7

1130 Words
Kanina pa pabiling-biling sa higaan si Clarissa ngunit kahit anong gawin niya ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Itinuon niya ang tingin sa labas ng nakabukas na bintana kung saan lumulusot ang kaunting liwanag. Naegganyo siyang bumangon at tanawin ang mapusyaw na liwanag ng buwan. Kung maganda man ang kapaligiran sa araw ay mas na-appreciate niya iyon sa katahimikan ng gabi. Tumanaw siya sa labas. Tahimik na ang buong paligid. May naririnig man siyang ingay ay nasisiguro niyang galing iyon sa malayo. Nang magsawa sa kakatanaw sa labas ay ipinasya niyang lumabas muna at maglakad-lakad sa dalampasigan na tila ba nag-aanyaya ang bawat hampas ng alon na pumanaog siya. Ibinalabal niya sa sarili ang malaking shawl at ilang sandali pa ay nasa tabing-dagat na siya. Wala naman sigurong mangyayari sa akin dito. Ayon sa nabasa niya, mababa ang crime rate ng isla. Hindi tulad sa Maynila na malingat ka lang ay may magtatangka na nang masama sa iyo. Hindi rin siguro masama kung maglalakad-lakad muna siya. Tutal naman, bukas ng umaga ay aalis na sila. May mangilan-ngilan pa namang bakasyunista sa paligid. Sa laot ay may natatanaw rin siyang mumunting ilaw na nasisiguro niyang nagmumula sa mga bangkang –pangisda. They sure looked like stars. Pumuwesto siya sa isang mataas na bahagi at doon ay kontentong naupo at ninamnam ang kapayapaan ng gabi. The sounds of nature – iyon ang uri ng musikang gusto niyang mapakinggan. Bukas ay babalik na sila ni Karen sa Maynila. Hindi man natupad ang pakay niya rito ay natuwa pa rin siya. At least, napuntahan nila ang ibang bahagi ng isla gaya ng Sohoton Cove sa bayan ng Socorro. Pagbalik nila sa Maynila ay susubukan niyang baguhin ang lahat. Pagtutuunan niya ng pansin ang nalalabing panahon sa pag-aaral nang sa gayon ay makalayo na siya sa pamamahay ng kanyang ama. Iyong malayong-malayo. Africa. South America o hindi kaya ay Timbuktu. A life without Jillian, Bridgette, or Lester. **** Where does she think she is going? Pinilit ignorahin ni Lester sa isip ang concern para kay Clarissa nang makita itong naglalakad sa di-kalayuan na nag-iisa. Tiyempong lalabas siya upang magpahangin nang mahagip ng mga mata niya ang babaeng laman ng kanyang isip. Dis-oras na ng gabi at delikado para kanino man ang mapag-isa sa gitna ng dilim. For all I care. Barako naman iyon. Kung may magtatangka man ng masama rito ay pihadong kakayanin nito. Kaya nitong ipagtanggol ang sarili. Iwinaglit niya sa isip ang concern para dito. Bumalik siya sa loob at muling nakiumpok sa mga kaibigang kanina nagkakatuwaan. “Hey, where is Alec?” nagtatakang tanong niya kay Jonas na abalang tumutungga ng rootbeer. “Halos magkasunod lang kayong lumabas,” paliwanag nito na itinaas pa ang dalawang kamay tanda na wala itong alam. Umupo siya sa rattan chair kung saan siya nakapuwesto kanina at tahimik na uminom doon. Subalit nakakailang lagok pa lamang siya ay muli niyang inilapag ang beer sa mesita. Hindi siya mapakali. Bigla ay may kung anong kaba ang lumukob sa kanyang dibdib. “What’s wrong?” nakakunot-noong tanong ni Jonas dala ng labis na pagtataka. “Nothing. I just need some air.” He was not superstitious but sonmehow, may premonisyon siya na may masamang mangyayari ngayon. And he hated to admit it pero si Clarissa ang unang pumasok sa isip niya. **** At long last, nakaramdam na rin ng antok si Clarissa. Napahikab siya. Tatayo na siya nang makarinig ng tila kaluskos sa kanyang likuran. Bigla siyang nakaramdam ng takot. Paano kung may masamang taong nakakita sa kanya roon? Marahas siyang napalingon dahil sa naisip. Silhuouette ng isang matangkad at may-kalakihang tao ang nalingunan niya. Her instincts told her that she should run. Ngunit sa kasamaang-palad, bago pa man niya nagawang lumayo ay agad siyang nahagip ng sino mang invader na ito sa mismong buhok niya. Nakaramdam siya ng sakit ngunit mas nanaig sa kanya ang kagustuhang makaligtas. Nagpupumiglas siya ngunit wala siyang nagawa. “Bitiwan mo ako!” nagawa niyang isigaw. “Tingnan natin kung hanggang saan uubra ang tapang mo ngayon, b***h!” Napahumindig siya. Isang beses lang niyang narinig ang boses na iyon pero nasisiguro niyang ang hayop na si Alec ito. May araw ka rin, naalala niya ang pagbabanta nito. “Alec?” nagawa pa niyang itanong sa gitna ng pagpupumiglas na sinagot lang nito ng isang malutong na tawa. “So, you know my name? It’s me, indeed. You remember my promise?” Kinilabutan siya sa malisyosong paraan ng pagsasalita nito. “Bitiwan mo ako.” Pumalatak ito. “Too bad. Ayaw kitang bitiwan. ‘Cause I’ll enjoy seeing you plead for your life. At kahit anong sigaw ang gawin mo ay walang makakarinig sa ‘yo.” Isang malutong na tawa na naman ang kumawala sa lalamunan nito habang mas hinigpitan ang ang pagkakahawak sa buhok niya na halos mapigtas iyon nang isa-isa. Pagkatapos ay walang anumang pinihit ang katawan niya paharap dito dahilan upang maamoy niya ang alak sa hininga nito. Kinuyumos nito ng halik ang leeg niya na naging dahilan upang kumawala sa kanyang lalamunan ang isang malakas na sigaw. “You smell good. Not bad for a lesbian,” nakuha pang sabihin nito. “Hayup ka!” Nagpumiglas siya sa abot ng kanyang makakaya pero wala siyang nagawa. Tinalo ng lakas nito ang lakas niya. “Makikita mo ngayon kung gaano ako kahayop, bitch.” Bumaba ang mukha nito sa mukha niya at eksaktong lumapat ang mga labi nito sa mga labi niya nang buong lakas na kinagat niya iyon. Napaigik ito sa sakit at pansamantalang nabitawan siya. Tumakbo siya ngunit ilang dipa pa lang ang layo niya ay naabutan na siya nito. “Diyos ko, tulungan Mo po ako,” tahimik na naiusal niya kasabay ng pamamalisbis ng mga luha sa kanyang pisngi. Bago pa man siya makagawa ng ano mang pagtutol ay naitumba na siya nito sa buhanginan, saka siya kinubabawan. Pero hindi siya dapat magpagapi sa kasamaan nito. Sa abot ng kanyang makakaya ay manlalaban siya at ipagtatanggol ang kanyang sarili. Nag-ipon siya ng lakas upang makahingi ng saklolo. Ngunit bago pa man siya makasigaw ay sinuntok na siya nito ng malakas sa sikmura. Napaigik siya sa sakit na bumalatay sa katawan niya. Hindi pa ito nakontento at dalawang magkasunod na sampal ang pinadapo nito sa magkabilang pisngi niya daan upang manghina ang depensa niya. Naramdaman na lang niya ang pagkapunit ng T-shirt na suot niya. Nahantad ang dibdib niya sa mga mata nito na ngayon ay parang hayok sa laman. Wala na siyang pisikal na lakas upang lumaban. Sa buong buhay niya ay noon lamang siya nasadlak sa ganoong klase ng sitwasyon. Sa pagitan ng tahimik na pagluha ay umusal siya ng panalangin. Diyos ko, tulungan N’yo po ako. Pagkatapos ay tuluyan na siyang nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD