Nakahinga ng maluwag si Amelia ng madatnan si Joshua na mahimbing parin ang tulog. Lumabas siya sa silid at binaba ang driver ni Jace upang pasalamatan ito.
“Manong salamat po sa mabilis na pagsama sa akin. Pasensya na po sa abala kasi tulog na ho dapat ninyo ito eh. Hayaan ho ninyo at pakikiusapan ko sir bukas para makapag pahinga ka Manong.”
“Hindi na hija,” nakangiting sagot nito. “Bilib ako sa'yo. Kasi naman napakatiyaga mo sa mag ama kahit na nung una ayaw sa'yo ni Joshua, tapos sabayan pa ng pagiging masungit ni sir Jace. Kitang-kita sa'yo na may malasakit ka talaga sa mag ama.”
“Parang lumaki naman ho yata ulo ko,” natawa pa si Amelia. “Nagiging totoo lang ho ako sa mga taong pinag tra-trabahuhan ko.”
“Basta kung may maging problema mag sabi kalang hija, at tsaka wag mong pansinin si ma'am Natasha kasi baka nagseselos lang iyon na ikaw ang mag uuwi kay sir Jace.”
“Bakit naman ho magseselos? Wala naman pong malisya kung umuwi ng lasing si sir. Yaya po ako ni Joshua at wala po akong pakealam sa kung anong relasyon nila ni sir Jace, pero sana maging mabait ho si Natasha sa anak ni sir Jace at hindi puro si sir Jace lang ang inaatupag niya.” Napailing pa si Amelia.
Hinintay lang niyang makaalis si Manong bago niya kinuhanan ng maligamgam na tubig at bimpo si Jace. Kailangan nitong mahimasmasan upang gumaan naman ang pakiramdam.
“Sir punasan lang po kita.” Paalam parin ni Amelia kahit na alam naman niyang tulog na ito.
Naalis palang niya ang t-shirt nito ng bigla siya itong mag mulat. Tinitigan siya nito bago nag salita. “Anghel kaba? Isusunod mo na ba ako?”
Gusto matawa ni Amelia. Ngunit umiling na lamang siya bago nag salita. “Sir, si Amelia po ito hehe.”
“Bakit parang ang lambot ng labi mo?” Tanong pa nito bago pinadausdos ang isang daliri nito sakaniyang labi.
“S-Sir naman kalma kalang. Ako 'to si Amelia,” muling nag salita si Amelia pero may halong kaba na.
Napangiti si Jace bago ito naupo sa kama at tinapatan siya. Inilapit ni Jace ang mukha nito sakaniya habang titig na titig sakaniya.
“Sir?”
“Don't call me sir pretty woman,” ngumisi pa ito bago siya masuyong hinagkan.
Nanlaki ang mata ni Amelia sa ginawa ni Jace.
Pinagkamalan ba siya nitong babaeng nasa club, o si Natasha?
Kasi kung nakikilala siya ni Jace walang dahilan para halikan siya nito.
Nahiga na ulit ito. “Pwede mo na akong hubaran,” utos pa nito.
Sabi na nga ba at tumama na nga yata ng matindi ang alak kaya hindi na siya nito makilala.
“Tulog kana sir,” umalis na si Amelia sa pagkakaupo niya sa kama.
Lasing si Jace, lasing lang ito. Hindi siya pwedeng madala at pumatol.
“Pahinga na din po ako sir.”
Nakatingin lang ito sakaniya.
Ngunit bago siya makalabas sa silid ni Jace ay nagulat siya sa sinabi nito.
“Thanks Amelia,” nakangiting pumikit na ito.
Habang si Amelia naman ay mabilis ang kabog ng kaniyang puso.
Ibig sabihin kilala pa pala siya nito kahit nung masuyo siya nitong hinalikan?