Nakahinga ng maluwag si Amelia. Oo talagang nawala kaba n'ya! Kasi naman hindi pala naalala ni Jace ang ginawa nito, pero mabuti narin iyon. Kasi ayaw naman ni Amelia na parehas silang maging awkward. Gets naman niya lasing si Jace, pero kasi naalala pa nito pangalan niya sa huli kaya inakala niyang alam nito lahat oras na magising ito.
Tinamaan lang siguro talaga ng alak.
Naiiling si Amelia bago tinapos na ang pagliligpit sa kusina.
“Yaya! Yaya Amelia!”
“Bakit Joshua may problema ba?” Agad niyang tanong ng makalapit ito.
“Wala naman po, pero si Dad inaya akong pumunta sa park.” Tuwang-tuwa si Joshua. “Yaya sabi pa ni Dad sumama ka daw.”
Napakunot ang kaniyang noo. “Bakit naman pati ako? Joshua bonding ninyo ng Daddy mo iyon dapat hindi mo na ni-request na sumama ako.”
Ngunit umiling si Joshua. “Yaya hindi ko naman po sinabi kay Dad. Ang totoo dapat sasabihin ko palang po pero sinabi na agad niya na kasama ka.”
“Talaga?”
“Opo, ayaw mo po na Yaya Amelia?” Lumungkot ang expression ni Joshua.
“Naku! Oo na sama na ako. Ikaw talaga na bata ka,” natatawang inaya na niya ito sa silid upang mabihisan na. “Joshua sabi ko naman sa'yo may time na si Dad mo.”
Humagikhik ito. “Opo, paniguradong matutuwa si lola kapag nalaman niya na bumabawi na si Daddy sa akin.”
Masaya din si Amelia dahil masaya si Joshua. Ito naman talaga dapat. Dapat may time si Jace sa anak at nakakapag bonding parin. Sa babae nga may oras s'ya ano pa sa anak n'ya?
***
Hindi na nag palit si Amelia ng uniform niya na nakapang yaya.
“Bakit hindi ka nag bihis?” Tanong ni Jace sakaniya ng makita siya nito.
“Kailangan po ba sir? Kasi sir Yaya po ako ni—”
Pinutol na siya ni Jace.
“Go upstairs and change your clothes.” Utos nito na hindi na niya tinutulan.
Simpleng dress lang ang suot ni Amelia at sandals na hindi naman kataasan. Nakalugay lang din ang buhok niya habang pulbos lang ang inilagay niya sakaniyang mukha at lipgloss. Sapat na siguro ito para naman hindi nga nakakahiya kapag dumaan pa sa magagarang lugar ang mag ama.
“Sir ayos na po ba ito?” Napaiwas si Amelia kasi nakatitig sakaniya si Jace.
“Yaya napakaganda mo po!” Si Joshua ang unang nag salita.
“Sir? Hindi ba sir ayos? Sige palitan ko nalang.”
Pabalik na sana siya ng mag salita na si Jace.
“Gorgeous, you're gorgeous Amelia.”
Bigla na lamang tumibok ng mabilis ang puso ni Amelia.
Nauna na si Jace sa sasakyan. Sila naman ni Joshua ay agad na sumunod. Ngunit abnormal parin ang t***k ng puso niya kaya pasimpleng hinilot-hilot ni Amelia ang kaniyang dibdib.
Sa park sila pumunta. Masayang-masaya si Joshua dahil may mga bata na maaari nitong makalaro. Hinayaan na muna nila ito na makipag laro basta ang mata ni Amelia ay nakatutok lang kay Joshua. Nakaupo siya sa swing ng maupo din si Jace sa isa pang swing katabi lang niya.
Sinulyapan siya nito ngunit agad niyang ibinalik ang tingin niya kay Joshua. Kahit na nakatutok siya kay Joshua alam niyang nakatitig parin si Jace sakaniya kaya ang puso n'ya naging abnormal na naman ang t***k.