Hindi alam ni Amelia kung paanong iwas ang gagawin n'ya dahil sa nangyari kagabi. Hindi kasi niya kayang harapin ang boss niyang si Jace. S'ya pa kasi ang nahihiya dito imbis na ito ang mahiya sakaniya dahil sa ginawa nito.
“Yaya ayos kalang?”
Napasulyap siya kay Joshua na umiinom ng gatas. Napansin yata nitong palinga-linga siya.
“Oo naman haha.” Natawa pa si Amelia. “Joshua sabado ngayon ah? May sinabi ba si Daddy mo na ipapasyal ka?”
Umiling ito. “Yaya hindi ko naman inaasahan na ayain ako ni Dad. Busy s'ya sa work kahit sabado at linggo.” Sagot nito bago inubos na ang gatas. “Yaya tayo nalang ang gumala.” Aya pa nito sakaniya.
“Joshua baka kasi hindi tayo payagan na tayong dalawa lang. Hintayin mo nalang ang Dad mo pag gising na s'ya. Kasi tanghali na, paniguradong hindi iyon pa-pasok ngayon para maigala ka.”
Tumango na lamang si Joshua sakaniya bago nag paalam na sa kwarto na muna upang mag laro ng video game.
Hinayaan naman niya ito at nanatili sa kusina upang ipagluto ng soup si Jace. Dahil alam naman niyang may hangover ito.
***************
Masakit ang ulo ni Jace ng magising siya. Mariin siyang napapikit habang hinihilot ang kaniyang sentido. Naalala rin niya ang mga ganap kagabi, maging ang ginawa niya kay Amelia.
“Ano bang ginagawa mo? Bakit ko hinalikan ang babaeng iyon?” Inis niyang tanong sa sarili.
Naalala rin pala niya si Natasha na nagagalit kay Amelia. Napailing na lamang si Jace bago bumangon na. Hindi dapat siya nag lasing, gumugulo lang ang sitwasyon sa ginagawa niya.
Dumiretso na si Jace sa shower upang mawala ang amoy ng alak na dumikit na pati sa katawan niya.
After shower ay lumabas na siya sa silid. Sa kusina siya dumiretso dahil nagugutom na siya. Dinatnan n'ya si Amelia na nagluluto. Napasulyap pa nga sakaniya ito ngunit agad din naman na nag iwas ng tingin.
“Sir nagluto po ako nang soup.”
Sa boses palang nito alam na ni Jace na awkward na.
Mag panggap nalang kaya siyang hindi niya naalala?
“Kagabi ba pumunta ka sa silid ko? Kasi wala akong masyadong maalala sa mga nangyari, kung paano ako nakauwi at paano ako napunta sa kwarto.”
Tila ba gulat si Amelia bago ito sumagot.
“Ah, sir opo ako po ang nanundo sa'yo kasi may tumawag po sa bahay, tapos ako din po ang nag asikaso sainyo sa kwarto.”
“Iyon lang ba? Wala naman siguro akong ginawang iba noh? Let me know kung meron dahil ayaw ko naman na may hindi tayo pagkakaunawaan.”
Umiling ito bago sumagot. “Wala sir, tsaka sir alam ko naman na may alak na nakasanib sainyo. Natulog naman po agad kayo after ninyong mag pasalamat sa akin.”
Biglang nakaramdam ng guilt si Jace dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling.
“Yeah, iyon nga ang naalala ko. Salamat sa ginawa mong pag aasikaso,” naupo na si Jace. “Asahan mong may bonus ka agad sa sahod mo.”
Ito na lamang ang pambawi niya kay Amelia.
Napasulyap siya sa labi ni Amelia at talaga namang nag flashback na naman sa isipan niya ang masuyo niyang pag halik dito.
Si Amelia lang kasi ang babaeng hinalikan niya na hindi siya agresibo. Ang babaeng nakakatabi kasi niya ay pang wala lang talaga ng init niya sa katawan.