Madaling-madali si Amelia dahil iniwan lang niya ang tulog na si Joshua. Pinakiusapan lamang niya ang driver na bilisan dahil baka magising si Joshua na wala siya sa tabi nito. Lagot talaga siya sa lola nito kapag nalamang iniwan niya si Joshua.
Bakit naman kasi nag lasing pa si Jace?
Agad na bumaba si Amelia ng makarating sila sa adress na sinabi ng kaybigan ni Jace.
“Manong saglit na saglit lang po ako kunin ko lang si sir Jace tapos larga na po.” Bilin ni Amelia bago nag ma-madaling pumasok sa club.
Maingay at mausok dahil sa mga taong nag yo-yosi pa. Hinagilap ni Amelia si Jace at agad naman niya itong nakita. Patulog na nga ito ng makita niyang nakaupo sa upuan.
“Sir? Sir wag ka muna pong matulog wala pa sa bahay mo. Halika na sir at si Joshua baka magising iyon.”
Inakay niya si Jace. Nakakalakad naman ito ngunit talagang hilo na kaya pagewang-gewang na.
“Kaya mo ba ako Amelia?” Tanong pa nito habang nakatingin sakaniya.
Nakikilala pa naman pala siya nito, may ulirat pa si Jace.
“Oo naman sir!” Kahit hirap na hirap ay tiniis ni Amelia ang bigat ni Jace. “Basta sir lakad kalang tapos ako guide mo para hindi ka bumangga.”
“Pasensya kana,” nahihiya nitong sabi.
“Sir ayos lang naman. Kaya lang si Joshua po kasi walang kasama, baka pag nagising s'ya na wala ako matakot. Kaya nga po madaling-madali ako kulang nalang paliparin ko sasakyan.”
Ngunit sa labas ng club ay natigilan si Amelia ng may babaeng sumalubong kay Jace. Kilala n'ya ang babaeng ito dahil naisama na ito ni Jace sa bahay. Ito ang babaeng jinugjug ni Jace sa sala.
“Bitawan mo na si Jace ako na ang mag uuwi sakaniya.” Utos pa nito.
“Ma'am nandito naman na po kami ni Manong. Kami na po ang mag uuwi kay sir, makitabi lang ma'am kasi si Joshua po baka magising pa. Sinaglit lang po talaga namin si—”
Sinampal siya ni Natasha kaya naman natahimik si Amelia.
“Hindi kaba makaintindi na ako nalang?! Look at him! Lasing na lasing si Jace oh!”
Ngunit nakipag matigasan si Amelia.
“Amelia take me home,” utos ni Jace.
Pikit na mata nito ngunit nagawa parin nitong mag salita.
“Jace, it's me Natasha. Ako na ang mag uuwi sa'yo sa bahay mo, okay?”
Napasandal na si Jace sa balikat ni Amelia.
“Manong pakisakay na po si sir sa kotse para makaalis na po tayo.”
Agad naman itong inalalayan ng driver pasakay sa kotse. Habang si Natasha ay masamang-masama ang tingin sakaniya ngunit wala na itong nagawa.
“Pasensya na ma'am ginawa ko lang po trabaho ko, at bilang malasakit narin po kay sir Jace. Bukas ho pwede ninyong puntahan si sir kapag hindi na siya lasing, tsaka ma'am kung may problema ka po sa akin si sir nalang po kausapin mo.”
Dinuro siya ni Natasha. “Inis na inis ako sa'yong babae ka. Pinakukulo mo ang dugo ko kahit na Yaya kalang naman ng anak ni Jace. Piliin mo binabangga mo,” banta pa nito.
“Sinunod ko lang po si sir Jace na ako ang mag uwi sakaniya, kung nagagalit po kayo dahil doon.” Ngumiti muna si Amelia. “Edi mamatay ka sa galit. Si sir lang ang may karapatan na mag utos sa akin. Ikaw ang unang nag pakita ng kasamaan ng ugali hindi po ako.”
Akmang sa-sampalin na naman siya ni Natasha ng bantaan n'ya ito. “Kapag sinampal mo pa ako ulit hindi ako mag da-dalawang isip na ibalik sa'yo.”
Pumasok na si Amelia sa kotse. “Manong uwi na po tayo,” mahinahon niyang utos.