CHAPTER 1

590 Words
“Bukas na ang sundo mo kaya dapat nakagayak kana Amelia.” Ipinakita ni Amelia ang mga bagahe niya na nakatabi na sa isang gilid dahil kanina pa siya tapos mag ayos ng mga mahahalagang gamit na da-dalhin niya. “Tiya, talaga bang malaki ang bahay nila? Sobrang yaman ba talaga nila?” “Amelia mayaman ang pamilya nila Jace. Ngunit hindi naman ang magulang niya ang makakasama mo kundi si Jace at ang anak lang niya.” Paliwanag nito. “Nga pala Amelia,” napabuntong hininga pa ang kaniyang tiya. “Hanggat maaari trabaho lang ang atupagin mo. Iwasan mong madawit sa mga personal nilang problema. Wala kang magiging problema kung iyan lang ang a-atupagin mo.” Ngumiti siya bago nilapitan ang tiyahin niyang halata namang nag aalala lang sakaniya. Ito na kasi ang kinalakihan niya simula ng masawi sa sakit ang mga magulang niya. Habang ang nag i-isang kapatid naman niyang si Dennise ay nasa kolehiyo na at sinusuportahan niya. “Tiya magiging maayos lang po ako, tsaka malaki po ang offer nila kumpara sa mga pinapasukan ko dito. Isang taon nalang naman tiya magiging maginahawa na tayo dahil matatapos na po si Dennise.” “Pagkatapos ng kapatid mo sarili mo naman ang unahin mo. Ituloy mo ang pangarap mong pagiging Chef. Ikaw naman ang su-suportahan namin Amelia, basta maging masipag kalang. Hindi palaging nasa hirap ang isang taong may determinasyon.” “Lahat ng payo mo tiya ita-tatak ko po sa isipan ko. Mami-miss mo lang ako kaya ganiyan ka eh.” Biro pa niya bago ito niyakap. “Salamat po sa sakripisyo noon sa amin tiya nung nawala si Mama at Papa. Balang araw masusuklian po namin ni Dennise ang kabutihan mo sa amin.” “Hindi na kailangan pa Amelia, basta maging maayos lang ang buhay ninyong dalawang mag kapatid ay magiging kuntento narin ako.” Napailing na lamang si Amelia dahil palagi nalang sila ang iniisip ng tiyahin niya. Napakaswerte talaga nila dito dahil hindi sila kailan man nito pinabayaan. ******* Sinundo na si Amelia kinabukasan. Mula probinsya ay bumiyahe sila patungo sa malaking syudad, kung saan pangarap ng karamihan sa lugar nila na mapuntahan. “Ma'am hanggang dito nalang po ako. Kasi kailangan ko pa pong sunduin ang anak ni sir Jace,” paalam na ng driver sakaniya. Sa labas ng gate lang siya nito binaba. Naiintindihan naman niya kaya pinag tiyagaan na niyang bitbitin ang bagahe niya. “Ikaw na ba?” Nalaglag ang hawak niyang bag ng makitang naka-topless lang ang amo niyang si Jace. Mukang katatapos lang nitong mag shower, at ang abs nito tila ba kumikintab. “O-Opo ako nga po.” Napaiwas siya ng tingin. Mamaya ay isipin pa nito na namboboso siya. “Pangalan,” walang emosyong wika pa nito. “Amelia po.” “Tingin mo ba matanda na ako? Sa tingin ko naman hindi nalalayo ang edad nating dalawa kaya tigilan mo ang po sa akin.” “Pasensya na sir,” bahagyang napayuko si Amelia. “Isa lang ang kwarto mo at ng anak ko. Gusto kong may makatabi siya sa pag tulog, madalas kasi siyang magising sa hating gabi.” “Sige po sir,” sagot na lamang ni Amelia. “And also, don't bother me when it's not important. Si Joshua lang ang aasikasuhin mo, gets mo?” Ngunit nakakaintriga kasi ang nakabukol sa parteng gitna ng amo niya kaya naman napasulyap siya dito. “Eye's up woman.” “Noted sir.” Mabilis niyang sagot ng muli itong mag salita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD