8

1330 Words
Naalimpungatan si Clarissa sa loob ng isang hindi pamilyar na silid. Namimigat man ang kanyang mga talukap ay pinilit niyang dumilat. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Maluwang at may marangyang appliances sa loob. Sa single-seater na sofa sa isang sulok ay may nakapatong na gitara katabi ng isang asul na wakeboard. Tinangka niyang bumangon ngunit ganoon na lang ang pagsigid ng kirot sa kanyang buong katawan. Pilit niyang inalala ang nangyari nang nagdaang gabi kung paano siya nakarating sa lugar na iyon. Unti-unti ay luminaw ang lahat kasabay ang pagsigid ng hindi mawaring kaba, takot, at pagkasuka. “No,” mahinang himutok niya. Sinilip niya ang sariling natatabingan ng puting kumot. Napakagat-labi siya sa pagkadismaya nang malamang iba na ang damit na suot niya. Nakasuot na siya ng puting T-shirt na halatang panlalaki na tinernuhan ng maluwang na padyamas. “No…” Napaluha siya. Gusto niyang maligo at sabunin ang buong katawan nang paulit-ulit upang mawala ang bahid ni Alec. Nasa ganoon siyang posisyon nang maulinigan ang papalapit na kaluskos. Nagkunwari siyang tulog. Kasunod niyon ay ang pagbukas ng pinto. Inihanda niya ang sarili sa kung ano mang mangyayari. Si Alec na kaya ito? tanong niya sa isip. Nang maramdaman ang pagdantay ng mainit na palad sa braso niya ay pabigla siyang bumalikwas at sumuntok. Hindi niya alintana ang sakit. Basta sumuntok siya at bahala na kung saan makatama hanggang sa makaramdam siya ng pagod at panghihina. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit walang ano mang marahas na reaksyon mula sa taong kaharap niya. “It’s just me.” Natigilan siya. Hindi kay Alec ang baritonong boses na iyon. Iniangat niya ang kanyang mukha at ganoon na lang ang pagkamangha niya. “L-lester?” nauutal na tanong niya. Kumurap siya upang siguruhing hindi lang parte ng bangungot ang nakikita niya. Ngunit sa muli niyang pagdilat ay mukha pa rin ng binata ang naroroon, nakatunghay sa kanya habang nakapinta ang concern at…awa? Umupo ito sa gilid ng kama at ginagap ang kamay niya. Ang init na nagmumula sa palad nito ay naghatid ng katiwasayan sa puso niya. Sa isang iglap ay napaluha siya. Gusto niyang magsumbong kay Lester ng lahat ng nangyari. “Pinagsamantalahan niya ako, Lester,” sumbong niya sa garalgal na tinig. “K-kagabi no’ng…” Hindi niya nagawang tapusin ang kanyang pangungusap. Buong higpit siyang niyakap nito at masuyong hinaplos ang kanyang buhok. Suddenly, she felt so weak. For what seemed like eternity ay hinayaan siyang umamot ng lakas mula kay Lester. “Walang masamang nangyari sa ‘yo,” paniniguro nito. “I got there on time.” Napaangat ang kanyang mukha. “I-iniligtas mo ‘ko?” paniniguro niya. Umupo ito sa gilid ng kama at pinunsan ng kamay ang pisngi niya na nabasa ng mga luha. Gusto niyang umurong nang maramdaman ang init ng palad nito pero nagdalawang-isip siya. Hindi siya dapat mag-isip ng malisya. Ano man ang ipinakitang concern nito ay natural lang sa kahit sinong lalaki na mamakita ng babaeng inaabuso. It was an act of brotherly love. “Oo, dumating ako,” anito habang nakatitig sa mga mata niya. Pagkatapos ay ikinulong nito sa magkabilang palad ang pisngi niya. “O, iiyak ka na naman?” nag-aalalang tanong nito nang makitang naiiyak na naman siya. “Huwag mo nang isipin ang nangyari, okay? Ang mahalaga ay magpagaling ka.” Kinuha nito ang isang mangkok ng umuusok na sopas. “Here, eat this.” Sinubuan siya nito hanggang sa maubos ang laman niyon. Di ito pumayag nang sabihin niyang siya na lang. “Paano mo ako nailigtas?” maya-maya ay tanong niya. Nakita niya ang pagguhit ng galit sa mukha nito habang may tila binabalikan sa isip. Umasim ang eksprsyon nito. “Wala. Pinaulanan ko lang ng suntok at tadyak ang hudas na ‘yon.” “Lester, paano ba kita mapapasalamatan?” “You don’t have to.” Muli ay ikinulong nito sa dalawang palad ang mukha niya at tumitig sa mga mata niya. All her life, hinangad niyang kahit minsan ay titigan siya ni Lester nang ganoon- iyong tinging nagsasaad na siya ay isa ring karespe-respetong tao. Malayo man sa katotohanan pero labis na natutuwa ang puso niya. Being close to the man she secretly loved was more than enough. She silently sobbed. Sa paglakataong iyon ay hindi iyon luha ng pighati kundi luha ng kagalakan dahil sa ipinakitang pagmamalasakit ng binata. Kulang ang sabihing natuwa siya. She was overwhelmed by his act of bravery at ang salitang “salamat” ay hindi sapat. Kahit pa yata habang-buhay na paglingkuran niya si Lester ay hindi niyon mababayaran ang ginawa nitong kabutihan sa kanya. “Sshh…Tama na.” Muli ay inalo siya nito at niyakap nang mahigpit. “Ngayon ka pa ba iiyak when you’re all safe and sound?” “Natutuwa lang ako.” Dahil naririto ka sa tabi ko at iniligtas mo ako. Hindi niya aklain na ito pa pala ang magliligtas ng puri niya. Sana ay wala nang katapusan ang napakatamis na panaginip na ito pero batid niyang malabo iyon. Everything was temporary. Bago pa man siya tuluyang malunod sa nag-uumalpas na damdamin ay minabuti niyang putulin ang kahibangan. Pasimple siyang kumawala sa mga bisig ng binata. “B-baka may gagawin ka pa,” nakuha niyang sabihin. “Mamaya pa ang kompetisyon. Ang mabuti pa ay magpahinga ka na uli. I’ll be back to check on you later. Ano ang gusto mong kainin mamaya? Tanong nito habang inaayos ang pagkakahiga niya. “Wala.” Kalabisan na kung may hihilingin pa siya. Saka isa pa, tajhimik siyang aalis sa cottage na ito mamaya. Hindi tama kung mananatili pa siya sa poder nito. Jillian might not like the idea that she and Lester were staying in one place. Delicadeza na rin. “Well, then, matulog ka na. Babantayan kita hanggang sa makatulog ka.” Ini-on nito ang stereo at pumailanlang ang instrumental ng kanta ni Kenny G. sa ere. Umupo ito sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya na para bang nagsasaad na hindi siya iiwan. Hindi niya alam kung ang soothing music o ang simpleng paghawak nito sa kanyang kamay ang nagpa-relax sa kanya. Ilang saglit pa ay naidlip na siya.     Hindi kita iiwan.  Matapat na tinupad ni Lester ang pangakong iyon kay Clarissa. Naging maalaga ito sa kanya. Kaunting kibot lang niya ay nakaalalay na agad ito. Tuluyan na silang pinalipat nito sa cottage nito. Ang katwiran nito ay para daw mabantayan na rin sila. Nagpatianod na rin siya sa kagusthan nito. Kahit man lang sa pagkakataong iyon ay maramdaman niya ang pagkalingfa nito. At least, may babaunin siyang isang napakagandang alaala pagbalik niya sa Maynila. Nang araw ding iyon ay babalik na sila ni Karen sa Maynila pagkatapos ng dalawang araw pang extension ng kanilang bakasyon na iginiit ni Lester para makapagpahinga raw siya. Huling beses na niyang mamamalas ang napakagandang tanawin sa kanyang harap kaya susulitin niya na ang lahat. Pumikit siya at sinamyyo sa balata ng presko at malamig na hangin na hinayaan niyang isayaw-sayaw ang ilang hibla ng kanyang buhok. “Ready?” Napadilat siya nang marinig ang boses ni Lester. Inilahad nito ang kamay sa kanya tat inalalayan siyang tumayo. Saka magkaagapay silang naglakad papunta sa sasakyan na siyang maghahatid sa kanila ni Karen sa domestic airport ng isla. Habang naglalakbay ay napatingin siya sa nadaraanan nila. it was an unfamiliar place, yet, it had given her so many memories that she would cherish her whole life. Mami-miss ko ang lugar na ito. Napatingin siya sa gawi ni Lester na tahimik lang na nagmamaneho. At mami-miss ko ang mukhang ito. Naitanong niya sa sarili kung ano ang magiging turingan nila nila ni Lester sa isa’t-isa pagkatapos niyon. Ah, napakarami palang nangyari sa loob ng ilang araw na pananatili niya sa isla. Few days that would soon change the course of her life. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD