Mariing napapikit si Jace ng maalala ang nangyari sakaniya kagabi. Kinailangan lang naman niyang mag punta ng mabilisan sa banyo upang ilabas ang pressure na si Amelia ang mag bigay. Nabuhay ang junjun niya kagabi ngunit mabuti nalang at na handle niya ng maayos kaya walang nahalata si Amelia.
“Sir, pasensya na po sa istorbo pero si ma'am Natasha po kasi nasa labas po.”
Pinutol ng sekretarya niya ang pagmumuni-muni niya.
Inayos ni Jace ang kaniyang sarili bago sinabihan itong pa-pasukin si Natasha.
May dala itong lunchbox. Ngumiti ito bago nilapag ang lunchbox. “Dinaan ko na dito para hindi kana lumabas pa para mag lunch.”
“Nag abala ka pa sana hindi na. Busy ka sa restaurant mo, for sure madaming tao.”
“Ah, oo ganun pa din pagod nga pero masaya kasi kitang successful talaga ang business na sinimulan ko.”
Tumango siya bago tinignan ang dala nitong pagkain. “Busog pa ako kaya mamaya ko nalang ka-kainin.”
“Sige, pero sana maubos mo kasi para sa'yo talaga iyan. Sige mauna na ako idinaan ko lang talaga.” Tumayo na ito. “Jace nga pala. Sana sa birthday ko makapunta kayo ni Joshua, maisama mo sana siya. Kasi inaasahan ko talaga kayo sa party ko. Kayo ang special guest ko. Alam mo naman na naging malapit na talaga kayo sa akin ni Joshua.”
Tumango na lamang si Jace.
Next week na nga pala ang party ni Natasha para sa birthday nito, at sila ang una nitong inimbitahan.
Kung sakaling buo na ulit ang desisyon niyang magka partner. Sana lang talaga mahalin din ng magiging partner niya ang anak niyang si Joshua.
Nakikita naman niyang mabait si Natasha lalo na at talagang nag e-effort ito. Ngunit may pag da-dalawang isip pa kasi talaga siya kaya sa ngayon hindi muna siya nag e-entertain kapag tungkol sa pakikipag commitment. Gusto muna niyang makilala pa si Natasha kung sakaling mag match talaga sila nito.
Minahal ni Jace ang asawa niya at talagang taon ang kinailangan niya malampasan lang ang kalungkutan at sakit.
*******************
Bored si Amelia dahil mag Hapon lang siyang nakatunganga. Hinihintay niya si Joshua habang si Jace naman ay gabi pa ang uwi nito.
Napatayo si Amelia ng may biglang pumasok na matanda. Ngunit kahit matanda na ito ay elegante parin itong tignan at halatang strikto.
Tinitigan siya nito bago nag salita. “Ikaw ba ang Yaya ni Joshua?”
Ito ba ang ina ni Jace? Ito ang sinasabi ng tiya niya.
“Ma'am ako nga po. Magandang hapon po,” bati niya.
“Si Jace wala pa?” Tanong pa nito.
“Ma'am gabi pa po ang uwi ni sir Jace.”
Napatango naman ito. “So, ano lang nakatunganga kalang pala mag Hapon kapag wala ang mag ama?”
Naabutan kasi siya nitong nakupo eh. Iyon talaga iisipin nito kahit na tapos naman na siya sa gawain na iba.
“Pwede kang mag linis-linis sayang naman ang laki ng ibinabayad ng anak ko.”
“Opo ma'am kumikilos din po ako sa ibang bagay, tapos na po kasi ma'am kaya umupo muna po ako.” Paliwanag niya.
“Dapat lang naman kumilos ka din kasi hindi biro ang pasahod sa'yo. Pakitimpla ako ng kape habang hinihintay ko ang apo ko,” utos pa nito na agad naman niyang sinunod.