CHAPTER 9

552 Words
Talaga palang strikto ang ina ni Jace kaya dapat lang na mag ingat siya sa mga ikikilos niya, buti nalang talaga at napayuhan na siya ng kaniyang tiya. “Lola!” Kinarga nito si Joshua. “Apo, miss na miss kita. Si Daddy ba nakakabonding mo parin? Sinabihan ko na ang Dad mo na mag bigay ng time sa'yo.” “Yeah, kagabi nag movie marathon kami lola, pero hindi parin sapat iyon. Sanay na ako kay Dad, La.” “Hayaan mo't ka-kausapin ko nalang ulit ang Dad mo tungkol sa pagiging busy niya.” “It's okay Lola, si Yaya Amelia naman ang palagi kong nakakasama ngayon. Si Yaya Amelia na i-intindihan n'ya ako at may care s'ya sa akin.” Lumapit na sakaniya si Joshua at ngumiti. Napasulyap naman sakaniya ang matanda. “Good, dapat lang na maging mabait ka sa apo ko. Kahit sa lamok hindi ko pinapadapuan si Joshua so, you should be careful for taking care of my grandson.” “Opo ma'am noted po. Hindi ko po pababayaan si Joshua, makakasa po kayo nila sir Jace.” “Okay, dinner time na. Sa tingin ko naman parating na si Jace so, dapat mag handa kana.” Utos pa nito. “Sige po ma'am.” “Yaya let's play later,” pahabol pa ni Joshua na tinanguan niya. **************** Balak na sanang dumiretso ni Jace sa silid niya ngunit nadatnan niya ang kaniyang ina. Napailing na lamang siya bago nakipag beso dito. Paniguradong bukod sa pag bisita sa apo nito ay sermon din ang dala nito. “Kanina pa kita hinihintay. Let's eat, pinaganda ko na ang dinner.” “Mom sana naman mag sabi ka kung da-dalaw ka. Hindi yung binibigla mo nalang ako palagi, tapos magugulat nalang ako sinesermon-an mo nalang ako.” “At bakit? Do I need your permission para lang makita apo ko? No, gusto ko talagang mabigla ka para mabulaga ka nalang kapag nahuli kitang may dinadalang babae dito. Sinasabi ko sa'yo Jace.” Sabi na nga ba't mag se-sermon lang ito. “Mom ang beses ko na bang sinabi na wala akong babaeng pinopormahan? Sa trabaho at kay Joshua lang ako nakafocus, at kung mag a-asawa man ulit ako I'll let you know. Bakit ko naman itatago?” “Dahil ayaw mong makilatis ko. Kilala mo ako Jace. Gusto kong makilala ko muna ang babaeng magiging pangalawang ina ng apo ko. Dahil baka pag dating ng oras ay kawawa ang apo kong si Joshua. Isusumpa talaga kita Jace, and please, matinong babae at elegante ang piliin mo. Ayaw kong basta kung sino-sino lang tapos pera lang habol sa'yo.” “Ito lang ba pag u-usapan natin Mom? Nakakawalang ganang mag dinner kasama ka kung puro ka sermon.” Naiinis na sabi ni Jace bago napabuntong hininga. Ganitong-ganito rin ang ina niya sa yumao niyang asawa. Ngunit 'di rin nag tagal nahuli naman nito ang ugali ng ina niya. Hindi naman talaga masama ang ugali ng kaniyang ina, strikto lang talaga ito at talagang mapag kilatis sa isang tao. Nag tungo na sila sa kusina. “Yaya Amelia hindi ka sasabay sa amin?” “Bakit nga ba hindi ka pa sumabay Amelia? Maupo kana at kumain.” “Opo ma'am.“ Agad naman itong naupo at sumalo na sakanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD