CHAPTER 15

551 Words
“So, buti naman talaga at kasundo mo ang anak ko.” Bigla na lamang binasag ni Jace ang katahimikang namayani sa pagitan nilang dalawa. “Oo sir, mabait si Joshua kailangan lang talagang maging matiyaga ka hanggang sa makuha ang loob niya.” Sagot niya habang kay Joshua parin ang tingin. “Si Joshua ngayon ko nalang ulit siya nakitang ganiyan kasaya. Simula kasi ng mawala ang ina niya hindi ko alam paano ako magiging mabuting ama kay Joshua. Takot akong isipin na baka hindi ko kayang palakihin siya na ako lang kasi nakadepende lang naman ako sa ina niya pag dating kay Joshua, buti nalang ginabayan ako ni Mommy at ng parents ng yumao kong asawa.” “Mabuti kang ama sir, pero minsan kasi nakalimutan mo si Joshua dahil sa pagiging busy mo sa trabaho. Hindi kasi sapat ang basta naibibigay mo lang ang gusto n'ya. Kilangan din sir na nakasuporta ka, at sir sana open ka kay Joshua lalo na at iniisip niyang baka mabalewala siya kapag nag asawa ka ulit.” “Yeah, pero sa ngayon kasi kinikilala ko muna. Gusto kong bago ko iharap sa anak ko ay sigurado na ako,” sagot ni Jace. Tama naman ito pero dapat ipaalam parin ni Jace. Opinion lang naman ni Amelia, pero si Jace ang di-diskarte kung paano nito iha-handle ang mga ganitong sitwasyon. “Sir tips lang din. Dapat po komportable din si Joshua kaya nga po mas maganda na nakikilala niya kung may dine-date ka sir, mas makakatulong iyon.” Tumango na lamang si Jace. “Yaya!” Tumakbo si Joshua sakaniya dala ang bulaklak na napitas nito. “Yaya nakita ko 'to oh! Ang ganda n'ya gaya mo kaya naisip kong ibigay sa'yo.” Napangiti si Amelia ng ilagay ni Joshua ang bulaklak sa gilid ng tenga niya bilang palamuti. “Salamat Joshua, sige na laro kalang nakabantay lang si Yaya.” “Joshua is that your Mommy?” Tanong ng batang lumapit sakanila. Kalaro ito ni Joshua. “She's my Yaya,” proud na sagot ni Joshua. Tumataba ang puso ni Amelia dahil sa tuwa. “Yaya?” Natawa ang mga batang nakarinig din. “Joshua wala kabang Mommy? Yaya lang? May Yaya din kami tapos may Mommy kami.” Umiba ang aura ni Jace kaya naman agad na tumayo si Amelia. “Joshua tara na,” hinawakan niya ang kamay nito. “Mommy n'ya nga ako. Yaya na Mommy pa,” natahimik ang mga ito. “Kayo ba close kayo sa Yaya ninyo? Siguro hindi kasi palaaway kayo.” “Inaalagaan kami ng Yaya namin kasi binabayaran siya ng Mommy namin.” “Si Joshua kasi kahit hindi mag bayad sa akin aalagaan ko parin kasi mahal ko si Joshua. Kaya dapat kayo maging mabait at wag mang aaway.” Umiiyak si Joshua ng kargahin ni Amelia. “Tahan na,” nangingilid ang luha ni Amelia dahil sa awa niya sa bata. “Sir alis na po tayo dito, sa iba nalang.” Nakasakay na sila sa kotse ng mag salita si Joshua. “Yaya, pwede bang ikaw nalang Mommy ko? Kasi mahal mo talaga ako eh.” “Oo naman Mommy mo ako, pwede mo akong tawagin na Mommy ya, para unique.” Nakayakap lang si Joshua sakaniya habang umiiyak parin.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD