Kasalukuyang hinihintay ni Clarissa na ma-bake ang dalawang layer ng chocolate cake na pinagtulungan nilang gawin ni Nana Belen nang marinig ang pagtunog ng doorbell. Makailang ulit na tumunog pa iyon.
“Nasaan na ba kasi Andoy?” naiinis na tanong ni Nana Belen na akmang lalabas na. Pinigil niya ito at nagboluntaryong siya na ang magbubukas ng gate. Pansamantalang iniwan niya rito ang ginagawa.
“Hi!” masiglang bati ni Lester nang bumungad sa kanya. “May I come in?”
Alam niyang biro iyon. Laging welcome ito sa bahay ng mga dela Merced lalo pa at fiancé ito ni Jillian. Ano mang oras na naisin nitong pumasok at bumisita ay nagagawa nito. Mas tanggap pa nga ito kaysa sa kanya.
Tumabi siya upang bigyang daana ng pagpasok nito. Nakaparada lang sa labas ang kotse nito. Ngunit sa pagtataka niya ay huminto ito sa mismong tapat niya. Nakangiti ito habang nakatunghay sa kanya. ngali-ngaling batukan niya ito. Kung akam lang nito kung gaanong pagkaasiwa ang nararamdaman niya habang ganoon ito kalapit sa kanya.
Napapitlag siya nang makita ang unti-unting pagbaba ng mukha ni Lester sa tainga niya, saka bumulong. “You’re a mess.”
Na-conscious siyang bigla lalo pa nang kunin nito sa buhok ang nanikit na harina. Saka lang niya naalala na suot pa pala niya ang puting apron. “But a rather cute mess,” dugtong nito.
Kung hindi nagkakamali ang imahinasyon niya ay may nakikita siyang kakaibang kinang sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya.
“I find girls in apron very sexy. Lalo na ‘yong masarap magluto,” seryosong sabi nito na walang halong sarkasmo. It was a statement na naghatid ng ligaya sa puso niya ngunit nakakailang din.
“A-anong ginagawa mo rito?” Masyado na siyang naaasiwa sa mga sinasabi nito kaya minabuti niyang magbukas ng ibang usapan.
“I’m here on an errand.” Itinaas nito ang hawak na maliit na basket na puno ng prutas. “Mom’s simple way of thanking you for the wonderful gift.”
“Talaga?” Labis niyang ikinatuwa iyon.
“Yes. And she wants to see you.”
Napamaang siya. ilang ulit nang nagagawi sa pamamahay ng mga dela Merced ang ina ni Lester ngunit hindi siya nabigyan ng pagkakataong makilala ito ng personal.
“Don’t worry, mabait ang mama ko. She will surely like you.”
********
Ang invitation na sinasabi ni Lester kay Clarissa ay sa mismong farm ng mga Andrada sa Laguna. Isang napakalawak na lupain na natatamnan ng iba’t-ibang pananim ang pinasukan nila. Sa gilid ng sementadong kalsada mula sa bungad ay namumukadkad ang mga bulaklak na halatang alaga ng hardinero. Ang mga tauhang nadaraanan nila ay bumabati kay Lester na ginagantihan naman ng kaway at ngiti ng huli. Sa tingin niya, malapit si Lester sa mga ito.
Sa harap ng isang two-storey European style house tumigil ang kanilang sinasakyan. Namangha siya sa laki at ganda niyon.
“We only come here during special occasions,” paliwanag ni Lester habang magkaagapay na silang naglalakad sa patio.
“Lester!” Isang matandang babae na sa tingin niya ay nasa sesenta ang edad ang nagmamadaling lumapit sa kanila at yumakap sa binata na ginantihan naman nito. Yaya pala ito ni Lester na siyang nagpalaki sa binata. Iginiya sila ng babae sa loob ng kabahayan. Kung namangha man siya sa exterior ng bahay ay mas nalula siya sa loob sa ganda at ayos ng lahat ng gamit, mula sa sofa hanggang sa mga chandelier. Hindi niya naisip na ganito pala kayaman ang mga Andrada. No wonder na halos ipagduldulan ni Bridgette si Jillian sa mga ito.
Mula sa pinasukang sala ay lumabas naman sila sa isa pang malaking pinto na nagkokonekta sa malawak na garden at pool. Sa gilid ng pool ay may naka-set up na table kung saan naghihintay ang miyembro ng pamilya.
“Lester,” may pag-aalalang sambit niya sa pangalan nito. Hindi sinasadyang napakapit siya sa braso nito. Pakiramdam kasi niya ay sinisilaban siya sa kaba. Sa isip ay tsinek niya kung hindi ba siya maaalangan sa mga kapamilya nito. Simpleng bestida na pinatungan ng sweater ang suot niya. Iyon lang ang sa tingin niya ang pinakapormal niyang damit sa closet.
“Hey, don’t worry, they’ll like you,” pagbibigay assurance nito na tila isa siyang babaeng pakakasalan na ipapakilala sa magiging in-laws at naghihintay ng approval ng mga ito. “You look beautiful.”
Ikinataba iyon ng kanyang puso. Ngayon lang yata siya nakatanggap ng ganoong papuri.
Ang pamilya Andrada ay may mabababang-loob. Mababait at walang kaplastikan kung makisama ang mga ito sa ibang tao. Ang mas kinagigiliwan niya ang dalawang pamangkin ni Lester na halos hindi na humiwalay sa tabi niya.
“Naku, Clarissa, inaabuso ka na ng mga batang ‘yan,” nag-aalalang puna ni Sandra, ang nakatatandang kapatid na babae ni Lester.
“Ate, sanay si Clarissa sa mga makukulit na batang gaya ng mga anak mo. May charity sina Clarissa at pulos mga bata ang recipients,” tila may pagmamalaking pahayag ni Lester.
“Oh, really. It’s rare for young people like you na gumawa ng charitable activities,” natutuwang sabi naman ni Mrs. Andrada na pansamantalang itinigil ang pagsubo ng Caesar salad.
“Maybe, you should invite Clarissa, honey,” sabi naman ng ama ni Lester. “Alam mob a, hija, sa charity ball kami nagkakilala nitong mama ni Lester?” Parang bumalik sa pagka-teenager si Mr. Andrada habang kinukuwneto ang love story nila ni Mrs. Andrada na manaka-naka ay sumasalit sa narration ng matandang lalaki.
Nakakatuwa ang mga magulang ni Lester. After all these years, naroroon pa rin ang kinang sa mga mata ng mga ito, simbolo ng wagas nap ag-ibig at pagmamahalan. How she wished na isang araw ay makatagpo rin siya ng taong magmamahal sa kanya nang tapat.
Hindi sinasadyang napatingin siya sa katabi. Muntik na siyang masamid nang matuklasang nakatitig ito sa kanyang mukha. Kung ano man ang nais ipakahulugan ng mga mata nito ay hindi niya mawari.
Para maibsan ang kaba dahil sa titig nito ay pasimple niya itong nginitian bago itinuon ang atensyon sa pagkain. Kung alam lang nito kung paano nangangatog ang kanyang mga tuhod kapag tinititigan siya nito nang ganoon.
Pagkatapos ng masagang hapunan ay inilibot siya ni Lester sa farm. Nagsilbing tour guide niya ang binata. Panay ang paliwanag nito tungkol sa mga produkto ng farm.
“This farm was the brain child of my mom. Bulaklak ang unang itinanim ng mga magulang ko hanggang sa nag-venture sila ni Dad sa iba pang produkto gaya ng mga prutas at iba pa,” paliwanag nito habang magkaagapay silang naglalakad sa daan. “Naalala ko noong bata pa kami, Dad would bring us here para daw matuto kami ng b uhay-probinsiya.” Kakaiba ang ngiti sa mga labi ni Lester. Marahil ay naalala nito ang kabataan.
“Pero hindi mo nakahiligan,” sabi niya.
Bago ito sumagot ay inalalayan muna siya nito na makaupo sa lilim ng malagong puno ng mangga. Ngayon lang niya napuna na narating na pala nila ang pinakamataas na bahagi ng burol kung saan tanaw nila ang buong kapaligiran ng lupain.
“I don’t know, it’s just not my forte,” sagot nito. “Ayokong nakagapos sa opisina. I love adventure at kapag tinanggap ko ang alok ni Dad, hudyat iyon na magtatapos na ang passion ko.” Naiintindihan niya ang punto nito. Mas magiging productive nga naman ang tao kapag bukal sa loob ang ginagawa.
“Kaya ka nagsarili,” konklusyon niya na sa nagsasayawang mga d**o nakatingin.
“Nandiyan naman si Papa, eh.”
“Pero hindi ba’t mas maigi kung may katuwang siya? Kung ako ang nasa katayuan mo, tatanggapin ko o hindi kaya ay ‘di na ako aalis sa lugar na ito. This is heaven, Lester. Pero baka nga hindi ka mabuhay sa lugar na ito lalo na si Jillian. Ilang beses mo na nga palang nadala si Jillian dito?”
Gusto lang niyang mangalap ng impormasyon tungkol sa relasyon ng dalawa. Nakakasiwa kung diretsahan niyang tanungin ang estado nito at ng kapatid. Napansin kasi niya, Lester never talked about her sister at kung nagkataon man na nasasali ito sa usapan ay umiiwas ito na hindi niya malaman.
Hindi ito tumugon. Ipinagpalagay na lang niya na wala itong narinig kaya pinagkasya na lang niyang busugin ang mga mata sa napakagandang tanawin. Hindi niya maiwasang mapangiti. Hindi niya alam pero sa pagkakataong iyon ay may nararamdaman siyang sense of contentment.
“Jillian has never been here,” maya-maya ay sabi nito.
Nakakagulat iyon. ikakasal na at lahat ang dalawa pero may mga bagay na hindi mapagkasunduan ang mga ito.
“She’s not a country girl,” dagdag nito.
Batid niyang maarte sa katawan ang kapatid. Hindi ito nabubuhay ng walang kuryente, cell phone, computer, at kung anu-ano pang gadgets. Nang minsang isama sila ni Nana Belen sa Camarines ay napabalik silang bigla dahil nag-iiyak si Jillian at gusto nang bumalik sa Maynila.
“Alam mo bang iyon lang ang pinagkakasunduan naming?”
Lang. Hindi iyon nakaligtas sa kanyang pandinig.
“Jillian and I, we usually fight most of the time,” pagkukuwento pa ni Lester.
Napukaw ang interes niya. All the while na inakala niyang Lois and Clark ang dalawa ang dalawa ay may mga differences din pala ang mga ito tulad ng ibang karaniwang magkasintahan. Hindi rin perpekto ang relasyon ng mga ito.
“She hates my friends, my lifestyle, my career. It’s as if she wants me to turn into someone I’m not.” Bumuntunghininga ito. “I can’t even remember the last time we talked like sober people. Can you believe it, we haven’t talked for a long time.”
“Pero mahal moa ng kapatid ko, ‘di ba?” Saksi siya sap ag-usbong ng pag-iibigan ng mga ito mula pa noong mga bata sila.
“Dati, akala ko, love is enough for a relationship to survive.”
Dati. Tumatak iyon sa isip niya. Sa paglingon niya sa gawi nito ay muntik na siyang mapalunok. Naroroon na naman ang hindi niya maipaliwanag na mga titig nito.
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
“N-nothing.”
Batid niya ang pag-iwas nito sa usapan at wala siyang karapatan na pilitin itong magtapat. Sa tingin niya ay may malalim itong iniisip kaya hinayaan lang niya ang pananahimik nito.
“Tayo na, gumagabi na,” maya-maya ay yaya nito na nagpatiuna nang tumayo.
Habang tahimik silang naglalakad pabalik sa bahay ay hindi maiwasang matanong sa sarili kung may nasabi ba siya na dapat nitong ikagalit. Galit kaya ito? Tila nanlalamig siya sa isiping iyon at nayakap ang sarili.
“Giniginaw ka,” pagbasag nito sa katahimikan.
Hindi niya inasahan ang sunod na ginawa nito. Hinubad nito ang suot na jacket at ipinatong iyon sa mga balikat niya. All the more, she really felt like those women in romantic movies. Pakiramdam niya ay babaeng-babae siya at naghatid iyon ng mas nakakasiwang pakiramdam.
*******
“Akala ko kung nasaan na kayo,” salubong ni Sandra kina Clarissa at Lester. Kaagad siyang hinila nito papasok sa loob ng bahay. Nadatnan nilang nakapalibot sa malaking Christmas tree ang mga Andrada para sa pinakamahalagang parte ng selebrasyon, ang bigayan ng regalo.
Habang pinapanood ang mga ito ay napuno ng tuwa ang kanyang puso. Napaka-ideal ng pamilya ni Lester.
Ang sarap sigurong maging parte ng pamilyang ito,” nangangarap na wika niya sa sarili. Kaya pala mabuting tao si Lester, mabubuting tao ang nagpalaki rito at nasisiguro niya na magiging mabuting asawa at ama ito.
“Para sa iyo ito, hija,” sabi ng mama ni Lester, sabay abot sa kanya ng isang regalo. Bagong edition iyon ng Purose Driven Life. “Alam kong may mabuti kang puso kaya ‘yan ang napili ko. You have been purposely born into this world dahil marami kang napapasaya.”
Iyon ang unang beses na may ibang taong naka-appreciate sa kanya at labis siyang natuwa. Maluha-luhang nagpasalamat siya sa mga Andrada lalo na sa ina ni Lester.
“Ma, it’s time, paalala ni Mr. Andrada sa asawa.
“I almost forgot.” Natapik ng ginang ang ulo nito. Niyaya silang lahat nito na magtungo sa labas kung saan namalas nila ang isang napakagandang fireworks display. Para siyang bata na napapalakpak sa tuwa at amazement lalo na kapag nagbabago ang design at kulay ang fireworks.
“Ang ganda!” bulalas niya. Hindi mawala-wala sa mukha niya ang matamis na ngiti. “’Di ba, Lester?”
Nang hindi ito sumagot ay nilingon niya ito. Napawi ang masayang ngiti sa kanyang mga labi nang matuklasang hindi naman sa langit nakatingin ang binata kundi sa kanyang mukha. It was the same look that had puzzled her for quite some time now. It was just like how Austin looked at Sam. Iyong titig na nakapanghihina ng buto.
Sa loob ng ilang sandali ay nag-ugnay ang mga titig nila na para bang walang ibang tao sa paligid. “I’m glad you enjoyed it,” sabi nito kapagkuwan bago tumingin sa langit. Then, the spell was broken.