Kanina grabe talaga takot ni Amelia sa ina ni Jace ngunit ng ayain siya nitong kumain naramdaman niyang 'di naman pala talaga masama ugali nito. Sadyang strikta lang at hindi paligoy-ligoy mag salita.
Ang ugaling pinapakita nito ay ang ugali talaga nitong totoo.
“Now you meet my Mom quit kana ba sa pag aalaga sa anak ko?”
Kasalukuyang nag liligpit si Amelia ng kinainan nila.
“Sir? Bakit naman sir ako mag qui-quit? Wala namang ginawang masama sa akin ang Mommy mo sir.” Sagot niya habang nakakunot ang noo.
“So, you're not afraid? Kadalasan sa nako-kompronta ni Mommy kinabukasan lang umaalis na. Mabunganga si Mom at deretso ang bibig kapag nag salita pero she's a good person. Worried lang s'ya sa amin, at nadala nadin sa ibang kasambahay na pumasok dito.”
“Sir natural lang naman sa isang ina ang mag alala sa anak at sa apo niya. Naiintindihan ko po si ma'am, tsaka sir sanay na ho ako sa mga may edad na nag su-sungit na talaga.” Pabulong niyang sabi dahil baka biglang bumalik ang ina ni Jace at marinig pa siya.
“Yeah, buti naman pala maintindihin ka.”
“Sir sana makabonding ka ulit ni Joshua. Sa susunod sir igala mo naman siya sa park, sa tingin ko dapat may makasalamuha din siyang mga bata.”
“Maganda nga ang naisip mo. Sige, sa susunod na araw sa park naman.”
Napangiti nalang si Amelia bago itinuloy na ang ginagawa niya upang makapag pahinga na.
***************
Balak na sanang mag pahinga ni Jace pero tinawagan na naman siya ng mga barkada niya.
“Sir aalis ka?”
Balak na sanang isarado ni Amelia ang gate ng makita siya nito.
“Yeah, iwan mo nalang na hindi nakapadlocked. May duplicate key naman ako sa front door kaya iyon nalang ang isarado mo.”
“Sige sir, ingat po.”
Tumango na lamang siya bago sumakay na sa kotse na ga-gamitin niya.
“Sabi na nga ba at hindi makakahindi itong si Jace!”
Nag palakpakan ang mga barkada niya.
“Inom na agad. Kanina pa kami dito bumawi ka sa shots haha.”
Inabutan siya nito ng isang basong puno ng alak. Napailing na lamang siya bago iyon ininom ng diretso.
“May pasok pa ako bukas. Saglit lang ako,” wika niya sa mga barkada niya.
“Sus! Last day na nitong si Junemar flight na bukas bro kaya samahan na natin mag walwal.”
“Tapos ano, si Natasha pa pu-puntahin na naman ninyo?“ Inis niyang tanong.
“Gusto mo ba?”
Nag tawanan ang mga ito. “Bro alam naman namin ang ganap nung umuwi kayo bigla hahaha.”
Natawa na lamang si Jace.
“Don't worry hindi namin siya ga-gambalain ngayon. Syempre tayo muna mag ba-barkada, walwal na walang babae dito bro.”
“Oo na, bunganga mo napakaingay.” Saway ni Jace.
Tumagal rin ang inuman nila hanggang madaling araw.
Dahil naparami ang inom ni Jace ay hindi na niya kayang imaneho ang sasakyan.
“Bro, tumawag ako sa bahay mo pinakiusapan kong i-uwi ka. Ihahatid ko pa kasi ibang mga kaybigan natin, mga lasing na lasing na eh. Kaya mo pa naman yata mag hintay?”
“Sino tinawagan mo doon? Bro tinawagan ko si Natasha eh.” Sabat ng isa pa niyang kaybigan na hindi pa lasing.
“Yeah, sige na hatid mo na sila. Hintayin ko nalang kung sino mauna.” Sagot ni Jace bago napakapit sa upuan dahil umiikot ang paligid niya.
Papikit na sana si Jace ng marinig niya ang boses ni Amelia.