Habang hinihintay ni Amelia ang anak ni Jace ay pinagmasdan muna niya ang kabuuan ng silid. Maganda naman ang silid kulang lang sa ayos, tsaka para bang walang buhay.
“Paniguradong nahihirapan siyang mag adjust dahil sa pagkawala ng kaniyang Mommy.” Bulong na lamang ni Amelia habang nakaupo sa gilid ng kama.
Alam na alam kasi niya ang pakiramdam na mawalan ng magulang. Lalo pa nga kaya kay Joshua na bata palang nangungulila na sa aruga ng kaniyang ina.
Natigilan si Amelia sa pagmu-muni-mumi ng maramdaman niyang may pa-pasok sa silid. Tumayo siya at hinintay kung ito na ba ang anak ni Jace.
Hindi nga siya nag kamali dahil si Joshua nga ang pumasok. Agad siyang nag lagay ng ngiti sakaniyang mukha bago ito masiglang binati.
“Magandang Hapon!”
“Who are you?” Nakatitig ito sakaniya.
“Ah, oo nga pala bago palang pala ako hehehehe. Sorry nakalimutan ko.” Natawa pa si Amelia. “Joshua, ako nga pala si Yaya Amelia.”
“Yaya? Ibig sabihin kumuha si Dad ng Yaya? But I'm not a toddler. I'm 7 years old, I don't a Yaya.” Inirapan pa siya nito.
Nakangiti parin si Amelia. Ganito talaga sa umpisa kailangan niyang kuhanin ang loob nito para mag tiwala sakaniya.
“Pero hindi lang naman pag ba-bantay o pag aalaga ang ginagawa ng isang Yaya. Maaari mo rin akong maging kaybigan, tapos palagi kitang ipagluluto ng pagkain mo. Specialty ko ang sinigang,” proud na sagot pa ni Amelia.
“Whatever, basta ayaw kong may Yaya. I can handle myself ever since mawala ang Mom ko.”
“Hindi mo naman kailangan makisama sa akin Joshua, or kung hindi ka pa komportable ayos lang sa akin, basta nandito lang ako, okay? Yaya Amelia is always here, promise ko Joshua.”
Inirapan lamang siya nito.
“Nga pala Joshua dito rin ang room ko, pero hindi naman kita ta-tabihan kasi tig isang kama naman tayo. Kapag gusto mong may kausap o ka kwentuhan marami akong alam na kwento.”
“Pwedeng lumabas ka muna? Gusto kong mapag isa sa ngayon. Ayaw ko rin kumain kasabay ni Dad kaya wag kanang mag tangkang pilitin ako pag inutusan ka niya.” Bilin pa nito.
Napatango na lamang si Amelia bago lumabas. Napabuntong hininga siya dahil hindi pala ganun kadali makuha ang loob nito. Ngunit naiintindihan parin niya si Joshua. Pasasaan ba't mapapalagay din ang loob nito sakaniya. Handa niyang gawin lahat maiparamdam lang sa bata na hindi ito nag i-isa.”
“Nakausap mo na ba ang anak ko?”
Kamuntik pang mapatalon sa gulat si Amelia ng biglang sumulpot si Jace.
Kasalukuyan kasi siyang nagluluto ng dinner nila.
“Sir nakausap ko si Joshua, sa ngayon naninibago pa siya pero sa tingin ko naman mga ilang araw pa makakasanayan rin niya ako. Don't worry sir hindi po ako sumusuko agad.”
“Kahit anong sabihin niya o kahit itaboy ka pa ni Joshua. Hindi siya ang masusunod kundi ako, gets mo? Sa akin ang utos dahil ako ang amo mo. Wala kang ibang susundin kundi ako lang.”
“Noted sir.”
“Ang mga extra mo namang ga-gawin ay may bayad parin.”
Tumango na lamang si Amelia.
“Hindi ako mag di-dinner dito, si Joshua pakainin mo.” Bilin pa ni Jace bago ito umalis.