pinapunta pa naman namin para hindi ka ma-boring tapos pababayaan mo lang na mapanisan kayong parehas ng laway?” “Bakit ba kasi pinapunta pa ninyo? Sabi ninyo tayo lang dahil celebration ng promotion ni Allan.” “Bro kasi kami na a-appreciate namin effort ni Natasha para sa'yo. Kaya sige na, lapitan mo at kausapin.” Napairap na lamang si Jace bago tumayo. Dala ang baso niyang may alak ay nilapitan niya si Natasha. “Hey,” bati niya ng tumabi rito. “Hey, sorry nakakaistorbo siguro ako noh? Pinilit kaba nila?” Natatawang tanong pa nito. “Napilitan ka tuloy.” “Hindi ko lang kasi alam na pati pala ikaw pinapunta nila. Busy ka sa business ninyo 'di mo na sana pinatulan ang mga kaybigan ko.” “Gusto ko rin naman talagang pumunta.” Hindi na lamang kumibo si Jace. Kilala niya si Natasha noon pa. Schoolmate kasi nila si Natasha noong nasa kolehiyo pa sila. “Kamusta pala si Joshua?” “Ayos naman, may Yaya na siya. Hindi ko na kailangan na iwan pa siya sa lola't lolo niya.” Sagot niya bago inubos ang alak sakaniyang baso. Sinalinan naman ito ni Natasha. “Yaya? Sabi ko naman sa'yo maaari mo akong makatuwang kay Joshua, pwedeng ako ang mag bantay sakaniya.” “Makakaabala lang ako, parehas lang naman tayong may kani-kaniyang bussiness na ihina-handle.” “Hindi kayo istorbong mag ama. Hindi ka iba sa akin Jace,” nakangiting sagot pa ni Natasha habang ang kamay nito ay nasa hita na niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD